chapter 16

3 0 0
                                    

Nakapila na kaming lahat para sa entrance ng Prom.. ang pinractice nga pala namin kahapon ay yung buong gagawin at program sa buong gabi. yun pagkakasunod sunod ng program.

Magkahiwalay ang pila ng babae at mga lalaki.
Di kami magkakasunod nila gladys . kasi di naman kami magkakasing tangkad.. haha.
Iba parin ang pakiramdam ko ngayon.. kinakabahan parin ako pero hindi ko maintindihan kung bakit.

Ayan na. malapit na ako..
Malapit na kami pumasok sa may gymnasium ..

Ayan na..
Kinakabahan ako.

Kami na ang sunod

Naglakad na ako papunta sa gitna ,naglakad na din yung partner ko.

Hinawakan yung kamay ko.. itinaas ito.. at saka ako naglakad paikot sa kanya.

Pagkatapos ko umikot ay hinawakan nya ulit ang kamay ko.
At isinakbit sa braso nya.

Naglakad na kami.. di ako sanay sa sapatos ko.
Kasi naman 6 inch yata to.

Eh yung 1 inch nga lang natatapilok na ako..
Dito pa kaya na sobrang taas.

Mabagal lang yung paglakad namin.
Parang naging slow motion ang lahat.

May spotlight.
At samin yun nakatuon.

Maraming mga nakatingin.
Yung lahat ng mga nauna samin.

Pero di ko kita ang mga mukha nila.
Kasi nga malabo ang mata ko

At hindi ko dala yung salamin ko dahil ayaw ipadala ni nanay.

Mabagal kaming naglalakad.
Ng may kakaiba akong naramdaman.

Parang pakiramdam ko ay may naiwan ako.

.......

Di ko napansin ang reaksyon ng iba.
Dahil hindi ko nga kita ang mga mukha nila.

O_o

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Sobrang kaba.
At hiya.

Pakiramdam ako ay parang bumaba yung isa sa sapatos ko.
Yung parang di na pantay ang paglakad ko.

Nalaman ko nalang na umingay sa paligid.

Di ko napansin na may sumisigaw pero di ko matukoy kung sino.
At ito ang kanyang sinasabi.

" YUNG SAPATOS MO!!!!"

nung marinig ko ang mga salitang iyon.
Para akong napako sa kinatatayuan ko, di ako makagalaw.
Ang tanging nagawa ko lang ay yumuko.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------
Naniniwala ba kayo sa fairytale???
Yung iba't ibang kwento ng mga prinsesa?
Tulad nila sleeping beauty na nakatulog at dumating ang kanyang prinsipe upang gisingin sya, si snow white na may seven dwarfs, si jasmine na may aladin, si bell ng beauty ang a beast, at si cinderrella na naiwan ang sapatos nya... at iba pa..

Iba't ibang kwento ng mga prinsesa kasama ang kanilang prinsipe..

Dati, mahilig na talaga ako sa fairytale stories..

Pero.......

Di ko naman inaasahan na pwede pala mangyari yun sa tunay na buhay..
Di ko inaasahan na yung isa sa part ng story sa fairytale ay mararanasan ko.. haha..

Yung naranasan ko maging prinsesa kahit saglit lang??
Yun nga lang....... yung epic part ang naranasan ko sa kwento ni cinderella.... -.-

JS Prom (One Short/true Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon