Missing I.D.

46 2 0
                                    

Iry's Point of View


Oh my gulay mga bes!


Nasa likuran ko lang yung crush ko!


Inhale, exhale.


Kaya mo yan, Iry. Hold your breath. Wag kang pahalata.


Ilang beses ko na siyang nakakasabay sa pila dito sa sakayan. Ewan ko ba kung aksidente lang talaga o baka naman tadhana na.


Joke!


Ganito kasi yan, itong si Chinito, crush na crush ko. Reason? Wala. Ewan.


Bigla na lang eh.


Ito naman kasing si kupido wala manlang warning warning, tira lang agad ng tira!


Gwapo siya, matangkad, moreno. In english, tall, dark, and handsome. Grabe mga bes! Ang wafu wafu niya!!


Everytime na nakikita ko siya, na-lilighten up yung mood ko. Ginaganahan ako bigla. Para siyang energizer ko.


Yun nga lang, hindi niya ko kilala.


"Oh, Pounds, Dollar dyan oh!!" Dinig kong sigaw ng barker.


Napasimangot naman ako nang makita kong sumakay si Chinito sa likod ng tricycle. Sayang.


"Ne, saan ka?" Tanong nung driver.


Lumingon pa ako sa likod ko para tingnan kung ako ba yung kausap niya o may iba pa. Syempre kailangan sigurista, mahirap ng mapahiya, andyan pa naman si kras. Hihi.


"Sa Jade po." Sagot ko.


Medyo malapit naman na yung street ko sa street niya. Kaso kinukuha kasi nila yung mga taga dun na rin para di na aksaya sa gas.


Nagulat ako ng tinanguan ako ni Mamang driver.


"Sakay na!"


My gosh mga bes! Hindi ko na keri! Ngiting ngiti na si ate niyo habang naglalakad pasakay ng tricycle.


Grabe na to!! Katabi ko na si kras!!! Dati tinitingnan ko lang siya sa malayo, ngayon katabi ko na! I can't breathe!!!


Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Ako naman, mas tuwid pa sa ruler ang pagkakaupo. Syempre, andyan kaya yung crush ko! Dapat presentable ako at hindi lalamya lamya tingnan.


Hello, nasa likuran ko lang kaya siya.


Bale, pinaggigitnaan ako ni Mamang driver at ni Chinito.


Bakit ba naman kasi siya sa likuran ko pumwesto! Hindi tuloy ako makanakaw ng tingin sa kanya. Ang obvious naman kung lilingunin ko pa siya diba. Mahahalata ako nun!


Para sa kaalaman niyo, 1 month ko na siyang crush. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang pangalan niya.


Sadnu?


One time nga, nasa pila kami nun, biglang bumuhos yung ulan. Eh yung pwesto pa naman ng pilahan eh maliit lang yung bubong. Syempre may kasamang hangin yung ulan kaya ayun basang sisiw ang lola niyo!


Pero dahil sobrang bait ni tadhana, isinama na ako ni Chinito sa payong niya. How sweet!


Kilig na kilig ako non, hanggang pagtulog napapanaginipan ko pa rin siya eh.


Missing I.D.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon