This is a work of fiction. Names, Places, Events, Characters are either products of the writer's imagination. Any resemblance of some parts are purely coincidental.
-Man of few words
.Umaga nanaman. Kailangan ko nang pumasok.
Kailangan ko nanaman dumaan sa may masikip na kanto. Kung saan ko siya unang nakita noon na mag isa. Ewan ko pero nung una ko siya makita, Alam ko sa sarili ko na gusto ko siyang kaibiganin. Para kasing kailangan niya ng isa. Di niya lang sinasabi talaga.
Andito na ako sa may masikip na kanto. Himala, nakita ko ulit siya. Nakatago nanaman ang gwapong mukha sa itim na jacket na suot niya. Walang halong masamang aura. Maamo pa nga ang kanyang mukha.
Syempre linapitan ko na siya. Baka bukas o makalawa ay di na kami magkita. Pagsisihan ko pa.
"Good Morning po Kuya!" Masiglang bati ko sabay kaway. Pero isang tipid na ngiti ang aking natanggap. Ay?! Nahiya pa siya. Hahahah hayaan na mamayang uwian nalang ulit.
.
Ilang minuto rin akong naglakad papuntang school. Ang unusual dahil kadalasan ay tahimik ang mga tao pero ngayon ay maingay sila. Dalawa lang ang naisip kong pwedeng maging dahilan nun at either may naalis sa banda o may nadagdag. Wala naman kaming inalis ah? So meaning...
"Hoy Asheya Malandi! Gurlllll, may good news aketch." Punyeta naman yang best friend ko. Muntikan pa akong natapilok.
"Hoy ka ring Malanding Joseph! Tsaka ano naman yang good news na yan? May nadagdag sa banda? Parang wala naman akong nabalitaan kina Gab." Si Gab ay isa sa mga kabanda ko. Oo, kasali ako sa banda - lead guitarist.
"Wag mo nga akong tawaging Joseph! Di bagay gurl. Sephanie nga sabi eh! Tsaka oo gurl, may new bandmate kayo! Aye aye." Kinikilig na pahayag ni Joseph na Sephanie daw. Jusko. Sayang talaga to. Gwapo pamandin. Sayang lahi ng mga Tolentino.
"Meron ba talagang bago? Jusko, edi go tayo jan! Hihi, tag landi nanaman ito bhe." Syempre, hindi ako kakaibiganin ni bakla kung hindi niya ako kapareho - malandi. Hihi!
Tawa lang kami ng tawa. As in sobrang saya namin. Yung feeling kasi na ilang taon narin nakalipas ng may bago ulit sa banda. Yung feeling na may lalandiin nanaman kaming dalawa, hays.
Pero natigil rin kami sa kakatawa nung dumating na sina Gab. May meeting daw para sa bago naming bandmate. Humaygahd, my pamily.
"Gurl, kwento mo mamaya kung ano itsura ha? Asdfghjkl kilig mats." Aww, oo nga pala di siya kasali sa banda. Walang talent yan eh. Hahahah. Wawa.
"Oke gurl! Babush na, punta na us." Bineso ko muna siya bago umalis. Grabe naman kasi itong mga kabanda ko. Kailangan talaga may meeting para sa new bandmate. Jusko talaga. Paspecial treatment pa.
Pumunta kami sa sarili naming studio sa school. Sobrang tense na ako dahil ako lang kikiligin saming magkakabanda eh, hahahha. Opo, Ako lang po kasi ang babae. Saya ba? Hindi rin, mga boring yang mga yan eh! Char lang.
Pumasok na kami at ni anino, walang sumalubong samin. Like oh-kay? San na yung bago? Don't tell me isa sa mga imaginary friend ng mga ito? Jusko mga baliw ata kasi. Hays. Jk.
"Eh? Nasan na den yung bago nating kabanda? Pinagloloko niyo ba ako? Nakakahurt ah." Sabi ko, nag act pa ako na nasaktan talaga ako.
Sorry na po kayo sa pinaggagawa ko. Ganito talaga ang isang Asheya. Oo nga pala, nakalimutan kong magpakilala sa inyo.
Asheya Leigh Tomoya nga pala. 16 years old. Half Japanese Half Filipino. Lead Guitarist sa isang sikat na banda na 'Old Theories'. Matalino, talented - sabi ko nga na guitarist ako at kung paminsan minsan ay vocalist, Maganda at mabait rin ako. Well, add the malandi part pero slight lang. Hindi ako masyadong malandi di tulad sa baklang Sephanie na yun no. Yung konting landi lang hahahaha. Ok back to reality.
YOU ARE READING
Taciturn
Teen Fiction"Ano ba yung Taciturn?" Pero ang tanong, sino sakanilang dalawa?