Alice Academy part 2 (FanFic)

1.3K 17 10
                                    

alice academy fanfic!

ALICE ACADEMY (CONTINUATION FANFIC)

Otonashi Takeshi: Can hear anything in one's mid

Tobita Yuu: Iinchou: Illussion

Hotaru Imai: Technological

Ruca Nogi: Animal phenomena

Mikan Sakura: Nullify

Hyuuga Natsume: Fire

Sumire Shouda: Cat

Jinno: Director of School: Wizard

Hijiri Youichi: deathly ghost

Misaki: Biology

Narumi: Aesthetics Teacher

Nonoko Otaku

Noda: Time tripper

Andou Tsubasa: Shadow

EP 1

WHEN YOU'RE GONE

Pagkatapos ng pag-alis ni Hotaru Imai sa AliceAcademy, heto na ang nangyari kay Mikan...

Sa kanyang kwarto...

MIKAN: Hotaru... Hotaru... (Humihikbi na) Hotaru!!! (Tuluyan nang umiyak)

Maya-maya, may kumatok...

RUCA: Sakura! Nandiyan ka ba?

MIKAN: Sige. Tuloy.

RUCA: (Pumasok na) O? Bakit? Umiiyak ka pa din?

MIKAN: Siyempre 'no? Alangan namang hindi? Best friend ko kaya 'yong umalis?

RUCA: Tahan na. Lahat ng tao dumaraan diyan. (Rubs her back)

MIKAN: Alam mo, Ruca? Naiinggit ako sa 'yo.

RUCA: Bakit naman?

MIKAN: Kasi, buti pa kayo ni Natsume hindi nagkakahiwalay. Lagi kayong magkasama.

RUCA: Hindi rin. Kasi may mga pagkakataong hindi rin kami nagkakasama at alam kong alam mo rin ang dahilan ng mga 'yon. Kaya may pagkakaparehas pa din tayo. O, 'yan, may karamay ka na. Tahan na.

MIKAN: Salamat, Ruca.

Sa paglabas nila mula sa kwarto ni Mikan...

RUCA: Ano? Mabuti na ba ang pakiramdam mo? (Pagpasok sa room)

MIKAN: Oo. Salamat ulit.

RUCA: (Umupo sa tabi ni Natsume) Natsume...

HYUUGA: Hmm... Saan ka galing?

RUCA: Pumunta ako sa kwarto ni Sakura.

HYUUGA: Ano naman ang ginawa niyo doon?

RUCA: Dinamayan lang siya.

HYUUGA: Sige. Maganda 'yan. (Tumayo)

RUCA: Saan ka pupunta?

HYUUGA: Hindi mo na kailangang malaman. 'Wag ka nang sumunod. Diyan ka na lang. (Umalis na)

RUCA: (Nalungkot) Natsume...

Pagkatapos ng klase, lumabas si Mikan para hanapin si Hyuuga.

Natagpuan niya itong nagbabasa...

MIKAN: Sabi ko na nga ba't nandito ka eh.

HYUUGA: May sinabi ka ba?

MIKAN: Wala. Pwede ba tayong mag-usap?

HYUUGA: Hmm.. Sige. Ikaw ang bahala.

MIKAN: (Umupo sa likod ng puno) Alam mo, maswerte ka't nandiyan lagi si Ruca para sa 'yo.

Alice Academy part 2 (FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon