Chapter 4

13 0 0
                                    

Ano kaya yun? Bakit kaya ako pinapatawag ni Ma'am Allenza? Malakas pakiramdam ko may program eh, baka mag sspecial number ako? kami pala. Ang selfish kung ako lang. HAHA Pero ano bang program kapag start palang ng School year? Aish! namemental block ako, eh basta. Ayan na, imi-meet ko naman sila Ma'am ngayon sa Music room. Hay, wala akong naka handa na kanta. Whatda. ang Assuming mo talaga Einnor!

*tok tok tok*

"Come in*  si Ma'am Allenza yun

Huwah, sabi na eh. Kaming tatlo lang nila Leah andito oh, mag sspecial number kami. Alam na... 

"Eh, Ma'am... ano pong program?"

"Haha ang galing mo naman, alam mo agad na program, kaso sa tinagal tagal mong nag aral sa university na to di mo parin matandaan kung ano?" 

"Eh hehe nakalimutan ko po eh"

"Acquaintance Program."  Sagot ni Leah. Oh? bat ganito mood neto? Kanina ang sigla sigla niya tapos ngayon biglang badtrip? ang hirap talagang intindihin ng ugali neto. Hahaha

"Ah, okay. Ma'am bakit niyo po ako pinatawag?" 

"You will do a special number of course!" HA! Tama nga ang hinala ko!

"Ahh, haha okay po, anong kanta po?"

"Hmm, dahil kakantahin na ni Leah yung, Just give me a reason.. at duet sila ni... Lorenz at ikaw naman.. hmmm"

ang tagal ni ma'am mag isip, kinakabahan ako.. baka di ko kaya yung ibigay niyang kanta.. gaaaah

"AH! Alam ko na, Skyscraper sayo!"

"Osige po!"  WOOH! BUTI NALANG! YES!

"Okay guise, practice ha. next week na tong program, sa thursday which is 5 days away from now. Magpapractice tayo sa wednesday next week at exactly 3pm dito din. Okay ba yon?"

"Yes ma'am." Sumagot kami in Unison

"Okay, good. get back to your classes na, salamat mga dear!"

"Bye ma'am!" Sagot ko. Ang weird talaga, bigla nalang naging ganito mood ni Leah. Ano kayang nangyayari sa Babaeng yun?

Haaa. Ikukwento ko pa pala kay Bea yung tungkol kay Xav. Ay ay. Gah. Sige na nga.

"Ano na? ikwento mo na bilis! inaantok ako sa lesson ni Ma'am! buhayin mo katawang lupa ko!". Aish. nasa mood ako makinig eh

"Panira ka talaga. Oh eto kasi ganito yun...". Kinuwento ko sakanya LAHAT tapos yung mukha niya muntanga habang nagkukwento ako, pangiti ngiti na kinikilig. Mungewan amf -,-

"Alam mo Eiei, May crush sayo yang Mr. Pogi na yan. nafifeel ko na. ".

"Assuming much ati?!  Walang gusto yan sakin. pustahan pa"

"osige, pagtapos ng Acquaintance Program aamin yan sayo, pag umamin lilibre mo ko ng KAHIT ANONG GUSTO KO SA JOLLIBEE". Hamon niya. Psh. Haha Oo ba!

"Game game.".

"DEAL!" .

--

Nagdaan yung mga araw na dumami na din ang mga kaibigan ni Xavian, mejo naging close din kami kasi lagi kaming magkatext, minsan nagkakasabay kaming kumain at umuwi. Ganun Hahahahaha pero isang bagay lang ang nasure ko, na hindi ako magugustuhan ni Xav... kasi may iba na siyang gusto. May konting kurot para sakin.. hindi ko alam kung bakit pero.. tuwing mag uusap kami parang lalong napapalapit yung loob ko sakanya. Kahit na alam kong may iba siyang gusto.

Ngayon yung araw ng Acquaintance Program namin, kahit na maaga kaming pinapasok, wala rin naman kaming ginawa kaya yung mga studyante nasa room lang. Habang kaming mga magpeperform nagpapractice sa music room. Pero hindi ko parin maalis yung kagabi eh..

*Rewind: Last Night*

*Baby you light up my world like nobody else the way tha-*

"Hello?". What makes you beautiful kasi ring tone ko, Ang cute eh!

"Eieiii!"

"O-oh Xav? napatawag ka?"

"Wala, bukas kasi may sasabihin ako sayo!"

"Huh? ano nanaman yun? alam kong sexy ako di mo na kaylangan ipaalala!"

"HAY NAKO EINNOR ALYNNA. HINDI YUN! DAHIL HINDI TOTOO!"

"HAHAHAHA Eh ano ba kasi yon?!"

"Sabihin ko na yung gusto ko, sure na talaga ako na itong babaeng 'to yung gusto ko."

*dubdub dubdub*

Lakas ng tibok ng puso ko... kinakabahan ako.. bakit?

"Ah.. ah osgesge, uh-"

"Sige na Ei! Goodnight na! galingan mo bukas ha! papakinggan kita!"

"O-osige. Salamat, Goodnight"

*End Call*

*Present*

"Ma'am Allenza, Lahat po ng Students nasa Auditorium na, yung mga performers daw po needed na din, magsstart na po yung program in 5 mins". Pasabi ni Audrey, Halaaaaa kinabahan ako lalo!

"Okay thankyou! Guys, You've heard it, Let's go!"

~

Pagpasok namin ng Auditorium, Wahhh *o* Ang dami na palang studyante ng school namin! tapos...tapos... nasa pinaka unahan yung batch namin... kitang kita si Xav dito sa back stage.. ang saya niya, nakikipag kwentuhan siya sa mga kaibigan niya. Hay, Xavian Ynigo, Ano ba kasi yung sasabihin mo sakin?

Unintended LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon