Sarap ng ganito.

947 17 16
                                    

A/N: Maikli lang. Testing.

---

“Kaklase kita dito ‘di ba?”

Whoo, gwapo. May gwapong lumapit sa ‘kin. Himala. Ay, kelangan ko pala siyang sagutin, baka isipin neto ang wirdo ko.

“Ay, sorry kuya, ‘di ko alam e.”

Ngiti na lang. Pakipot mode. Pero ang totoo alam kong kaklase ko siya sa subject na ‘to. Takte, siya nga ‘yung crush ko dito e. Well, may iba pa ‘kong mga crush sa subject na ‘to pero crush ko pa din siya. Don’t judge me. Kelangan ko ng dahilan para pumasok sa nakakaantok na subject na ‘to.

“Jasper. Pero daming nagtatawag sa ‘kin ng Jepoy kaya Jepoy na lang.”

Nginitian ulit ako ni kuyang gwapo. Wow. Tungunu, dumada-moves? O assuming lang ako.

“Kai.”

Ngiti din si lola mo.

“Ano palang batch mo?” tanong ko. Sumagot siya, isinama pa ang course niya. Magka-batch lang pala kami at medyo bigatin ang course. Parang pang-panginoon.

Maya-maya, pagkalabas ng mga naunang estudyante, pumasok na kami sa loob ng lecture hall.  May seating arrangement kami at malayo ang kaluluwa ni kuyang gwapo, ay Jepoy pala, sa ‘kin. Kaya goodbye kuya. Baka kasi gaya ka ng ibang mga kuya na isang beses mo lang makakausap sa buong sem. Kaya lang pala nakipagkilala para may makopyahan ng assignment pagdating ng panahon. ‘Di bale, crush pa din kita kuyang gwapo.

---

“Hello ulet!”

Aba, lumapit na naman si kuyang gwapo. Ano nga ulet pangalan neto? Alam ko letter ‘J’ nagsisimula e…Joseph, John, JC, Jelo, Jeff, Jordan…Jepoy! Kingina! Sa lahat ba naman kasi ng nicknames, ‘yung mabaho pa. Ay hindi, gwapo si kuya kaya okay lang na ‘yun ang nickname niya.

“Hello po.”

Ngiti din ako. Syempre, pakipot ulit.

Ay wait. Nilapitan niya ulit ako. So ibig sabihin ba nito interesado siya sa ‘kin?? O assuming lang ako. Pokra this. Ano ba kuya, mahal mo na ba ako?!

Charought.

“Ang bilis mo nawala kahapon,” sabi niya.

“Po?”

“Bakit may ‘po’ pa? Ka-batch lang naman kita.”

“Ay sorry. Pa‘nong nawala?”

“Nung nag-time na, ‘di na kita nakita.”

Ay, ay, ay…Hinahanap ako?! Shet, haba na ba ng hair ko? O baka sindikato lang ‘to at ang feeling niya mukha akong pulubi kaya humahanap siya ng paraan para maitakas ako.

Charought again.

Kasi naman, bakit ba ‘ko hinahanap ni kuyang gwapo? Ay, Jepoy nga pala. E bakit kasi hindi ko na lang tanungin?!

“Ba’t niyo po ako hinahanap?”

With matching ngiti na pang-dalagang Pilipina.

“Wala lang. Yayayain sana kitang mag-lunch.”

Teka…HUWAT. Lunch?! Totoo ba ito? Bwiset ka kuya, kinikilig na nga ako kasi ang gwapo mo tapos kinakausap mo pa ‘ko tapos hinanap mo pa ‘ko nung isang araw tapos may balak ka pang mang-alok ng lunch, may balak ka bang patayin ako?!

“Ha? Bakit po?”

Shit lang. Pakipot ulet. Kunwari inosente ang utak. Aminin mo na kuya, mahal mo na talaga ako. Ikaw ang nagtatago kong prince chraming. Matagal mo na pala akong kilala pero ngayon mo lang ako nilapitan kasi ngayon ka lang nagkaroon ng lakas ng loob. Pakyu ka kuya. I hate you to the nth level. ‘Di na kita crush. Masyado mo akong pinapatay.

“Wala, masama ba magyaya ng lunch?”

“ ‘Di naman po. Nagulat lang.”

As in gulat talaga.

“Mamaya, pwede ka ba makasabay mag-lunch? O may kasama ka?”

“Hala, totoo?”

Ang puso ko madlang pipol, lalabas na ata sa katawan ko at may balak na makipaghabulan ke kuyang gwapo sa buhanginan sa pagsibol ng araw.

Ngumiti siya saka umoo. Libre daw niya. Gusto niya daw makipagkaibigan kasi wala daw siyang masyadong kaibigan at ‘di naman talaga siya outspoken na tao. Nakita lang niya akong nag-iisa kaya nilapitan ako.

Wait…parang ang sakit naman nun. Nandito pa lang, friendzoned na agad? So ang dumi at ang assuming lang talaga ng utak ko ano? Anyway, gwapo ka pa din naman kuya, at crush pa din kita kaya who cares. Go lang sige. Lunch kung lunch.

---

“Ano ‘yan? Anong ibig sabihin niyan?”

Close na kami ni Jepoy. As in. Parang that escalated quickly ang peg namin at ‘di na kami mapaghiwalay. Napagkakamalan tuloy siyang bakla kahit hindi naman sa sobrang close namin. Mga insekyorang palaka. Gwapo lang si Jepoy kaya sinasabing bakla. Yes, crush ko pa din si Jepoy. ‘Yun nga lang, alam na niya. Alam na niyang kinikilig-kilig pa din ako kasi pucha naman ‘di ba, ikaw kaya may makasamang gwapo araw-araw, tapos hindi pa nakakasawa ang mukha. Nakilala ko pa siya nang lubusan na mabait, medyo komedyante, at maalalahanin. Ka-turn on pa ‘yung pagiging awkward at shy niya minsan. Cute lang. Basta kilig to the bangs pa din ako forever ke Jepoy kahit wala akong bangs.

Hinahawakan niya ‘yung kamay ko. Medyo mahigpit. ‘Di naman ako stressball pero pisil siya ng pisil. Nakakainis pero nakakakilig din. Tungunu, nakakainis ka Jepoy.

“Bakit? Masama bang hawakan ko kamay mo?” sabi niya.

“Leche ka. Balak mo ‘kong patayin sa kilig ‘no? ‘Yun talaga motibo mo kaya mo ‘ko kinaibigan e.”

Tumawa lang siya nang matipid. Ako naman nakitawa. Ride lang. Ganda ko e.

“Hoy Kai.”

“Ano?”

“Kapag ba niligawan kita papayag ka?”

.

.

.

PUTANGINA WHAT.

---

A/N: Itutuloy ko ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sarap ng ganito.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon