Pasensya na aking mahal na ama
Ikaw pala'y hirap na hirap na
Sa karamdamang iyong dinarama
Na hindi manlang makumusta.
Kaya naman lubos ang aking pagsisisi
Sapagkat sa oras na kailangan mo kami
Kami'y wala sa iyong tabi
Upang makasama kami
Ngunit pagsisisi ko'y sadyang huli na
Upang makabawi sayo aking ama
Sapagkat kami'y inyong nilisan na
At hindi na muling babalik pa
Kung sanay may pagkakataon pa
Ito'y aming susulitin maging masaya ka lang aking ama
Ngunit panahon ay sadyang di na maibabalik pa
Upang gustong mangyari ay maganap pa
Pero kahit wala ka na
Sa puso't isipan namin ikaw ay buhay pa
At hinihiling na marinig mo sana
Ang mga katagang "Pasensya Ama"