Alaala

49 3 2
                                    

Second year High School late na naman sa pag-pasok si Divina.

Unang araw sa pasukan, excited kasi, napunta sya sa sec. 1, new classmate, new adjustment.

Pababa na dapat ng tricycle nang may sumalubong sa kanya, mga nagmamadaling katulad niya... Minalas nga naman nahulog mula sa nilalakarang gutter ang nawalang balanseng katawa sa putik! Madami nakapansin kaya naman agad-agad syang bumalik sa tricycle upang makauwi.

May sumakay din sa tricycle na sinakyan nya, pero sa kanyang alaala sya lang ang dapat pasahero ng tricycle na iyon.

Dali daling bumaba nagbayad at binuksan ang pintuan ng bahay , hinubad ang unipormeng naputikan, nakasandong lumabas dala-dala ang palanggana at dumiretso sa poso.

Muling napansin nya ang isang batang lalaki na sakanyang pagkaalala ay iyon ang nakasakay sa kanilang tricycle.

Kinabukasan, maingat na nakarating si Divina sa kanilang room.

Masaya dahil may mga ilang kaklase sya na kakilala na nya. Lumipas ang mga oras, tulad ng inaasahan sa buhay estudyante, boring at nakakaantok , puro assignment, pero isang subject ang nagpabuhay ng kanyang dugo! Ang MAPEH

"Ok class, gagawa kayo ng dula-dulaan na nagpapakita ng kulturang Filipino sa isport at Sining"

Tila tumigil ang mundo ni Divina nang mapagmasdan nya muli ang isang batang lalaki na kagrupo nya!

Guapo, matangkad.... Matalino... Hindi nya pa masabi .

" Sino kaya sya" ang tanging nasabi sa isipan ni Divina.

Grupo kung magrecess at umuwi sina Divina kasama ang mga kaibigang babae.

"No boys allowed" ang barkada, laging masaya at nagtatawanan pero may isang batang lalaki na sa kanyang paligid na aligid-aligid.

Nagsimulang mag-pratice nag grupo, walang gustong gumanap na nanay at tatay dahil sa ilangan ng mga babae at lalaki..

" Si Paolo, Si Paolo na lng ang tatay", ang sabi ng kagrupo ni Divina..

Natuwa si Divina dahil sa ngiting nahihiyang ginawa ni Paolo habang tinuturo sya ng kagrupo.

Sabay tulak naman ng isang kaklase ni Divina sa kanya.

" Tapos si Divina ang nanay sya ang mas matangkad!'

'Hala!hindi pwede! Sigaw naman ni Divina na pinagmamasdan si Paolo " baka magalit sila, No boys allowed kami diba? Pagdadahilan ni Divina na tila gusto din naman nya!

"Sus! Anong klaseng rules yun! Ikaw na..."

Nang biglang!

" Ano ka ba sis! Ok lang yon! Were sister naman!" boses pabakla ni Paolo

Napatingin ang lahat sa kanya, nagulat..

Nagflashback lahat kay Divina!

"Sya-sya yung sumakay sa trycylce naming na pasilip-silip sa akin habang naglalaba ako, Sya Yun! Bading pala sya " ang sabi ni Divina sa sarili.

Dahil sa inamin ni Paolo napasama siya sa barkada nila, naging close sila, sabay magrecess maglakad at kung anu-ano pa sina Divina at Paolo kasama ang buong barkada.

Yumayakap at nakikibeso din si Paolo sa barkada, pero kay Divina mas matagal ang yakap nya. Naging comportable siya kay Paolo, kaya baliwala lang sa kanya ang mga normal na gingwa ng magkaibigan.

Hindi mapagkamalang may relasyon ang dalwa dahil sa alam ng buong klase na bading si Paolo. Sobrang close ang dalawa kaya madami ang nanghinayang kay Paolo.

AlaalaWhere stories live. Discover now