Ako ay nagiisa , sa mundong napakadilim . Umagang walang araw , gabing napakalamig na walang buwan at bituwin . Andun lang ako umiiyak , nasasaktan , nagiisa .
Minsay naisipan kong humiling , humiling ako na sana makalabas sa mundong iyon , at dumating ka na nga sa buhay ko . Pinakita mo saakin na liwanag ay mas maganda , mas masaya , mas nakakatuwa , at higit sa lahat ikaw ang kasama ko sinta . Andami nating pinagsamahang paglalakbay , na sa bawat lakad ako yung lalakeng sayo ay naka akbay , na sa bawat pagkababa ng turing mo sayong sarili akoy naka alalay , sana di ka na mawala sa piling ko aking mahal , kaya ako'y humiling muli , Humiling ako na sana di mo ako iwan mahal , Ayokong mawala lahat ng matatamis nating pinagsamahan , ayokong mawala ang init ng ating pagmamahalan , ayokong dumating ang araw na kaylangan kong kalimutan lahat ng ating napagsamahan at pagmamahalan
Halos wala na akong maihihiling pa , masaya na ko na kapiling kita , Ang tao na mas inuna ko kaysa sa ibang bagay , oras , panahon , at kasiyahan sa iyoy ibinigay , Sa bawat pagmulat ng aking mata tuwing umaga ikaw agad ang naiisip ko sinta , Bawat gabi na akoy matutulog inaalala ang iyong kalagayan
Lumipas ang masasayang araw at napalitan ng walang kasing tahimik , Mas malamig pa sa dati. Ang mga kasiyahan ay napalitan na ng lungkot . Ang dating ikaw ang yumayakap ay napalitan na ng kumot.
Dating tamis ay nahaluan ng pait . Ang dating Pagkamiss ay napalitan na ng galit . Di ko maintindihan kung bakit ?! Bakit ka nagkaganyan . Ang pangakong "Pag-iibigang walang hanggan" at nagkaroon na ng katapusan . Ang dating Tayo ay Kayo na ngayon
Di ko alam kung saan ako nagkamali , kung saan ako nagkulang . May mali ba akong nagawa ? Bakit tila ata ikay nagsawa ? Walang araw na lumipas na hindi kita iniisip , inaalala , Sarili koy ikinukumpara sa kanya , Bakit sya ?! Bakit di na lang ako?! Malinis naman ang aking intensyon ngunit wala na , wala na tayong koneksyon . Wala na ring solusyon para bigyang atensyon pa Ako , Ako , Ako !
Ako na nagpaloko , Ako na nagpa-uto , Ako na hinayaang paglaruan , Ako na punong puno ng katangahan , Ako na natauhan na hindi nya ko minahal bagkos niloko , at pinaglaruanBumalik na ang lahat sa dati . Ang Dating mundo na aking inalisan ay sya ring mundong aking babalikan . Nagiisa , Nasasaktan , Umiiyak . At sa Huling pagkakataon akoy muling hihiling . Kung Dati ay Hiling ko na lagi tayong magkasama ngayon ay Hinihiling ko na sana di na tayo nagkita , nagkakilala at sana ay hindi ka na dumating sa malungkot kong buhay
YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoetryDedicated sa mga sawi at patuloy pa ring sumusugal para makahanap ng FOREVER