Short Story
Kasalukuyang akong kumakain sa canteen ng paborito kong milk shake at pizza habang gumagawa ng project ko na ipapasa na mamaya nang umupo sa harapan ko ang kaibigan kong kulang nalang ay magtrabaho sa isang mall sa sobrang kapal ng makeup.
"Oh bes, hindi mo parin natatapos 'yan? Ang tagal na kayang pinagawa sa atin 'yan." Sabi niya sabay subo sa pizza ko.
Kapal rin ng mukha nito oh!
"Eh sa ngayon ko lang gusto gawin 'to. Pakealam mo? Tsaka bakit mo kinakain 'yang pizza ko aber?" Sabi ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay ko.
"Ito naman ang damot! Hmmp! Para sa isang kagat lang?" Nagtatampong sabi niya.
"Hay naku, kainin mo na nga lang 'yan. Tsaka may laway na 'yan no!Dami mong satsat." Sabay irap ko sa kanya.
Medyo tumahimik kaya tumingin ako sa kanya at nakita kong nakalagay ang kamay nito sa dibdib niya kung saan nakapwesto ang puso. Napakunot ang nuo ko sa ginawa niya. Ano na naman ba ang drama nito?
"Sa mga sinabi mo sana sinatsat mo nalang ako." Sabi niya na umaarte pang nasasaktan.
Srsly?
"Saksak 'yun bes hindi satsat." Napaface-palm nalang ako tsaka humagalpak siya sa tawa. Baliw rin kasi ang isang 'to!
"Pffft! Ganun ba? Akala ko kasi eh!" Tawa lang siya ng tawa habang ako naman ay napapantastikuhang tumingin sa kaniya.
"Tapos ka na? Nakakhiya kasi 'yang tawa mo." Sabi ko sa kaniya.
Ang dami pa namang tao dito. Mabuti nalang at may pinagkakaabalahan ang mga estudyante at hindi na siya pinansin. Alam ko naman kasing nagpapapansin lang ito sa crush niya.
"Wala man lang bang tawa d'yan? Nakakatawa kaya!" Sabi niya habang nagpupunas ng malilit na luha sa gilid ng mata niya.
"Ewan ko sa'yo. Makaalis na nga!" Sabi ko at niligpit na ang mga gamit ko. Sa bahay ko nalang tatapusin 'to.
"Oh sige mauna na rin ako! May susundo rin kasi sa akin eh. Ingat ka pauwi!" Sabi niya na halatang masaya.
Tumango nalang ako at humalik sa pisngi niya.
***
Nasa waiting shed ako ng school upang mag-abang ng jeep na masasakyan ng may mapansin akong kaluskos sa may halamanan. Medyo kinabahan ako kaya ng may makita akong jeep na paparating ay pinara ko ito at kaagad na sumakay.Naka-upo ako sa may gitnang bahagi ng jeep. Katabi ko ang isang babae at isang lalaki.Puno na ang side namin pero 'yung sa kabilang side ay may kulang pang isa sakto namang tumigil ang jeep at may sumakay na lalaki. Matangkad siya kaya medyo nahirapan siya sa pagpasok.
"Excuse me." Sabi niya.
Omg. Ang manly ng boses niya!
Nang makakita siya ng pwesto ay umupo na siya at sakto namang sa mismong harapan ko siya naka-upo.
Iniangat niya ang kanyang ulo at halos mawalan ako ng hininga ng magtama ang mata namin. Namalik mata siguro ako ng nakita kong medyo nagulat siya at nag-iwas ng tingin.Bakit?
He has that deep brown eyes, pointed nose, thin lips and a perfect jawline. Moreno din siya pero makinis ito.
Nakasuot siya ng fitted t-shirt na mas lalong nagpakita sa mga muscles niya sa braso at khaki pants na halatang galing pa siya sa eskwelahan.Dahil nga gwapo siya at desperada ako,kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at nagkunwaring may ka-text.
Ilang minuto ko rin na hinawakan ang cellphone.
Pinindot ko ang appilcation ng camera at medyo itinutok ito sa kanya. Napansin niya siguro ang pagkaktutok ko sa kaniya ng cellphone kaya tumingin siya sa akin. Nagpanggap parin akong may ka-text at walang pakealam para itago ang paimpit kong ngiti.
Nang mapansin kong hindi na siya nakatingin ay mabilis kong pinindot ang click button na talagang pinagsisihan ko! Tumingin lahat sa akin ang mga pasahero pati na 'yung lalaki ng marinig nila ang shutter sound at flash nito.
Waaah! Ba't ko ba nakalimutan na may FLASH 'to? Ang tanga ko talaga kahit kailan!
Literal na nanlaki ang mata ko sa nangyari kaya tinago ko sa bag ang cellphone ko.
"A-ah... E-eh... Hehehe tinesting ko lang kung gumagana pa ang flashlight ko... Hehehe." Sabi ko sabay peace sign at yumuko sa kahihiyan.
I saw him smirk at parang pinipigilan ang tawa. Narinig ko rin ang mga maliliit na pagtawa ng mga pasahero na nagpadagdag sa kahihiyan ko.
Please! Lupa kainin mo na ako!
Tumingin ako sa bintana habang tinatabunan ng buhok ko ang aking buong mukha. Sigurado akong kasing pula na ng apple 'tong mukha ko!
Medyo malapit na ako sa aking bababaan kaya nagbayad na ako at inayos ang sarili.
Napansin ko rin na medyo naka recover na silang lahat kaya lumapat ang paningin ko sa gwapong lalake at nagulat ako na nakatingin pala siya sa akin tsaka nangingiting umiling.
Nang mababa na ako ay nakahinga ako ng maluwag. Huehue.
Tumingin ako sa aking likuran at laking gulat ko nang makita ko si Mr. Gwapo!
Shitzuuu!
I stay stilled kasi parang huminto ang oras. Parang nag slow motion ang paligid ko ng papalapit siya sa akin habang nakangiti.
Ayan na... Malapit na siya!
Pero kumunot ang nuo ko ng nilagpasan niya lang ako at pumunta sa babaeng nasa likuran ko.
What the?
Linapitan niya ito at hinawakan ang bewang sabay halik sa pisngi.
Bumaba ang balikat ko.
Hay ang assumera ko talaga. Taken na pala eh...
Tatalikod na sana ako ng marinig ko ang bulong niya rito o talaga nga bang bulong itong matatawag.
"Oh bunso, ang ganda niya diba?"
Narinig kong sabi niya at kumindat sa akin.
Huh?
***
Author's note: Kung nagustuhan niyo ang story paki click ng maliit na star sa ibaba. ;) Thank you! :*-KKJ 💋