ATVK #1

23.9K 473 18
                                    

" Xy! Nandito na ang mga kaibigan mo! " nagmadali ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. I'm so excited! Sa wakas na kulayan na rin ang aming drawing. Next week ay pasukan na naman at 2nd year college na ko and taking HRM.





" Opo! " sigaw ko, kinuha ko yung bagpack ko at yung neck pillow ko. Hinila ko na rin yung maleta ko at bumaba na.




" Yung totoo Xy? Ang dami mong dala hah. Samantalang isang linggo lang naman tayo dun " inirapan ko na lang si Angel





" Mas maigi ng sobra kesa sa kulang no " sabi ko, pumunta muna ko sa kusina at kinuha sa refrigerator yung chuckie na malaki at yung mga junk foods ko. Gutumin kasi ako kaya dapat madami akong dalang pagkain.




" Hugot ba yan Xy? " tanong ni Donna.





" Hindi, tara na nga " nilagay ko sa malaking paper bag yung mga pagkain ko at hinila yung maleta ko palabas ng bahay. Nilagay ni Christian yung mga gamit ko sa likod ng van except sa paperbag ko.




" Nanay Tonette , aalis na po ako mag-iingat po kayo dito " sabi ko kay Nanay Tonette





" Ikaw din anak, mag-iingat ka dun " tumango ako at niyakap sya ng mahigpit.




Si Nanay Tonette na ang nag-alaga sakin simula ng bata pa ko. Nasa Amsterdam ang Parents ko at si Kuya Xymon at ako naman tinatapos ko lang ang college ko at susunod na ko sa dun.





Pumasok na ko sa loob ng Van at umupo sa likod, sa may tabi ng bintana.





" Oh bakit lima lang tayo? Asan yung walo? " tanong ko.





" Nako nauna na daw sila dun, kanina pa sila umalis " sagot ni Angel. binuksan ko yung malaking chippy ko.





" Ang daya naman nila, Lagot sila sakin mamaya " nilagay ko sa tenga ko yung earphone ko at plinug sa cellphone ko.





I'm Xyriel Sy, 19 years old. Xy ang tawag nila sakin.





On the way kami papunta sa rest house ng mga Sarmiento sa tagaytay. Ngayon lang natuloy ang outing namin kung kelan malapit na ang pasukan.





May family vacation kasi sila at ako naman ay wala. Mahirap talaga pag malayo yung magulang mo sayo. Yung tipo na kahit miss mo na sila hindi mo sila mayakap. Dalawang taon na lang naman at makakasama ko na ulit sila.




**




Pagdating namin sa rest house ng mga Sarmiento sinalubong kami ng iba naming kaibigan.





" Buti naman at nakarating na kayo. Kanina pa kami dito " sabi ni January ang pinaka maldita kong kaibigan. Napairap na tuloy ako, Like duh! Iniwan kaya nila kami, edi sana kanina pa kami dito at nakapagbilad na ko sa araw.




Pumasok kami sa loob ng bahay I mean mansion nila.





" Hi Xy! " muntik na ko matumba ng bigla akong akapin ni ni Barbie, ang bakla kong kaibigan" Hi bessy! I miss you so much "





" Miss mo ko kagad? Samantalang nagvideo chat tayo kagabi. Asan na pasalubong ko? " nilahad ko yung kamay ko at hinila nya yun papunta sa taas kung nasan ang kwarto nya.





Saming barkada si Steven Matthew Sarmiento a.k.a Barbie, (diba lalaking lalaki ang pangalan) ang pinaka best of friend ko. Sya kasi ang lagi kong kasama sa mga kalokohan ko, partner in crime kung baga. And syempre same kami ng mga likes and hobbies.





Awakening The Vampire King (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon