"Mapapatawad pa kaya"part 3

36 1 0
                                    

Isang gabi ng nasa hotel sina Isabelle at ang ina niya, hidi mapalagay si Anna sa kakaisip sa narinig niyang boses pilit niyang inalala kung sino pero hindi niya matandaan. Lumapit si Isabelle sa kanya.
'' Mama, kanina pa kayo hindi na palagay ah! Ano ba talagang problema? Tungkol ba ito sa boses na narinig mo? "
"Oo anak! May naalala ako pero hindi ko masyado maintidihan kong ano yun! Parang nadito sa isip ko... parang kilala ko ang boses niya."
" Mama baka ka boses lang.. Meron nama talagang kaboses ang tao. Magpahinga ka na mama maaga tayo bukas." Sabi ni Isabelle.
" Bukas tawagan mo ng maaga si Christina,ok!..
"Opo mama.

Samantalang si Christina kina usap ang daddy niya.
" Dad! Kailangan natin mag usap."
" Tungkol saan yan?" tanong niya.
" Tungkol sa pagkatao ko... Wala ba kayong sasabihin sakin?" Kalmadong tanog ni Christina habang nakatitig sa daddy niya.
" What do you mean? Hindi ko maintidihan!.... anong tungkol sa pagkatao mo??
"Wag na kayong magsinungaling dad...alam ko na ang totoo na hindi ninyo ako anak." Sumisigaw sa iyak si Christina.😥 At dumating ang kanyang mummy.
" kaya wag na kayong magkaila sa akin!... Kayo ni mummy!..." 😢
At napayuko na lang ang mummy ni Christina at umiiyak at hindi naka pagsalita.
" Sinong nagsabi sayo ng ganyan? Hindi yan totoo anak.... anak ka namin ng mummy mo." At niyakap niya ang anak.
" Gusto ko lang malaman ang totoo mula sa inyo... Please!!! Dad..tell me the truth... Paano ako napunta sa inyo ni mummy?😥 kaya walang nagawa ang daddy niya kundi sabihin ang totoo.
" Pinaampon ka sa amin ng isang matanda na si aling Lorene, dahil hindi daw nila kayang itaguyod kayo sabay sabay.
Masaya kami ng mummy mo noong dumating ka sa amin, naging makabulohan na ang buhay namin dahil sayo. Matagal na kami nagsama ng mummy mo pero hindi kami binayayaan ng anak. Noong dumating ka naging makulay ang mundo namin, masayahin na ang mummy mo at excited na ako maka uwi ng maaga kasi nandito ka... gusto ko lagi kitang karga karga." Pagsalaysay niya.
"Mahal na mahal ka namin ng daddy mo anak at masasaktan kami kung iiwan mo kami at baka hindi ko kayanin na mawawala ka.😥
" Hinding hindi ako mawawala mummy dahil hindi naman niya ako kukunin eh!.... 😊
"Bakit mo naman nasabi yan anak? Matagal kang hindi nakasama ng ina mo siguradong gusto ka niya makasama.
" Dahil naintindihan niya ang sitwasyon, alam niya na mahal na mahal ko kayo ni daddy."😘sabay halik sa mummy at daddy niya. I love you mum,dad.💖" at hawak hawak niya ang kamay ng daddy at mummy niya.
Bagamat nangangamba parin ang mummy ni Christina na maramdaman niyang mas matimbang parin ang dugo kay sa tubig... kaya nasasaktan siya ngayon at natatakot na mawawala ang nag iisang anak nila at sasama sa tunay niyang ina.
Sa kabila ng lahat... umaga palang nakapaghanda na si Anna para sa pagharap nila sa mga nag ampon kay Christina. Nag almusal na rin ang mag ina at ready narin si Isabelle sa pag alis nila, medyo kabado si Anna hindi niya alam kung bakit. At nang aalis na sana sila biglang tumawag si Christina para kumustahin sila.
"Mama kumusta na po kayo? Kahapon kasi parang hindi kayo ok! May nararamdaman ba kayo?" pag alala ni Christina sa ina.
" Ay wala anak... pagod lang siguro... wag muna akong alalahanin anak. At salamat ha kasi kahit hindi tayo nagkasama mula noong bata ka pero ramdam kong pag alala mo." halata ang saya sa mukha ni Anna.
" Wala yon mama! kung lumaki ako kasama ninyo siguro malilito kayo kung sino kami! hahaha! 😂 sabay biro niya sa ina at napangiti na rin ang ina.
" Ikaw talaga binibiro mo pa ako... hindi ako malilito kasi ina ako noh!." At niyakap siya ni Isabelle ng narinig ang pinag usapan nila natutuwa siya na magiging ok din ang lahat.
" O sige na anak papunta na kami ni Isabelle."
" Mag aantay si daddy at mummy sa pagdating ninyo. Ano kaya kung sunduin ko na lang kayo?.."
" Hindi na ...nandito na kami nag aabang na ng taxi basta diyan ka lang,ok! ."
Pagdating nila sa bahay ni Christina, bumaba na sila sa taxi at nag doorbell. Isang guard ang bumukas ng pinto.
" Magandang umaga po sa inyo!" pagbati nila.
"Magandang umaga din sa inyo!"
At biglang lumabas ng bahay si Christina para salubongin sila.
"Mama, Isabella, good morning! Kmusta na po kayo? sabay halik sa pisngi nilang dalawa.
" Pasok po kayo... Tatawagin ko lang po si daddy at mummy. Wait lang po! "
Pinuntahan ni Christina ang kanyang daddy at mummy . At habang si Anna para hindi mapalagay ang kanyang isip at nararamdaman parang may hindi magandang mangyayari.
Bumaba na silang mag asawa para makaharap sila at makilala.habang si Anna nakayuko at nakikiramdam nalang sa paligid nila.
"Mama ok ka lang ba?"
" Oo anak" at bilang may nagsalita sa likod nila...ang daddy ni Christina.
" Kmusta na kayo? ikinagagalak ko kayong makilala! " At mula sa pagyuko ay biglang naka lingon si Anna ng narinig niya ang boses ng daddy ni Christina. At nag iba ang hugis ng kanyang mga mata na para nagagalit at gustong umiyak.
"Mama bakit po?
" I..ikaw...hindi....hindi ako nagkamali sa naramdaman Ikaw yung lalaki na nanghalay at nanakit sa akin.. Hayop ka!" Sabay sampal sa mukha ng daddy ni Christina na parang wala na sarili at inaawat nila ito.
"Mama.... tama na.... Anong nayari sayo?? Bakit??.. "Inaawat ni Isabelle ang ina.
"Anong sinasabi mo? Hindi ko alam ang sinasabi mo...."
Kilala kita..... Hayop ka.... Sinara mo ang pangarap ko... Namatay si tatay na hindi ko natutupad ang pangako ko sa kanya na makatapos sa pag aaral. Wag kang magsinungaling...." sigaw niya dito. " Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa akin... Yang pilat mo sa pisngi yan ay galing sa kamot ko,dahil nanglaban ako sayo....hayop ka..."at subrang iyak ni Anna at si Isabelle ay hindi alam ang gagawin sa awa sa ina. Ngayon lang niya naintindihan kung bakit ayaw niyang pag usapan ang tungkol sa kanyang ama. Natulala naman si Christina sa nalalaman niya . At ang mummy niya ay umiyak na lamang.
" Ang ibig mong sabihin si daddy ang tunay naming ama at siya rin ang nanghalay sayo mama?..."
" Totoo ba ito dad ?....na ginawa ninyo ito?...Sumagot kayo!! Totoo ba?...umiiyak na sumisigaw sa daddy niya.
" Hindi ko matanggap ito dad.... dahil akala ko ikaw yung mabait,maalalahanin, mapagmahal na ama ay isang rapist. Bakit dad?"
"Patawarin ninyo ako... Hindi ko alam... Wala akong matandaan. Maniwala kayo hindi ko matandaan. Oo inaamin ko ang nagawa ko pero hindi ko malala kung saan at kung sino ang nagahasa ko." Umiiyak na humihingi ng kapatawaran.
"Hindi....hinding hindi kita mapapatawad... Ikaw ang nag sira sa buhay ko. Walang kapatawaran ang ginawa mo. Ipakukulong kita.
" Anak maniwala ka... nagbago na ako ng dumating ka sa buhay namin ng mummy mo. Patawarin nyo ako. At kung gusto nyo ako ang susurender sa mga polis at aaminin ko ang nagawa kong kasalanan noon, mapatawad nyo lang ako. Matagal ko ng pinagsisihan ang nagawa kong kasalanan." Iyak ng iyak si Anna at Isabelle na niyayakap ang ina.
" Patawarin nyo sana ang asawa ko matagal na syang nagsisi."
At biglang nagkunot ang noo ni Anna nang narinig nita ang sinabi ng mummy ni Christina.
" Ano ang sinasabi mo? Alam mo ang ginawa niya pero wala kang ginawa walang hiya ka...pinag takpan mo ang kasalanan ng asawa mo. Mabubulok kayo sa kulongang dalawa.
''Tama na mama, huhuhu! 😥 "
Hindi alam ni Christina ang gagawin. Hindi niya akalain na magagawa ng daddy niya yun. Pero hindi niya maitatago sa sarili na nasaktan siya na makukulong ang kanyang daddy at mummy parang hindi niya kaya, dahil subrang mahal niya ang mga iyon. Pero naaawa rin sya sa totoo niyang ina Tumawag si Paulina kay Isabelle.
" Hello! Paulina..." maslalong nakaiyak si Isabelle ng naririnig niya ang boses ng kapatid.
"Isabelle? May nangyari ba? Bakit ganyan ang boses mo? At maslalong umiyak si Isabelle.
" Ok puntahan ko na kayo ha!" At nag mamadaling umalis si Paulina para puntanhan sila Isabelle at ang ina niya.
" Anong nangyari? Bakit umiiyak si mama?"tanong ni Paulina kay Isabelle. Kaya kweninto ni Isabelle ang ng yari sa ina nila na biktima siya ng bag aabuso at panghahalay ng ama ni Christina. Inaamin din niya ang nagawa niyang kasalanan at pinagsisihan na daw niya iyon at handa na syang magpakulong at pagbayaran ang lahat nagawa niyang kasalanan at subrang nasaktan si Christina sa nalaman ang tungkol sa daddy niya at ang masakit nagkataon pang siya ang naka ampon sa kanya. Siguro sinadya ng panahon ang lahat para mabigyan ng hustisya ang nangyari kanyang ina.
Hanggang sa bigla nalang dumating ang mga polis. At lumapit ang daddy ni Christina kay Anna.
"Sana balang araw mapatawad mo na ako pero gusto kung sabihin sayo na walang kasalanan ang asawa ko dito." Paliwanag ni Ronaldo.
" Anong walang kasalanan? ...alam niya ang nangyari hindi ka niya isinuplong sa mga pulis, mas pinili niyang itago ang katutuhanan. At ikaw.... sinabi mong nagsisi ka bakit hindi ka sumorender sa mga pulis,bakit mo hinayaang aabot sa ganito...alam mo bang kung gaano kasakit ang ginawa mo? at gaano mo nasaktan ang mga magulang ko? Kulang pa yan sa tagal na panahon na pagdurusa ko at sa mga pangarap ko na sinira mo." Subrang galit at puot ang naramdaman ni Anna sa kanyang dibdib at hinding hindi niya mapapatawad ito.
Sumama na sa mga pulis ang daddy at mummy ni Christina, subrang nasaktan si Christina sa nangyari sa tinuring niyang mga magulang kahit sa mga nagawa ng kanyang daddy hindi niya maitatago na nasasaktan siya pero kailangan niyang tanggapin ito dahil kailangan pagdusan ng ama ang kanyang kasalanan sa totoo niyang ina. Inibestigahan din ang mummy ni Christina kung bakit itinago niya sa matagal na panahon ang kasalan ng asawa at kung mapapatunayan na may kasalanan din sya posebling makulong siya. Kaya kinausap ni Christina ang kanya ina na patawarin ang mummy niya.
" Mama.... Sana po mapatawad mo na si mummy...."may namuong luha sa kanyang mga mata. At masakit sa kanyang ina na nakitang nasaktan ang anak. Naawa din ang dalawa niyang kapatid kahit hindi sila magkasabay lumaki pero parang iisa lang ang kanilang naramdaman pariho silang nasaktan sa mga nangyayari.
Isasama na niya si Christina pabalik sa mindanao at bago sila aalis nag paalam muna sila sa mag asawang nag ampon kay Paulina.
