(Present)
"50th Art Exibition 2016"
"Theme: Same Sky"
"Same sky?"
"Oy Ikki, ano yang tinitingnan mo?" tanong ni Yato.
"Ah, wala, tara na. Male-late pa tayo sa workshop."
Habang naglalakad kami, may nakasalubong akong babae na nakatitig sa akin ng mabuti, na para bang kinikilala niya ako.
"Ah, excuse me, Miss, may problema ba sa mukha ko?" tanong ko.
"Hm? Parang nakita ko na ang mukha mo eh, teka... Saan nga ba?" sabi niya at talagang iniisip niya kung saan niya ako nakita.
"Baka naman nagkakamali lang kayo.. Ahehe." Ano bang problema nitong babae na'to? Nasa mga 30's na siya. Ngayon pa lang naman kami nagkita pero bakit sinabi niyang nakita na niya ako kung saan? Ewan.
"Hmm. Hay. Hindi ko maaalala kung saan. Pero sigurado akong nakita ko na yung lalaki na'yon eh. Hay ewan."
"Weird naman nung babae." sabi ni Haru.
"Tara na, late na tayo diba." pagyayakag ni Yato.
Limang taon na ang nakalipas mula nung huli kong nakausap si Sora. Nasaan na kaya siya? Tss, hindi nga namin alam ang mukha ng isa't-isa kaya paano ko siya mahahanap.
"Sigurado akong mahahanap mo ako, Ikki."
Imposible, imposible yan, Sora. Pero, sana... sana... mangyari ulit yung himalang nangyari noon, gusto kong marinig ulit ang tinig mo, gusto kitang makita. Gustong-gusto.
(Past)
IKKI's POV
I don't know why I love the sky so much that I will really find different ways in taking a photo of it.
Ilang taon na simula noong natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Lumaki kasi akong malayo sa magulang. Ang kapatid ko naman minsan ko lang din makita. Ilang trabaho din ang pinasukan ko para makapag-ipon ako at makabili ng camera.
At ngayon, naglalakbay ako para maghanap ng iba't-ibang lugar kung saan makikita ko ng malawak ang sunset at sunrise. Hindi ko alam, pero pag nakatingin ako sa kalangitan, parang dinadala ako nito sa ibang lugar, at sobra akong namamangha dito. Wala akong pinapalampas na araw na hindi ko nakukuhanan ng picture ang kalangitan.
SORA's POV
Kapag nakatingin ako sa langit twing gabi, pakiramdam ko may nakatingin din sa akin at nakangiti siya. Ang mudo talaga, puno ng mga kahanga-hangang bagay. Mahal na mahal ko ang pagguhit, parte na siya ng buhay ko. Twing hapon, pumupunta ako sa tabi ng tulay malapit sa lake, kasi napakaganda ng view don kapag naglalapit ang araw at mga bundok.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Same Sky (One Shot)
Science FictionIkki Michio (17), a country boy who loves to take pictures of sky. He loves to travel from time to time until he finds the perfect place and view where he can see the sunrise and the sunset and decided to stay in that place. Sora Yasuko (16), a gir...