Chapter 1

2 0 0
                                    

-Karren Pavillion-

Kinusot-kusot ko ang mata ko nang sumakit ito dahil tumama ang sinag ng araw mula sa nakabukas na bintana ng kwarto ko. Wait! Inilibot ko ang tingin ko at medyo nagtaka. Hindi ko kwarto ito. Napahawak ako sa sentido ko ng maramdaman ang sakit. Napaupo ako at agad na hinablot ang kumot para pantapal sa hubad kong katawan. Hindi ko man maalala ang nangyari kagabi ay isa lang ang alam ko. Naging masaya ito. Sayang lang talaga at hindi ko maalala.

Muli kong inilibot ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto. Walang tao, ako lang mag-isa wala ding tao sa cr dahil nakabukas ang pinto nito at hindi ko naririnig ang tunog ng shower. Elegante ang disenyo ng kwarto. Halatang mayaman dahil may aura pa pati ang kisame. Bumangon na ako at isa isang kong kinuha ang mga damit kong maayos na nakatupi sa gilid ng kama.

Mabilis kong isinuot ang mga ito. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na, lalabas na sana ako ng bahay ng may marinig akong nagsalita sa likod ko.

"Leaving without asking a permission huh?" Napalingon ako dito at nakita ang nakatopless na lalaki, ngunit nakasuot ito ng apron. Sayang! Sana ay may pandesal na ako bago ko siya iwan. Gwapo ito, matangkad at malaki ang pangangatawan. Nakakainis lang at hindi ko talaga maalala ang nangyari kagabi. Sana lang ay may part two.

"I need to go." Sabi ko

"Kumain ka muna, nagluto ako ng breakfast." Aniya

"No thanks, sa bahay nalang. Baka hinahanap nako ng mommy ko."

"Hatid na kita"

"Hindi, ayos lang" sabi ko at tuluyan ng umalis. Baka kulitin lang niya ako. Once is enough, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at tuluyang magkaroon ng part two ang nangyari kagabi.

Nag-taxi ako pauwi. Dire-diretso ako sa kwarto ko, pasalamat ako dahil wala si mommy, hindi daw ito umuwi kagabi sabi ng kapatid kong si Nymphie. Hindi na siya nagtanong pa, kung bakit hindi ako umuwi, alam naman na niya ang mga pinag-gagagawa ko. Basta para sa kaniya ay wag kong kakalimutan ang allowance niya every month.

Maliligo na ako ng maalala ko na may lakad pala kami ni Scarlette ngayon, isa sa mga bestfriends ko. Kinuha ko ang bag ko at hinalungkat kung nandoon ba ang cellphone ko. Muntik ko nang ibalibag ang bag ko ng makita kung ano ang nanduon. Napatili ako.

"Wtf is this?" Nagtataka ako kung bakit may brief sa bag ko, sa tingin ko ay nagamit na ito dahil medyo lukot ito. Agad kong hinanap ang phone ko at binuksan ng may makita akong text message mula sa unknown number.

Unknown:

Hi baby, this is Caleb. The boy you was with last night. Nakauwi kanaba? Nakita mo ba yung brief ko sa bag mo? Take it as a suvinir. I hope you enjoy :)

Nanliit ang mata ko at agad kong dinilete ang text niya, pati ang brief niya ay itinapon ko sa trash can sa bathroom ko. The nerve! Kaimbyerna-_- may pa suvinir suvinir pa talaga siyang nalalaman!.

Nakakainis ah! Bwiset!! Imbes na pairalin ko ang pagkainis ko, ay pumunta na ako sa comfort room ko para maligo. Nag-ayos na lang ako at nagsuot ng pormal dress. Pupunta kasi kami sa birthday ng kaibigan ng mommy ni Scarlette.

Nagtxt na ako kay Scarlette na paalis na ako ng bahay, kaya lang sabi nya ay hintayin ko daw ang pinadala nyang magsusundo saken. Lumabas na ako ng kwarto ko ng may marinig akong bumusina sa labas ng bahay.

"Where are you going? I'm sure hahanapin ka ni mommy." Sabi ng kapatid ko nang makita akong pababa sa hagdan.

"Sa birthday party, don't worry it's a formal party. I ain't do something bad" sabi ko.

Tumango lamang sya at ipinagpatuloy ang ginagawa nya sa laptop nya.

Halos nailuwa ko ang mata ko nang makita ang isang pamilyar na lalaki, nakasandal ito sa kotse nya at nakapamulsa. Lalong nakita ang pagkakisig ng katawan nya dahil sa formal suit nya. Kumindat ito saken. Inirapan ko naman sya. Agad nyang binuksan ang passenger seat para makapasok ako. Inilibot ko ang pangingin ko sa parking lot ng bahay namin. Wala na talaga akong magagawa kundi ang sumabay sa lalaking nasa harap ko. Walang natirang sasakyan sa parking lot namin. Naalala kong hiniram pala ni Vince ang kotse ko kahapon. Yung kapatid ko.

In Just One NightWhere stories live. Discover now