May Kwento Ako

65 2 0
                                    

May kwento ako, at magsisimula siya sa ganito:


I HATE CHANGES

I'M AFRAID OF ADJUSTMENTS

AND I DON'T WANT TO START ALL OVER AGAIN.


Pero sa totoong buhay, 'pag namulat ka na sa realidad, lahat nagbabago.


Tingnan mo, noon 'pag nakikita mo siya ang saya saya mo, para kang tumakbo sa bilis ng tibok ng puso mo. Kinikilig ka at abot tenga yung ngiti mo.

Ngayon hindi ka na kinikilig, hindi ka na rin makangiti pero may tumatakbo pa rin naman, yung mga luha mong nag-uunahan sa pagtulo mula dyan sa mga mata mo.


Dati akala mo prinsesa ka at siya yung prince charming. Syempre 'yon yung turing niya sa 'yo at 'yon naman yung tingin mo sa kanya.

Lagi ka niyang pinagsisilbihan na parang wala kang mga kamay dahil sinusubuan ka pa niya, parang wala kang paa dahil lagi ka niyang pinapasakay sa likod niya at parang wala kang alam sa mundo dahil gusto niya na siya na ang gumawa ng mga bagay para sa'yo.


Pero may plot twist pala ang kwento niyo, hindi ka pala tunay na anak ng hari at reyna, anak ka ng isang alipin nilang pumanaw at inihabilin ka nalang sa kanila. Tapos noong nalaman 'yon ni prince charming, iniwan ka niya.

Ngunit dahil hindi naman totoo ang fairy tales, malalaman mo na nag-iilusyon ka lang pala dahil ilusyonada ka.

Hindi ka prinsesa, hindi siya prince charming pero ang masakit, iiwan ka pa rin niya. Saklap 'no?

 

Sabi mo masaya ka naman noong wala pa siya sa buhay mo, pero sabi mo rin mas sumaya ka noong dumating siya.

Lulan kasi siya ng isang magarang sasakyan at mabulaklak siyang magsalita. Naakit ka nung halimuyak ng mga salitang lumalabas sa kanyang bibig at nagbigay sa'yo 'yon ng kakaibang saya.

Ngayon gusto mo nalang pasakan ng bulaklak yung bibig niya nang hindi na talaga siya makapag-salita.


Noong naging kayo, sabi mo kinukumpleto niya ang araw mo. Pakiramdam mo kasi centrum siya. Kahit gaano pa kalungkot, kaasar o kasama ng araw mo, nawawala yun lahat 'pag andyan na siya sa tabi mo.

Para kang puzzle at siya ang bubuo sa'yo. Pero hindi porket buo na ang puzzle doon na nagtatapos ang lahat. Pwede pa rin iyong pag-pira-pirasuhin tapos buo-in ulit. Ang problema pinag-pira-piraso ka niya ulit tapos tinamad na siyang buo-in ka.


Tapos na ba ang kwento ko? Hindi pa, hindi pa talaga.


Pagkatapos ng lahat hindi ko akalaing maaalala niya pa 'ko. Naalala niya nga ba ako?

Napatingin ako sa invitation letter na hawak-hawak ko, at naiisip ko baka nga. Hindi ko alam kung bakit nabubuhayan ako ng pag-asa, grabe ganito pala ang maging TANGA.


Napatingin ako sa paligid ko, at para iyong apoy na unti-unting tumutupok sa pag-asang umu-usbong sa tanga kong sistema. Buti nalang at nakakakita ako nasabi ko nalang sa sarili ko bago pa ako mahulog sa bangin ng pantasya ko.

Naisip ko rin sa mga pagkakataong ito na masokista talaga ang tao. Ako na magpapatunay sa inyo.


Pumunta na ako sa pwestong nakalaan para sa'kin. Buti pa dito may lugar ako, pero sa kanya mukhang wala na. Ito na nga yung patunay oh.

Nagsimula na rin ang seremonyas.

Hanggang sa pumasok ang isang babaeng umiiyak, hindi dahil sa lungkot o hinagpis pero dahil masaya siya. Sobrang saya niya.


Gusto ko ring umiyak, gusto kong umiyak sa saya. Gusto kong maging siya. Sana ako nalang siya.


Dahan-dahan siyang naglakad sa gitna, papunta sa lugar na nakalaan para sa kanya. Sa lugar na gugustuhin ko ring puntahan. Sa lugar na kapiling siya. Pero hindi maaari dahil hindi ako siya. Sana ako nalang siya, sana ako nalang yung mahal niya.


Natapos yung seremonyas nang masaya. Sobrang saya ng lahat na tila nawalan ako lugar, pero sa umpisa palang wala na pala talaga akong lugar dito.

Sabi nga, lahat ng simula ay may katapusan. Ngayon magsisimula na siya ng bagong buhay kasama ang iba, kaya kailangan ko na ring tapusin ang pagmamahal ko para sa kanya.

Dahil magsisimula na siya at ako magtatapos pa lamang. Matatapos na rin ang kwento ko sa inyo. Magtatapos ako pero magsisimula rin. Magsisimula rin ako ng bagong kwento, nang wala siya, nang hindi ko siya kasama. At tatapusin ko ito sa huling luhang papatak sa mga mata ko.

Para naman sa tanong ko kung naaalala niya pa ba 'ko? Oo naaalala niya pa 'ko. Naaalala niya ko bilang isang ala-ala. Dahil naalalang ala-ala na lamang ako para sa kanya.

---------
Please vote kung nagustuhan niyo. Salamat :)

May Kwento Ako (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon