Chapter 4 : The New Kid

552 10 2
                                    

Chapter 4 : The New Kid

Nathan’s PoV

 

Naglalakad kami ngayon papunta sa first class ko. Siguro classmate ko din sya. SANA!! Para maging close ulit kami.

*LAKAD*

*LAKAD*

Ui, may P5 akong nakita!

*LIMOT*

*LAKAD*

Ang layo naman. Buti nalang alam nya ang pinupuntahan nya. SANA.. Hehehe.

Pft. Ang init! Sa gitna kami ng field dumadaan. Ang layo pala, sa kabilang ibayo pa. Hehehe. Pero baka ma-late naman kami lalo nito kung naglalakad lang kami.

“Helly?”

“. . .” Hm. Ayaw magsalita.

“Helly?”

“. . .” Silent treatment? Ahh oo nga pala, ayaw nya ng Helly. Hayy..

“Uh, Helen?”

“What?”

“Saan tayo pupunta? Ang layo ehh.”

“Saan pa, eh di sa room natin. Wala akong balak mag-cut ngayon.”

“Bakit ang layo?”

“Sabi ko bang sumunod ka? May shortcut dun malapit sa infirmary kanina.”

“Ahh. Eh bakit dito ka dumaan?”

“Why the hell do you care? Wala kang pakialam so stop whining.”

“I’m not whining. Hindi ko kasi alam kung saan talaga eh.”

“Just shut up and walk.”

“Ok.”

Katahimikan. Matinding katahimikan. Pumasok kami sa isang building. Umakyat kami sa stairs at dumeretso sa isang hallway. Nung tumingin ako sa bintana, nagtinginan ang mga estudyante sa amin. Nanlalaki pa ang mata nung iba. Oh man, I think we’re in trouble. Binuksan ni Helen ang pinto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 17, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's My Girl [A Cute Love Story] ON HOLDWhere stories live. Discover now