Chapter 2

29 21 14
                                    

Shin's Note :

Pagpasensyahan niyo na lang po yung mga spelling kung mali man. You can also approach me guys on Facebook ^0^ kung may tanong po kayo or kung may hindi po kayo maintindihan at naguguluhan kayo.

~~~~

Zepphyria's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang building namin. Pagkatapak ko pa lang ng hagdan maririnig mo na yung ingay na nagmumula sa itaas. I bet sa room namin nanggagaling yun.

Lakad dito. Lakad doon. Then...

*blag*

Binuksan ko lang naman yung pinto ng padabog. Paano ba naman kasi nakakainis yung eksena na makikita mo lang silang naghaharutan tas naglalandian sa MISMONG upuan mo pa. Kamusta naman daw yon diba?

Lumapit ako sa mga alipores na nakapalibot sa bagong salta naming classmate at binigyan sila ng malamig na tingin.

"H-hi Dane." Bati sakin ng nerd kong kaklase. Feeling close lang? Hindi ko nasabi sa inyo na ang gamit kong pangalan sa school na to ay Missy Dane Tucker? At ayoko na may tumatawag sakin na Dane na hindi ko close. Syempre hindi diba pero ngayon alam niyo na.

"Close tayo? TABI NGA!" I shouted at her. Nagulat naman sila at nakisali din yung bagong salta. Tch. Para namang bago lang to.

"At bakit? Wag mo sabihing gusto mong solohin si Xian kaya ka ganyan. Am I right huh?" Xian? At sino naman yung lalaki na yun?

"Yeah right. Tsaka siguro habang katabi mo si fafa Xian pinagnanasahan mo na siya no?" Seriously? Ganun ba talaga tingin nila sakin? Luh! Like duh! MANIGAS SILA! At sino ba yang Xian na yan?

"Sino ba kasi yang Xian na yan? The last time I check wala tayong kaklase na ganun ang pangalan." Pagdedepensa ko.

"Sino pa ba edi yang katabi mong boylet!" Sabat naman ng isa sa mga malandi kong kaklase.

I look at Xian and examine him. It's just a split of second but I think I saw him before. I have this guts na nagkakilala na kami. Aish.

"Gwapo ka? San banda? Magsalamin ka nga para kang tambay sa kalsada." Sabi ko. Tch. Actually, he's handsome and he has the attitude of some mafias I've known. Brown eyes, pointed nose, fair skin, and pinkish lips. Pero sanay na ko sa mga ganyang get up ng lalaki. Ganyan kasi ang mga itsura ng mga gangster at yung mga kasama ko sa underground kaya waepek.

Uupo na nga sana ako eh kaso...

"Stop right there." Tsk. Akala ba niya mapapasunod niya ko ng ganun ganun lang. ASA! Hinarap ko ulit siya at tinignan ng walang emosyon.

"At bakit?" Umupo na ko dahilan para maasar siya.

"Tayo!" Hindi ko siya pinakinggan at sinalpak ko yung earphones ko saka binuksan yun libro ko para magreview sa quiz mamaya.

"Sinabi nang tayo eh!" This time inalis ko yung earphones ko kahit kakasalpak lang nito.

"Ako ba yung sinasabihan mong tumayo?" Tanong ko.

Within The Mask [ON GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon