Chapter 2 - The Evil Plans

37 0 0
                                    

<Patricia>

Nasaan na kaya 'tong si Tash. Malapit na magumpisa yung klase ah. Kakaumpisa pa lang ng klase late na agad. Biglang may kumalabit sa likod ko,

"Uyy Patricia! Good Morning." hingal na hingal na sabi ni Tash.

"Bakit ngayon ka lang? Muntikan ka na malate oh. Ilang minuto na lang, late ka na." sabi ko. 

"Eh kasi naman. Walang gumising sakin. Maaga palang pumasok ng office yung mama ko kaya walang gumising sakin. Alam mo naman, si mama yung alarm clock ko. Mabuti nga nagising ako eh kaso medyo late nga lang. Hindi nga ako nakapagbreakfast eh. May pagkain ka ba dyan?" 

Inabutan ko sa kanya ang paborito kong Hello Panda. "Ohh ayan. Paborito ko yan ah, ibinigay ko sa'yo kaya kailangan mo palitan yan someday... AT DOBLE PA. BWAHAHAHA"

"Grabe ka! Whatever." sabi niya.

Nagsimula na ang klase and nagpakilala na yung mga teachers for each subjects. Pagka recess namin, hinanap ko kung anong section ni Jake. Si Jake Ignacio nga pala yung crush ko last year. And ngayon ko lang nalaman na magkatabi lang pala yung classroom namin kaya hindi na rin masama. 

Yaaaay! Tapos na ang klase. Balik na naman ako sa gawain ko. Ichecheck ko na kung nagmessage si Lana. BWAHAHAHAHA! Uhmm.. excuse me readers. hindi po ako lesbian or bisexual. Poser kasi ako sa facebook. Marami akong facebook accounts na ginagamit panloko ng ibang tao online. Nagpapanggap akong lalaki para makapanloko ng babae. Well, I know this seems kinda rude pero trip trip lang naman eh. Ayuuuun! Sabi ko na  nga ba eh. May message nga sa akin. Ang clingy nya ah. HAHAHA! Well, pagtitripan ko na siya. 

FACEBOOK CHAT:

Lana: Uyy Hi!

Patricia as Poser: hello

Lana: Kamusta?

Patricia as Poser: Eto ok lang

Lana: Ahh. Ako ayos lang din. hahahaa

Patricia as Poser: ahh nice

............................

Medyo cold yung sagot ko para lalaking lalaki talaga yung kausap niya. Infairness, nakakatawa talaga 'to pero syempre medyo nakakaguilty. Pero may natatago pa rin naman akong kabaitan kaya hindi ko siya masyadong pinaglalaruan kasi babae din naman ako and alam kong masasaktan din siya sa huli. So tinigil ko muna yung pakikipagchat sa kanya para gawin yung mga homeworks ko.

Fast Forward...

<Tash>

WAAHHHH!!! Periodical Exam na. Wala pa nga akong naiintindihan dito sa Physics na 'to eh. Si ma'am kasi ang bilis bilis magdiscuss parang prof. sa college. Wala tuloy akong maintindihan tapos puro problem solving pa. Tapos puro formulas and pagdating ng exam, bawal ang Formula Card. Halos mabaliw na ako. HUHUHUHUHU!

"Patricia!!!!! Patulong naman dito sa Physics. Wala talaga akong magets eh. Please please please." nagmamakawang sabi ko kay Patricia.

"Ano ka ba Tash. Wala nga din akong maintindihan sa Physics na yan eh. Sama ka na lang sa group study dun sa bahay ni Elle." sabi ni Patricia.

"Ayoko sumama sa mga group study. Alam ko namang walang mangyayari sa mga ganyan eh. Puro kwentuhan at kulitan lang ang mangyayari. Sayang lang ang oras ko." sagot ko.

"Ayy bahala ka. HAHAHA! Good Luck na lang sa atin. Ayy oo nga pala. Tash, nakwento ko na ba sa'yo si Lana?" tanong ni Patricia.

"Uhh sino yun?" 

"Yung niloloko ko sa Facebook. Diba nakwento ko na sa'yo dati na may mga poser accounts ako and nanloloko ako. HAHAHA."

"Ayy oo nga pala. Pero hindi mo pa nakwekwento yung Lana na yun. Grabe ka talaga. Ang bad bad mo. tsk tsk tsk."

"Hahaha! Pantanggal bored lang kasi. So ayun nga, nakausap ko ulit kagabi. Andami niyang pinagkwekwento and as usual, wala akong pake. Hahaha! Pero syempre dahil meron pa namang natitirang kabutihan sa puso ko, tinulungan ko siya nung nagpatulong siya sa akin sa isang homework niya sa Math."

"natitirang kabutihan? talaga lang ha. HAHAHA!"

Biglang sumulpot si Kate sa gilid namin. Mukhang nagpapatulong din sa Physics. Sinabi ko na lang na mali siya ng nilapitan na mga tao kasi pareho kami ni Patricia na walang alam sa Physics. Pero biglang naiba yung usapan nung biglang nagkwento si Kate tungkol kay JM na kung anu-ano yung pinagkwekwento sa kanya tungkol sa babaeng nagugustuhan daw niya. Kilig na kilig pa daw 'to kasi nakakausap na daw niya ito. Kami naman, tawa lang kami ng tawa.

Bigla kong naisip, "What if lokohin natin yang si JM sa Facebook?"

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Kate.

Napa evil laugh na lang kami ni Patricia. Nagets kaagad ni Patricia yung ibig sabihin ko. Since, pro na si Patricia sa gawaing ganun. Pinaubaya ko na sa kanya ang paggawa ng mga bagong poser accounts for our mission. 

Medyo naguguluhan pa si Kate sa mga pinagsasabi namin ni Patricia pero sa bandang huli, naintindihan nya na din kaya kasama na namin siyang nag evil laugh.

"BWAHAHAHAHA!" 

"Pero wait! Kailangan natin magisip ng mga pangalan." sabi ko.

"Mga pangalan? Bakit MGA pangalan?" tanong nina Patricia at Kate.

"Naisip ko kasing dapat may tig-iisa tayong poser accounts para hindi halatang mga posers tayo. Papalabasin nating magkakaibigan yung mga poser accounts na yun. Pero isa lang yung gagamitin natin na panloko kay JM." sagot ko.

"Ahhh. Ang galing mo ah. Parang mas pro. ka pa sa akin ah?" sabi ni Patricia.

"So ganito yung mangyayari, ikaw Patricia ang manloloko kay JM. Yung poser account mo yung gagamitin natin panloko kay JM. And yung sariling poser account namin ni Kate ang magsisilbing back-up mo lang. Hahahaha. Pero syempre, kailangan natin magisip ng mga pangalan muna and kanya kanyang qualities..."

A/N: ipaprivate ko na lang yung mga names na ginamit para sa mga poser accounts nila Tash, Patricia at Kate. HAHAHAHA! pero lalagyan ko ng codenames. :)

"...So yung sa'yo Patricia, anong gusto mong pangalan na gamitin? eh yung ******** ********* ********* (in short, MC). okay na sa'yo yun?" tanong ko kay Patricia.

"Sige sige. Okay na yun. Eh yung Kate?" tanong ni Patricia.

Hindi masyadong nagsasalita si Kate eh. Siya kasi yung pinakamatino saming tatlo lagi lang siyang taga kinig at taga tawa. Hindi niya rin magawang magsuggest ng name kaya kami na lang ni Patricia ang nagisip para sa kanya.

"Uhmm. Eh kung ******** ****** ********* (in short, EM). Pwede na kaya yun? Hahahaha" sabi ko.

"Taray guurl! Pwede na yaaan!" sabi ni Patricia. 

Um-oo na lang din si Kate.

"Yung akin, ****** **** na lang. (in short YP) Hahahaha!" sabi ko.

 Pagkatapos nun, yung age naman yung pinagusapan namin and kung kailan yung birthday ng bawat accounts namin. Naisip kong na baliktarin na lang namin yung birthday namin. For example, Kung May 7 ang birthday ko (05/07), magiging July 5 na(07/05). Gets? So yun na nga ang nangyari since pumayag naman sila. Madami kaming napagusapan tungkol sa "Evil Plans" namin. Pero sa huli, napagusapan namin na ipaubaya na lang kay Patricia muna ang lahat since expert na rin naman siya dun.

Uwian na kaya nagpaalam na kami sa isa't-isa. Kasabay ko naman umuwi yung isa kong kaibigan.

Pagkauwi ko, hindi pa rin maalis sa isip ko yung "evil plans" naming tatlong. Nakakaexcite lang kasi. Parang Korean Drama lang ang peg. Hahahaha.

Hello StrangerWhere stories live. Discover now