Selda Uno
Martin Luther King once said "We must learn to live together as brothers or we will perish together as fools"
▽VII△VIIIJune 14,2016 Tuesday
First day of class namin ang petsang yan. Siguro sa iba Lunes ang umpisa ng kanilang klase pero sa amin? Martes. Martes, kasi ang seksyon namin ang pinaka huling sekyon sa lahat ng klase dito sa Ftm.Excited akong pumasok ngayong taon na ito kasi ang eskwelahang mapapasukan ko ay isang Unibersidad. Bata palang pangarap ko nang makapag-aral sa isang malaking paaralan. Pangarap ko ding makapagsuot ng puting uniporme kaya pinili ko ang strand ng Stem na nangangahulugang "Science,Tecnology,Engineering and Mathematics " kung saan nakabase ang pagtuturo sa mga balak maging Engineering, Nursing , IT , Maritime at iba pang sakop ng Sensya,Teknolohiya at Matematika.
Habang nasa loob ng bus binasa ko muna ang schedule ng klase ko ngayong araw. 7:20 Disaster Readiness and Risk Reduction . 7:20 ? Ang aga ko palang umalis ng bahay , 4:12 palang kasi masyado ata akong excited sa Unang araw. Pagbaba ko ng sasakyan madilim pa at kakaunti yung mga estudyante buti nalang at hindi pa crowded . Tinanong ko yung guard kung saan yung building ng section ko , may limang buildings kasi ang Unibersidad . Tinanong niya ako kung "Plus o Regular" ba daw ako ,
"Ano po yung plus at regular kuya ? "
"Ang mga Regular na Senior High School ay mga hindi nagbabayad ng kanilang tuition kumbaga Voucher ang nagpapa-aral sa kanila ang Plus naman ay may monthly tuition fee na binabayadan"
"Ah. Plus po ako."
Tinuro niya agad at napakalayo pala nun sa College Building at Regular Building.Kumain muna ako bago pumunta sa Room namin . Madaming kainan . Sa sobrang liwaliw ko sa lugar ay hindi ko namalayan yung oras , late nako !Pagbukas ko nang Room biglang nanlaki ang mga mata ko ....
Ang konti namin ! Wala pang guro , biglang lumapit ang isa sa kanila sa akin .
"Miss,Dash 14 ka ba ?"
"Oo,Kayo palang ? 4 palang tayo hahaha ang konti natin "
"Oo eh . Buti nalang may babae na sa amin . Ako pala si Mardy"
"Lopez,Cristian" Singit nung isa "Tara upo ka dito "
Pinasadahan ko ng tingin ang buing classroom . Malinis , GreenBoard , Plastic Chairs with desk , Mini Teacher's Table , Two Doors , Two Aircons , Two Electric Fans ,Glass Windows with Curtains . Okay yung room malinis sulit tuition .
"Hi!Anong name mo ? " tanong ko sa nakaupo sa dulo . Naguusap na kasi sila Mardy at Cristian siya lang yung tahimik.
"Limbo" "Aaaah , ang emo mo naman tara upo ka samin ! Ang konti na nga natin hihiwalay ka pa ba? "Maya-maya nagsidatingan na yung iba naming classmates , may mga Old Students na dito sa Unibersidad , may mga bago palang tulad ko , Galing private and public schools . Sa kabuuan 16 kami on Our First School Day at sobrang boring kasi nagkakahiyaan pa . Ang tanging nag iingay lang sa amin eh yung grupo ng mga Old Students . At dahil Unang araw mawawala ba ang "Introduce yourself" ? Napag-alaman kong sila Kelvin , Dj at Jumel pala yung grupo ng maiingay . Kokonti lang din ang mga babae kaya lamang talaga ang boses nilang malalakas . Mayamaya dumating na si Ma'am . Ang hinhin niya . 22 na si Ma'am and ang malumanay niya magturo , May ibang Nakikinig meron ding hindi dahil sa boses ni Ma'am. Personality Development pala yung Subject , Nothing much pero kailangan paring pag-aralan. Next class namin ICT (my favorite!) Kailangan pa naming lumipat sa College Building para makapunta sa Laboratory. Ang crowded ng hallway ,May mga SeniorHighSchool at College students . Ang haba ng pila sa elevator kaya nag hagdan kami. Pagdating namin dun . Ang daming computers , well function , air condition at may projector . May isang magandang babaeng pumasok , Long Brown curly hair , Petite , at super puting Girl maybe nasa early 20's din siya.
"Hi Class, I'm Alitha Snow and I am your Professor in this subject"
"Woooooooah "
"Witwit"
"Naks"
"Dyosa niya "At dumaan na nga ang pinaka Favorite part ng araw ko sa school .BREAK TIME ! Kasama kong kumain ang tatlo at may isa pang nadagdag Si Ronald . May Braces siya at Iphone . Rk. Sumama siya sa aming kumain . Ang sarap ng Sisig dito . Pwede nakong mabuhay dito sa sarap ng mga luto . Madaming pagpipilian at mura lang ang extra rice ! Unlimited Juice pa heaaaaven talaga !
Ang kasiyahan ko kanina ay napalitan ng kalungkutan . Terror ang susunod naming prof at kapangalan niya ang ulam na nakita ko kanina sa canteen . Hays. Tahimik na nakikinig yung mga classmates ko nang biglang bumukas ang pinto . May isang lalaking pumasok ng naka big headphones hawak ang tablet .
"WHY ARE YOU LATE ? DO YOU KNOW WHAT TIME IS IT ? "
"Sorry Ma'am "
"PUT YOUR HEADPHONES INSIDE YOUR BAG OR I WILL CONFISCATE IT !"
Ang tahimik ng room . Parang may isang bombang sumabog at konting galaw mo may sasabog ulit na panibagong bomba . Ang saya lang .
11:50 na . Last Subject . Earth Science. Babaeng professor . Substitute Teacher. No Adviser. No important matter . Maagang umuwi ng bahay . Walang ganap. Ur right, boring.
YOU ARE READING
Selda Katorse
Non-FictionThis story is purely about our foremost experience on former president Benigno Aquino III, "K-12 Program" and how we bond inside the classroom. xoxo