Isang araw sa buhay ko ikaw ay aking napagmasdan,
sa isang bulwagang tahimik, na aking napuntahan,
tibok ng puso ko'y animo'y may kapaligsahan,
mabilis na naramdaman, pagsintang inaasam.
Pagsuyong tinatahak tanging sa panaginip nabubuhay,
sigaw ng katahimikan, di masabi ang tinataglay,
ngiti ng puso kong ito'y sayo lamang idadantay,
pag-ibig na nga ba ito o sadyang pagsintang nagkakulay.
Sa tuwing napagmamasdan malaanghel mong kagandahan,
di mapigil ang damdaming sayo lamang ilalaan,
ngunit batid kong paa kong ito'y nakatanikala,
di ka malapitan hakbang ma'y di ko magawa.
kailan ko mararamdaman ang tamis sa piling mo?,
kailan ko maririnig ang bulong ng pagsuyo?,
kung hanggang sa oras na ito'y di mabigkas ang kataga
pagsintang inaasam, maglalahong parang bula.
*This poem is not mine. I just posted it 'cause it was my favorite poem (Nainspired lang) =)