"Huy! Gumising ka na dyan!" sabi ko sa bestfriend kong si Ethan na natutulog sa may lap ko.
"Eh? Mamaya. 5 minutes!" sagot nya sa akin.
"Anong 5 minutes? Kanina pa kaya yang 5 minutes mong yan. Dali na kasi, ngalay na yung lap ko. Mag gagabi na rin oh. Delikado sa daan tsaka baka hanapin ako sa amin pag ginabi ako." sabi ko sa kanya.
"Don't worry! Ihahatid naman kita eh."
"Tss! Ethan." I said in an annoyed tone.
"Oo na. Babangon na! Eto namang bestfriend kong si Clarisse, naglalambing lang eh. Gusto pa kitang kasama eh." pagdadrama nya.
"Hindi uubra yang paglalambing mo sa akin. Tsaka maghapon na tayong magkasama."
"Eh.. bitin pa ako eh."
"Hindi ko kasalanan kung bitin ka. Wala ka namang kasing ginawa maghapon kung hindi matulog eh."
Andito kasi kami ngayon sa park. Nakatambay dahil weekend. Every weekend nandito kaming dalawa. Bonding daw every weekend eh lagi naman syang natutulog, tsaka halos araw-araw kaya kaming magkasama sa school kasi classmates kami.
Tumayo na sya sa pagkakahiga nya sa lap ko. Grabe ha, nangalay talaga yung mga binti ko. 4 hours ba namang natulog yung hita ko pa ang ginawang unan. Naku! Kung hindi ko lang talaga 'toh m---
"Tara na! Baka gabihin ka pa nga." at last nag yaya din.
Oh, oh, oh.. by the way I'm Clarisse. Clarisse Wilson. And that guy who is with me right now is Ethan Anderson, my 5
years bestfriend. Whom I fell inlove with. Yeah! I'm inlove with him. But it's a secret. I decided not to tell him because I don't want to ruin our frienship. Tsaka alam ko namang wala syang nararamdaman for me eh, kaya mas mabuti na yung ganito. Pwede naman akong maghanap ng iba if the time will come na sabihin ko na sa kanya yung feelings ko.
"HOY!! Kala ko ba gusto mo ng umuwi?" tawag nya sa akin.
"Ah--hehe.. Itayo mo ako, nangalay yung mga binti ko dahil dyan sa ulo mo."
"Eto na, itatayo na kita. If I know gusto mo lang mahawakan yung kamay ko eh." pang aasar nya habang itinatayo ako.
"Hoy! Ethan Anderson! Kapal din ng mukha mo eh 'noh?! F.Y.I., 4 hours ka pong natulog sa lap ko. Sino bang hindi mangangalay dun at mahihirapang tumayo?"
"Just kidding. Hindi ka na nasany sa akin. Tara na nga." and we start walking habang naakbay sya sa akin.
Well, sanay naman na ako sa kanya. Ganyan naman sya lagi eh.
*CLARISSE'S HOUSE*
"Oh, paano bespren?! Alis na ako ha." pag papaalam nya sa akin.
BINABASA MO ANG
Just For The Friendship (One Shot Story)
Teen Fictionü This story is dedicated to my friend who fell inlove with her bestfriend. Hope you enjoy reading this. Thank You!! :)) ü -- Do you experienced to fall inlove? Not just falling inlove with someone or to a stranger but with your BESTFRIEND. Yeah! FA...