Ayumi's POV"Anak! Wake up!" Sigaw ni mama, para sakniya gising yun, pero para sa'kin BINUBULABOG NIYA AKO! Tss. -,-
"Opo! Mama!" Sigaw ko pabalik.
Bumangon ako kahit pa natatamad ako. Tss. Kelangan first day eh. Masyadong nakaka-antok ang first day ko. -____-
Naligo na ako nagbihis. Tutal first day naman kaya pwede magcivillian.
I'm ready! Ayoko muna mag-uniform pag first day.
Bumaba na ako para magbreakfast.
"Goodmorning anak." Bati ni mama.
"Goodmorning din ma." Sabi ko at umupo na.
"Anak? Bakit hindi ka naka-uniform?" Tanong ni mama, sa kalagitnaannang aming pag-aalmusal.
"First day naman ma eh. Kaya okay lang, siguro?" Sabi ko at subo ulit sa kanin.
Meron naman akong I.D eh patunay na dun ako nag-aaral. -.-
"Tss. Dalian mo na diyan at ihahatid na kita sa school niyo." Sabi ni mama.
"Bakit ma? Diba may work ka pa?" Tanong ko, at meron naman akong driver. Oha! Kahit nerd ako. Mayaman ako eh. Pero syempre hindi ko pinangangalandakan, sa'kin laag at sainyo mga readers. Hihihi ✌
"Mamayang 9:00 A.M pa kaya pwede pa kitang ihatid." Saad ni mama.
Natapos kaming mag-almusal kaya hinahatid na ako ni mama sa school ko.
***AT MAGICAL SOCIETY HIGH***
"Bye ma." Sabay kiss ko sa cheeks ni mama.
"Be a good girl Ayu hah?" Paniniguro ni mom.
Tumango nalang ako at lumabas na sa kotse. Nakita kong pinaandar na rin ni mom ang kotse at umalis na.
Tinignan ko muna ang harap nang school na 'to. Omy! Napaka-laki. Parang hanggang 5th floor 'to ah. Dati kasi 3rd floor lang nung last year. Siguro kumita sila nang malaki kaya pinagawa nang mas mataas na building. Mukhang sulit ang highschool life ko ah. I mean 'last highschool life' next year kasi gragraduate na ako. Hays.
"Dito ba mag-aaral yang nerd na yan? Hindi siya nararapat dito."
"Kaya nga eh. Hindi siya nababagay dito. Pang-mayaman lang 'to eh. Hindi pangmahirap."
"Tss. Baka naman scholar lang yan. Alam niyo namang nerd eh."
"Nerd na pangit sabihin mo."
Naririnig ko ang mga pinag-uusapan nang grupo nang mga babae, malapit sa pwesto ko. Halata naman na ako yung pinag-uusapan eh. Ako lang naman yung nakikita nilang nerd dito. Alangan namang yung pader yung nerd diba? As if, naman na makikita mong nag-glaglass yung pader, at nagsusuot nang pang-manang na damit.
Hinarap ko sila at..
"Atleast , hindi pangcoloring book ang mukha ko. Hindi kagaya niyo." Saad ko.
Ooopss. Isa rin pala akong palaban na nerd. Hindi nasula ni author para exciting. Aba! Wag niyo akong itulad sa ibang nerd na mahina at hindi palaban. Kasi si AYUMI CRYSTAL JIN, kahit nerd, palaban pa din at may mukhang ihaharap.
"Woah! Look sis, palaban 'tong pangit na nerd na 'to." sabi nung babaeng blonde ang buhok at makapal ang make up. Well, lahat naman sila makakapal ang make-up eh.
"You, nerd! Don't you dare talking to us like that!" Sabi naman nitong nakaponytail na buhok at sobra din ang kapal nang make-up.
"Tss. Wag ka nalang mag-eenglish kung mali-mali rin lang ang grammar mo." Taray ko.
"Argh! Ugly nerd! Get out on our mukha! Now na!" Sigaw nung babaeng blonde ang buhok.
"Ay sorry! Nandyan pala ako sa mukha niyo? HAHA." at nagfake laugh ako.
"Shet! Sis, we are just waisting our oras here." Sabi nung babaeng blonde.
At umalis na silang dalawa. Tss. nag-eenglish pero mali-mali ang grammar. Galing mo teh! Buti nalang at nasa labas pa kami nang school na 'to kundi, makakagawa kami nang eksena dun sa loob.
Dumeretso na ako sa loob.
"Uhh miss? Dito kaba nag-aaral?" Tanong nung guard.
"Opo." Sagot ko.
"Uhmm. Yung ano po.."
"I.D? Eto." Sabay pakita ko nung I.D ko.
"Uh.. pasok po." Epic yung mukha nung guard. Tss. -.-
Naglalakad ako sa hallway. Kinalilot ko nalang ang cellphone ko, at naglagay ako nang earphones. At isinalpak ko yun sa tenga ko.
(A/N: Paki-play po yung song. Yun po yung pinatutugtog ni Ayumi. ^___^✌)
Nakikita ko ang mga estudyante na napapatingin sa direksyon ko. Ewan ko ba kung nandidiri sila sa'kin dahil nerd ako. O dahil ako lang ang civillian dito. Tss. At biglang nagkumpul-kumpulan ang mga estudyante. Hindi ko sila marinig kasi nga, may nakasalpak sa tenga ko. Hihihi.
"Aww." Na-upo ako sa nag-bangga sa'kin. Natanggal din sa tenga ko yung earphones na sinalpak ko kanina.
"Nerd?! Bulag kaba?!" Sigaw nung lalaki. Hindi ko siya maaninag kasi hindi pa ako tumitingala. Tas siya pa yung may ganang magalit! Tss.
Tumayo ako at pinagpagan ang suot ko pero hindi pa rin ako tumitingin sa'kaniya.
"Ang kapal naman nang mukha mong lalaki ka-----"
"T-tyler?" Omo! O__o siya agad natinag nang aking paningin, wala na akong pake dun sa kasama niya. Tumingin naman ako sa kasama niya at...
"Dwayne?!" With matching pagka-irita.
"Wala kang galang na nerd ka." Sabi ni Dwayne
"Aba! Ako pa ang walang galang?! Excuse me lang hah? Babae ka ba? Kasi sa pagkaka-alam ko, babae lang ang kadalasan na ginagalang eh." Sagot ko.
"Ghaad! Anong karapatan niyang pagsabihan si Dwayne 'my loves' ko!"
"Nagtatapang-tapangan si Nerd! Siya lang ang unang naglakas-loob na kalabanin si Dwayne!"
Wala na akong pake sa mga bulong-bulongan nang estudyante at nagwalk-out na ako.
"Hindi pa ako tapos sayo Nerd!" Narinig kong sigaw nung Dwayne na yun!
Mukha mong Dwayne ka! Argh! Naiinis ako! Naiimbyerna ako! Wala na! Sira na ang first day ko!
WORST DAY! OR SHOULD I SAY. MY WORST FIRST DAY EVER!
YOU ARE READING
When Mr. Campus Prince Fall Inlove With Ms. Nerd #WATTYS2016 'ONGOING'
Teen FictionAng estorya po ito, ay kathang isip ko lamang. Lahat po nang character sa estoryang ito ay gawa-gawa ko lang. :''> Kung sakaling hindi na makapaghintay eh, pwede niyo pong basahin ang mga naisulat ko na, na storya 'I Fell Inlove With My Bestfriend's...