Chapter 4-First Death

2 1 0
                                    


"Troi! Troi! Buksan mo ang pinto! Patawarin mo ako!"..pagmamakaawa ni jesrill habang kinakatok ang pinto at pinipihit ang doornub nito

"Jesrill! Jesrill! Ikaw ba yan? Jesrill parang-awa mo na tulungan mo ako! Ayaw ko pang mamatay jesrill hindi pa ako handa! Maawa ka!...pagsagot ni Ivan Troi habang pinipilit paring buksan ang pinto

Ano bang nangyayari sayo dyan sa loob!....jesrill

Bilisan mo na jesrill! Malapit na sya! Jesrill malapit na sya! ...ang natatarantang pananalita ni ivan troi na patuloy parin ang pagsipa sa pintuan

Ha? Ano? Hindi kita matinig masyadong kulob ka dyan sa loob! Teka! Hintayin mo ako kukunin ko lang ang susi sa kabilang dulo wag kang bibitaw ha! Kaya mo yan!....natataranta ding sambit ni jesrill habang nagtatagaktak sa noo nya ang butil-butil na pawis nito

O sige bilisan mo!....sagot ni ivan troi at tumingin sa likuran nya nagulat nalang sya nang nakaharap na pala sa kanya ang white lady at nanginig-nginig na ang mga tuhod nya at naglakas na dina ng tibok ng puso nya na tila unti-unting sumisikip ang paghinga nya

Kumaripas nang takbo ang binatang si jesrill para kunin ang susi na nakalagay sa dulo ng kusina
Walang ka-alam-alam ang ibang kabarkada nila ang nagyayari sa isa nilang kaibigan na si ivan troi

Unti-unti nang kinikikil ng white lady ang buhay ng binata habang kinuhuha ni jesrill ang susi para mabuksan ang kubeta

Dahan-dahang umaangat ang paa ng binata dahil sa pag-tiik  sa kanya ng white lady na pawang unti-unti ding kumakalat ang itim ng kaniyang mga mata at pinapalibutan ng itim na itim na mga ugat ng kalamnan nito

Nawawala na at malapit nang matapos ang buhay ng binata sa kamay ng white ladyng iyon na tinitiik nang punong-puno ng galit at may kasaling pang-gigil ang pagtiik nito sa binata

Walang awa nitong inihinagis ang binata sa may inoduro ng kubeta at nagsimulang magsuka ang binata at umagos ito sa inoduro

Nakuha na ni jesrill ang susi at ang tangi nalang nyang gagawin ay ang  buksan ang pinto

Pinihit ng may panginginig ni jesrill ang doornub at dahan dahan itong binuksan sinilip ni jesrill ang nasa loob at unti-unti nyang natinag ang paa ng kaibigan

Nang matanglawan na nya ng buo ang kalooban ng kubeta nakita nya ang kaibigan nyang duguan, putol ang ulo at puno ng itim ang katawan

Napasigaw ito sa sobrang takot at nabalisa
Narinig naman ito ng iba pa nilang kabarkada at napatahimik ang lahat at naramdaman naman agad ng nila ang itim na rebilasyon na nang yari sa Haunted Comfort Room

Dali-dali naman silang nagtungo sa C.R kung saan nanggaling ang malaks na sigaw ni Jesrill

Dumungaw ang lahat at nakita ang Kahindik-hindik na pangyayari na naganap sa kanilang kaibigan

Unti-unting tumulo ang luha ng lahat dahil sa awa na naranasan ng kaibigan nila

" Ow! My Gosh! "..crisza

"Sinong gumawa nito!"....dagdag pa nito

"E-Ewan ko! Pagkabukas ko nalang ng pinto ganito na ang nakita ko dito sa loob!"salaysay ni jesrill habang may tumutulong luha sa kanyang mapungay na mata

"O baka naman ikaw ang gumawa nito sa kaniya dahil sa panggagalaiti mo sa kanya kanina!"...pagtuturo ni John Mark

"Anong ako? John mark wag ka nga dyan magbintang! Oo nagalit ako kanina sa kaniya pero hinding-hindi ko makakayang pumatay ng tao!"...pagtatanggol sa sarili ni jesrill

Alam mo padagdag ka pa dyan john mark eh!
Tumahimik ka nalang kaya dyan sa isang tabi!
baka ikaw naman ang patayin dyan!
Kainin pa yang naguumapaw mong katabaan!....awat ni apolo sa kaibigan

"E di ikaw na ang payat!
Ipa-patay kita dyan eh!"...pabulong naman nito

Alam nyo kung yung pinag-aawayan nyo dyan eh, mag-isip kayo kung paano 'to malalaman ng mga parents nya?...pagputol naman ni jhazel

Oo nga jhazel may punto ka dyan!...lyka

Saan nga ba?...dagdag pa nito

"Mmmmm....bakit naman kasi kakadating palang natin dito may namatay agad? Paano kung kasunod na pala ako, ikaw, tayo? Anong  gagawin natin? Hindi pa ako handang mamatay! may tutuparin pa akong mga pangarap ko at marami pang iba!"...pagsasalaysay naman ni rose-ann

"Duh! Can you just shut-up your big mouth!
Ang OA mo! Sana nga ikaw yung kasunod para mawala ka na!
Papansin"sambit ni crisza sabay erap ng kanyang mata patungo naman sa kanyang cellphone












Haunted House 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon