Untitled Part 1

2 0 0
                                    

masarap kayang maging plain.

wallflower, boring, hindi pansinin, hindi mo kailangang magsalita kung hindi ka kakausapin, wala silang pakialam kung saan ka magpunta, kung anong lifestyle, hairstyle o outfit mo kasi hindi interesting ang buhay mo

hindi mo na kailangang magpaalam kapag gusto mo ng umuwi at magbabad sa kuwarto mo na puno ng mga babasahin, makinig ng instrumental music, kumain ng plain salted flavor na potato chips, hindi magugulo ang utak mo o matuturete ang tenga mo sa kalansingan ng mga baso, tawanan na may halong sarkasmo, mga pailalim na tingin ng mga tao, mga iniisip nilang malayo sa maririnig mo

masayang maging boring, tahimik ang paligid mo kaya ikaw lang ang may karapatang maging magulo, ikaw lang ang makakarinig ng mga sasabihin mo, ikaw lang ang nakaka-intindi sa sarili mo

hindi mo kailangang ipaliwanag kung bakit naka-pajama ka sa kasikatan ng araw hawak ang tub ng ice cream at marshmallow

kung bakit dalawang tasa ng tsaa sa isang upuan at butter cookies ang midnight snack mo

kung bakit yoga ang exercise mo at natapos mo na ang limang libro sa loob lang ng dalawang araw na walang palya, ihi lang ang pahinga at maliligo kapag nalaman mong tragic ang ending at doon ibinuhos ang lahat ng luha dala ng pagka-dismaya at kalungkutan na dala ng bida sa librong ilang beses mo ng iniyakan pero hirap ka pa ring makapagmove-on

isa pa sa dahilan kung bakit masayang magpaka-boring

hindi ka mabo-brokenhearted, walang manliligaw sa'yo, walang magsasabi sa'yo na magbabad ka sa mall at mamili ng damit sa loob ng tatlong oras

hindi ka na napagod sa paglalakad, hindi pa nasayang ang tatlong oras mo sa kakapili ng damit mo na isa o dalawang beses mo lang namang gagamitin

masaya ka na sa loob ng library, coffee shop at bookstores, heaven ang feeling kapag nasa loob ka na ng mga establishments na yun, feeling mo nasa party ka na, may slice of cake ka pa

ang mga boring hindi sila nag-iisip ng kahit na ano tungkol sa ibang tao, wala silang pakialam sa buhay ng iba, kung anong pinagkakakitaan o kung saan nila binibili o saan galing ang pambili nila ng lipstick o sportscar na parang idine-demo sa group of friends nila

mauubos ang araw nila sa kwentuhan na kga fictional characters ang pag-uusapan, o kaya naman kung saan mas murang mabili o makahanap ng sale na libro o pwedeng makipag-trade ng libro o comics na nais nilang ipalit o bilhin sa mas mababang halaga kesa sa branded na damit na hindi naman nila gusto o hindi rin naman isusuot.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mabuhay ang mga boring!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon