Clash of Clans

35 0 0
                                    

A/n : Pagpasensyahan nyo na to. This is my first one shot story. Paki check na din po kung tama yung info na nilalagay ko, hindi kasi talaga ko naglalaro ng coc. Based lang to sa kwento sakin ng bestfriend ko.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Annyeong! I'm Krizza Sarmiento, 16 years old, and a coc player.

Ewan ko ba, pero nahilig na ako sa laro na to.

Nasa clan akong tinatawag na DELTA PH, nagchachat kami ng mga clanmates ko kasi malapit na mag-start yung war.

Tristan_93 - Guy's get ready for the war

Sabi sa amin ng leader namin. So nagready na nga ako, after ng ilang minutes tapos na yung laro, at sa kasamaang palad talo kami :'(

Tristan_93 - Okay lang yan guys

TheGreatestNatsu - Hi Krizza!

Izza_99 - Hello.

TheGreatestNatsu - May itatanong lang ako sayo.

Izza_99 - Sure! Ano yun?

TheGreatestNatsu - Pwede ba manligaw? HAHAHAHAHA! Sagutin mo ko ng oo hah! XD

Ano daww? Nagtatanong kung pwede manligaw pero may HAHAHAHAHA pa. Tapos sagutin ko daw sya ng oo. Aba! Demanding si kuya XD

Izza_99 - Mahilig ka talaga magbiro HAHAHAHA!

TheGreatestNatsu - Ahh okay :(

TheGreatestNatsu has left the clan.....

Izza_99 - Hala! Bakit nagleft yun?

Rukawa_11 - Nanliligaw kasi sayo hindi mo sineryoso.

Izza_99 - OMO! Akala ko joke lang kaya hindi ko sineryoso.

Tristan_93 - Medyo torpe kasi yun kaya dinadaan nya lang sa biro.

At dahil sobrang naguluhan ako nung time na yun, idagdag pa yung pangongonsensya sakin nh mga clanmates ko nag-leave na ko sa clan.

After ng ilang hour chineck ko ulit yun, tapos nagulat ako nung kasali na ulit sya, sasali dapat ulit ako kaso tinaasan nila yung kailangang trophy kaya hindi na pwede.

After 1 year....

I'm already a grade 11 student in Yuki's Academy with my bestfriend, Sheila :)

Ayos naman yung naging buhay ko kaso hindi ko maiwasang isipin yung nangyari.

Kamusta na kaya sya?

"Huy bes! Tulala ka dyan?" I came back to my senses ng hampasin ako ng bestfriend ko.

"Aray ko hah! Nage-emo yung tao eh" sabi ko.

"Aba! Anong petsa na po? Baka gusto mong umuwi na?" Sabi nya. Nabigla ako, hindi ko namalayan yung oras.

Wala kasi kaming teacher sa last subject kaya 1 and a half hour din kaming naka-nganga.

"Tara na!" Aya ko sa kanya.

Nakasanayan na naming sabay lumabas kahit hindi kami parehas ng way pauwi.

"Byebye na bes!" She said kahit kelan talaga ang energetic.

"Sige bye" tapos sumakay na ko ng jeep pauwi.

Nagtatype ako ng gm ko habang naglalakad pauwi.

To many:

Hello there :)
Text/Call game?

- Krizza ♥

...
..
.
Sending Failed :(

Kung sinuswerte ka nga naman. Tsk! Wala na pala kong load.

Pagdating ko sa tapat namin may nakatayo dun na lalaki.

"Excuse me!" Sabi ko. Nakaharang kasi sya sa gate namin.

Lumingon sya sakin tapos ngumiti.

OMO! Ang gwapo nya. I feel preggy *______* hahahaha! Joke lang.

Nginitian ko na lang din sya tapos pumasok na sa loob ng bahay namin.

Napag-alaman kong bagong kapitbahay pala namin yung gwapong nilalang.

Paggising ko ng umaga pumasok na ako sa school. Excited na kong ikwento sa bestfriend ko yung gwapong nilalang.

"Bes? May chikabells ako sayo!" Energetic kong sabi.

"Ano? Ano? Ano?" Atat naman nyang tanong.

"May gwapo kaming kapitbahay bes! As in. Alam mo naman siguro yung definition ko ng gwapo diba? Diba?"

"Oo, oo, tapos anyare?" Excited naman nyang tanong.

Nagkwento naman ako sa kanya. Aba! Kilig na kilig ang bruha.

"Bes? Iclose mo tapos tanong mo kung may kaibigan" kinikilig na sabi nya.

"Hindi ko pa nga kilala eh, pero sige. Para sa ikatatahimik mo" Sabi ko.

Naging close naman kami, at nalaman kong AJ pala yung pangalan nya. Short for Aaron James. Lagi nga syang pumupunta sa bahay tapos nagbibigay ng kung ano ano. Like flowers, chocolates, stuff toy.

Pagtinatanong ko kung bakit nya ko binibigyan nun tumatawa lang sya tapos pabirong sinasabing nanliligaw daw sya.

Habang naglilinis ako ng bahay bigla syang pumasok sa bahay namin.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunyaring galit na tanong ko sa kanya.

"Wala. Tatambay lang." Natatawang sagot nya.

Asdfghjkl! Kelan pa naging tambayan yung bahay namin.

"Aba nakahanap ka ng tambayan hah" sagot ko sa kanya sabay irap.

Hindi na sya nagsalita. Sobrang tahimik. Tsk! Awkward :(

"Sorry kung dinaan ko sa biro yung dati hah" biglang sabi nya.

Hah? Pinagsasabi nito? Kinunotan ko na lang sya ng noo.

"Natorpe kasi ako nun kaya dinaan ko na lang sa biro" lumapit sya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Pero yung nararamdaman ko para sayo hindi yun biro, Krizza I love you" seryoso nyang sabi sakin.

"A--ano bang p-pinagsasabi mo?" Sh*t! Kinikilig ako.

"Hahahaha! Let me guess? Hindi mo natatandaan noh" sabi nya tsaka nilabas ang cellphone nya at may pinakitang screenshot picture.

Napasinghap ako. OMO!

Ano nakalagay dun sa screenshot picture?

Yung convo. namin sa clan.

"Krizza? Pwede bang manligaw?" Seryosong tanong nya sakin.

"Hindi.....Diba dati ka pa nanliligaw?" Naka porker face kong sagot sa kanya.

...... Kaya sinasagot na kita :)

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

A/N Wahhh! Natapos ko din. Thank you sa mga nagbasa. Kung meron man XD I love you guy's

Compilation Of One Shots StoriesWhere stories live. Discover now