PANAGINIP

114 3 1
                                    

           Masarap magmahal, lalo na kung sa taong hindi mo inaakalang mapapasayo ay ang makakasama mo. Kumbaga sa panaginip, minsan lang sa buhay mo mararanasan na magkatotoo yun, dahil hindi lahat ng panaginip nagkakatotoo. Sino bang mag-aakala na dahil lang sa “textmate” e makikilala mo ang isang taong minsan mong pinangarap.

          Isa sa pinakahilig gawin ngayon ng kabataan ay ang pagtetext, si Cellyn ay hindi naiiba sa kanila, gawain na niya ang pagtetext lalo na sa mga kaibigan niya. Isang araw naisipan niyang humingi ng textmate sa bestfriend niya.

         “Ryna, may kilala ka bang pwedeng katext? Naboboring na kasi ako e.” tanong ni Cellyn.

         “Hm. meron, at alam kong ikakatuwa mo kung sino ‘to.” sagot naman ni Ryna.

         “Weh? ‘di nga? Sino naman ‘yan? Osige akin na.” wika ni Cellyn.

          Si Cellyn ay simpleng babae, mabait, matalino, maganda, masipag at palakaibigan sa kahit sinong tao. Isang scholar sa isang private school at isa sa mga sikat na estudyante pagdating sa pag-gawa ng mga tula. Maraming lalaking nagnanais na maging nobya siya kaso hindi sila ang gusto ni Cellyn. Tahimik man siyang maituturing, ngunit ‘di maipagkakaila sa kanyang mga mukha ang kilig sa tuwing nakikita niya ang crush niya.

          Si Ryna lang ang nakakaalam kung sino ang lalaking nagpapatibok ng puso ng bestfriend niya at iyon ay si Carlo, isang regular student, mabait, gwapo, tahimik at matalino. Sikat sa lahat ng estudyante lalo na sa mga babae dahil sa angking galing nito sa pagkanta at gaya ni Cellyn, magaling din siya sa pag-gawa ng mga tula. Kaso isang suntok sa buwan ang pagmamahal sa isang taong hindi ka naman kilala.

          Kinagabihan ay tinext niya ang number na binigay sakanya ni Ryna. Wala namang mag-aakalang kay Carlo palang number ang binigay sakanya ng bestfriend niya. Nakadama siya ng kung anong kaba pero hindi niya ito pinansin at tinext niya pa rin ito.

      Cellyn: Hello po, ikaw po ba si Carlo Merric? :)

      Carlo: Ahm. Ako nga po. Sino po sila? :)

      Cellyn: Ako nga po pala si Cellyn Urie, schoolmate mo po.

      Carlo: Urie? Ikaw yung scholar na magaling gumawa ng tula, diba? xD

      Cellyn: Ako nga po, kilala mo po ako? ;)

      Carlo: Oo naman, hinahangaan kaya kita. Ang galing mo kasi e. Hehe :D :”>

      Cellyn: Eh??? Salamat! :”>

          Simula noon ay naging textmate na sila. Halos araw-araw na silang magkatext. Naging magandang umpisa ang paghanga ni Carlo kay Cellyn at ng dahil dun, hindi na siya na-conscious sa itsura niya. Madalas silang magkita tuwing break time at sabay kumakain, minsan naman ay iniintay siya nito tuwing uwian para ihatid siya sa bahay nila.

     “Para ka pa ngang buwan Cellyn…” wika ni Carlo.

     “Eh? Bakit naman??” tanong ni Cellyn.

     “E kase, kakaiba ang ganda mo…hindi kumpleto ang gabi, kung wala ka..” sagot ni Carlo.

     “Ikaw na may banat. Hahaha!” tugon ni Cellyn.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon