Tula [2] "Ba't ka ba ganyan?"

917 18 13
                                    

"Ba't ka ba ganyan?"


Bat ka ba ganyan?
Lagi mo nalang akong iniiwasan,
Lagi ka nalang may dahilan,
Sa t'wing ika'y kailangan.

Ba't ba pag kinakausap kita,
'Di moko tinitingnan sa mata?
'Di ka nga makasagot pag tinatanong kita,
Para lang akong nakikipagusap sa estatwa.

Ba't ba pag pinapansin kita
Para lang akong bula?
Nabulag ka na ba?
O sadyang ayaw mo lang pansinin kita?

Ba't ba sa twing lumalapit ako sayo,
Tinataboy mo ako?
'Di na ba mahalaga sayo ang ating pinagsamahan?
Kaya ba ganito mo nalang akong ipagtaboyan?
O baka lahat ng yun puro lang pala kasinungalingan?



Alam mo di na talaga kita maintindihan.
Di ka naman dating ganyan.
May problema ka bang di ko alam?
Pakiusap sabihin mo naman
Para di ako nagkakaganito
Sasabog na ang puso't isip ko,
Sa sobrang lito.




~ Q

TULA KO (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon