Chanyeol as Chanyeol Garcia
YOU as Lyka Ramos
Sandara Park as Sandra Gonzaga
Oh Sehun as Sehun Sanchez
Your Bestfriend as Alyssa Sy
**
LYKA’S POV
Ako si Lyka Ramos. 17 years old. Nag aaral sa ***** university. Ulila. Ulila ng tunay kong mga magulang. Ampon lang kasi ako. Gusto nyo malaman kung bakit at paano ako naulila?
Noong 14 ako, Meron kaming kapitbahay na adik. Nagbebenta ng droga. Gumagamit din. Nahuli sila mismo ng papa ko. Sinuplong ng papa ko yung mga adik sa pulis. Pero kinabihan, pagkauwi ng papa ko sa bahay namin, Nakita nyang duguan ang mama ko at ang ate Jessica ko. At napatunayan na ginahasa muna ang ate ko bago patayin.
Masaklap ano? Pero may mas lalala pa dyan.
FLASHBACK
Tatlong buwan na ang nakakaraan nung pinatay sila mama at ate. Pumunta ako ng divisoria para bilhan ng regalo ang tatay ko. Birthday nya kasi. Binilhan ko sya ng T-shirt tsaka ng cake. Sa T-shirt, may nakalagay na “I love my daughter” Tapos syempre may T-shirt din ako, “I love my daddy” Ang nakalagay.
Dahil sa dami ng tao sa divisoria, 8pm na ako naka uwi. Excited na excited ako nun. Pero pag bukas ko ng pinto, Wala si papa sa sala. Madalas kasi sa ganitong oras nandito sya.. Nanonood ng TV o kaya kumakain.
“Papa? Papa nasan ka? Andito na ako~” Hanap ko sa kanya. Tinignan ko sya sa kusina pero wala sya.
“Papa~ Bumili ako ng cake para sa birthday mo tsaka may regalo na din ako sayo!!” Excited kong sabi. Wala paring sumasagot. Kinabahan na ko.
Pumunta ako sa kwarto nya… At nagulat ako ng Makita ko ang papa ko………….. Patay na sya. Nakatali ang kamay at paa nya. Mas nanlumo ako……Dahil punong puno sya ng saksak. Sa mukha…. Sa buong katawan. Nilapitan ko ang katawan ng tatay ko ng umiiyak.
“Papa? Pa!! Papa….. Papa bakit mo ko iniwan? Papa!!!!! Birthday mo eh! Kakain pa tayo ng *sob* cake oh! Papa naman *sob* eh!! May regalo *sob* Ako *sob* sayo oh! Pano natin to masosoot? Papa!! Ikaw na nga lang yung pamilya ko eh! Bakit mo ko iniwan pa? Papa huhuhu mahal na mahal kita pa… Kahit hindi ko araw araw yung sinasabi pero mahal kita papa… Wala na nga si mama at ate bakit pati ikaw rin?” Hagulgol ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
END OF FLASHBACK
Ano? Sabi ko sa inyo mas masaklap eh. Pero okay naman na. Dahil nga naulila na ako, Napunta ako sa bahay ampunan. At doon, Pina ampon ako sa isang mayamang pamilya. Pamilya Ramos. Kinalimutan ko na lahat ng sakit na naranasan ko sa past ko. Ang mahalaga ay ang ngayon. Pero miss na miss ko na ang tawanan sa bahay naming noon… Si papa.. Si mama… Ako at ang ate Jessica ko.
Okay balik na tayo sa realidad. Nandito ko sa school. Kasama ko bestfriend ko. Si Alyssa. Vacant time sa wakas zzzzzz
“Gurl! Nabalitaan mo na bang iteng hot issue?” Sya
“Ha? Anong hot issue nanaman yan? Parang araw araw naman may alam kang hot issue.” Ako
Naglalakad kami sa hallway. Papunta kaming canteen.
“Shungerks! Kasi yung sikat na si Chanyeol Garcia nag transfer ditetch!” Sya
“Ahh. Sikat ba talaga yun? Bakit hindi ko kilala.” Ako
“Pffft! Malay ko sayo! Manang ka kasi” Sya. Sama nito ><
“Oy di ah!” Ako
“Whatever. Pero alam ko kinikilig ako! Ang wafu nya kasi. Pero sorry sya kay fafa Luhan na aketch!” Sya. Landi talaga XDD