"Nandito kami para magpaalam na babalik na kami sa mindanao, alam ko na hindi ninyo pababayaan si Paulina at alam ko kung gaano niyo kamahal sya." Habang hawak niya ang kamay ni Zinaida ang mummy ni Paulina.
"Mag iingat kayo doon... At makakaasa kayo na dadalaw kami sa vacation ni Paulina. " wika ni Ronaldo.
" Salamat sa inyo! Habang yakap yakap ni Isabelle si Paulina at nag papaalam narin sya at ganun din si Christina.
" Mag ingat kayo ha! At tawagan ninyo ako palagi." Sabay halik sa pisngi ng dalawa.
" Anak... Mamimis ka namin, sa sandaling panahon na nakilala kita... kayo ni Christina...nandito kayo sa puso ko at masaya ako sa bawat sandali na nagkilala tayo. Mag iingat ka dito at mag aral kang mabuti ha!."
" Opo, mama. Mahal ko kayo! Wag kayo mag alala dadalaw kmi doon para mameet ko naman si lola.😊
"Sige na aalis na kami baka malate kami sa flight namin.
"Ipahatid ko na lang kayo sa driver para hindi kayo malate.nandiyan na ang driver sa labas."
" Naku! Salamat sa inyo!....At lumabas na sila at sumakay sa sasakyan.
Halatang namiss ni Christina ang mummy at daddy niya at hindi man lang siya nakapag paalam sa kanila.
Nasa airport na sila nag antay nalang sila sa pag alis ng airplane papunta sa davao. Nang nakaalis na sila hindi parin kumibo si Christina malungkot parin ang kanyang mga mata at malayo ang tingin pero hinahayaan nalang siya ng kanyang ina.
At pagdating nila sa Davao airport sinalubong sila ni aling Lorene at masayang masaya itong nakita sila. At nagulat siya ng makita si Christina.
" Anak siya na ba ang isa sa apo ko?" tuwang tuwa si aling Lorene makita silang dalawa ni Isabella at Christina.
" Opo nay... Si Christina po ang pangalan niya."
" Apo! Patawarin mo sana ako... Ako ang dahilan kong bakit nalayo ka sa amin, subrang hirap ng buhay nmin kaya ko nagawa iyon at hindi ko akalain ito ang risulta ng lahat. Suguro nga paraan narin ng diyos ang lahat para mabigyan ng hostisya ang nangyari sa mama mo. " niyakap niya si Christina na umiiyak.
" Nay...tama na naka tingin ang mga tao sa bahay na lang tayo magkwentohan." At napatigil si aling Lorene.
" Pasinsya ka na apo. Sige na ... Tayo na sa bahay." At umalis na rin sila.
Pag dating sa bahay nila nanibago pa si Christina sa lahat. Pero gagawin niya ang lahat nakalimutan ang mga nangyayari, hindi man madali pero balang araw mawala rin ang sakit na naramdaman niya. Tinutulongan din siya ni Isabelle para malibang kaya dinala niya ito sa kanyang school. At pinakilala niya si Christina sa lahat niyang kaibigan at classmate at mga guro.
" Wow wala talaga kayong pinag kaiba noh?! Kamukhang kamukha talaga.. " sabi ni anet na classmate ni Isabelle.
Masaya narin si Christina na tinutulongan siya ni Isabelle na makamove on, pero hindi parin niya maiwasan na mamis ang kanyang daddy at mummy.
Lumalabas sila ni Isabelle sa mall at minsan pumupunta sila sa park ,marami na silang napuntahan araw araw at nakikita naman na masaya si Christina pero may oras talaga na malungkot din siya.
Kaya isang araw pag uwi nila galing namasyal, masaya silang dalawa ni Isabelle pero walang kasing saya ng nakita niya ang kanyang mummy.
" Mummy!.....'' Napalundag siya sa tuwa ng nakita ito at niyakap niya ito ng mahigpit na mahigpit na subrang pagkamis.
" Anak kumusta kana? Mis na mis na kita at ang daddy mo..." Habang si Isabelle at ang ina niya at lola niya nakatingin sa kanila na naluluha. Masaya narin sila pag nakitang masaya si Christina.
" Anak, sasama ka na sa mummy mo pabalik sa inyo.. Ayoko na mahinto ka sa pag aaral basta mag aral ka ng mabuti ha! niyakap ni Christina ang ina niyang si Anna.
" Salamat mama! Ang ibig niyong sabihin na makakasama ko na si mummy? Hindi na siya makukulong?.." Subra ang tuwa ni Christina.
" Oo anak,... Inurong ko na ang kaso laban sa kanya at pinatawad ko na siya... para sayo gusto kong maging masaya ka." Kaya nag handa na si Christina sa gamit niya para sa pagbalik sa manila. At malungkot si Isabelle na hindi niya makakasama ang kapatid at magkalayo na naman sila.
" Isabelle! Magtatawagan tayo at mag uusap lagi tayo sa fb pangako... Wag ka ng malungkot.
" ok na ako! Masaya naman ako kung masaya ka eh! Basta promise lagi tayong mag uusap at ni Paulina. Ok!.."
" Bibisitahin ko rin si Paulina pag uwi ko at tatawag ako sayo. Ok ba yun?"
" Hmmmm ok! " At masaya na rin si Isabelle.Niyakap na ni Christina si Isabelle at ang ina niya at lola niya at nag paalam. At nagpasalamat si Christine ang mummy ni christina sa kanilang lahat na binigyan siya ng isa pang pagkakataon at mapatawad.
Umalis na rin sila sa araw na yun at dumating sila sa manila after 1 hour. At gusto ni Christina na bisitahin ang daddy niya. At pagka bukas binisita nila ito at may dala silang pagkain na piborito nya. At masayang masaya sila kahit pa man na nakakulong siya. Naramdaman niyang mahal na mahal siya ng anak niya.
Sa susunod na araw pumasok na si Christina sa paaralan niya, nag aaral siyang mabuti gaya ng pangako niya sa ina. Madalas niyan bisitahin ang kanyang kapatid na si Paulina at doon palagi sila nag uusap na tatlo at minsan nagkikita sila sa video call, sa ganun lang na paraan masaya narin sila malayo man si Isabelle parang malapit na rin. Halos lahat ng events sa school alam ng bawat isa, sa damit na susuotin dapat alam ng bawat isa, pag may party o may lakad o may bibilhin nag uusap sila sa kung ano ang dapat, ganun sila ka close. Sumunod na araw nag celebrate si Isabelle dahil sa pagkapanalo niya sa exam nila sa Brent International Manila at nakakuha siya ng pinakamataas na score sa test nabigyan siya ng scholarship at libreng allowance. Masaya siya dahil natupad ang kanyang hiling sa taas. At masaya rin ang kanyang dalawang kapatid sa nakamit niya.
At dumating na rin ang pinakahihintantay nila ang graduation day at halos magka sabay pa ang graduation day nila. Si Isabelle ang valedictorian sa school nila at ganun din sila Paulina at Christina magkasing talino silang magkapatid at halos pariho sila ng gusto sa buhay. Pero isa lang ang hindi sila nagkapariho ay ang kursong kukunin nila ,si Isabelle ay Graphic Designer,😁 at si Christina naman ay Culinary art dahil mahilig siya sa pagkain,😋 at si Paulina naman ay gustong mag Doctor.😉
Masaya na rin ang mag inang aling Lorene at Anna sa mga pangarap ng kanyang mga anak. Parang natupad narin ang kanyang pangarap. Lumuwas sila Isabelle at ang kanyang lola at ina sa manila para sabay nilang ipagdiriwang ang kanilang pagtatapos nila Paulina at Christina. At syempre kasama ang mag asawang Ronaldo at Zinaida,at mummy ni Christina na si Christine. Hehe nakakalito noh! At hindi kumpleto ang araw ni Christina pag wala ang kanyang daddy kaya nag streaming video sila sa daddy niya at masayang masaya ito na nakita ang daddy niya.
At unti unti na rin nawawala ang sakit na naramdaman ni Anna at dahil yon sa kanyang mga anak. At baka balang araw mapatawad din niya ang ama ng kanyang mga anak.

At dito natapos ang kwento ni Annabelle at sa tatlo niyang mga anak na sina Isabelle, Christina,at Paulina.


Cast:

Mang Doming
Aling Lorene
Annabelle
Isabelle
Christina
Paulina
Doctor
Marta
Jerome
Christine
Ronaldo
Zinaida
Maam Zina
Anet
Janet


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

''MAPAPATAWAD PA KAYA'' Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon