MAHAL KITA,PAPA ( ONE )

25 1 0
                                    

   Sabado ng umaga. Naglalaro ako ng paborito kong laruan na paper dolls na bigay sakin ni papa nung umuwi sya galing trabaho nya.
Maingat ko iyong pinapalitan ng damit,sapatos at mga burluloy sa katawan.

Maya- maya'y tinawag ako ng panganay kong  kuya na si kuya Leo.

" Maica, bumili ka nmn ng buble gum kila aling Ising " Sabi ni kuya.

" ayoko nga. Ikaw na lng bumili,naglalaro ako eh " ang tanggi ko sa utos ni kuya.

" ibili mo na ako " Sabi ulit ni kuya

Hindi ko sya pinansin. Nagpatuloy lamang ako sa aking paglalaro.Nagbingi-binhihan ako.

" Hindi mo talaga ako susundin ? Pupunitin ko ang mga paper dolls na yan " sabay hablot nya sa akin ng laruan.

" waaaahhh " iyak ko ng malakas .

Dali-dali akong nilapitan ni papa ng marinig nya ang pag iyak ko.
Tiningnan nya si kuya ng masama at tinanong ang dahilan kung bakit ako umiiyak. At dahil takot si kuya kay papa ay umiyak na din ito kung kayat ako na lamang ang tinanong ni papa.
Sinabi ko kay papa na gustong punitin ni kuya ang bigay nyang paper dolls .

" Ikaw Leo ah,palagi mo na lng pinapaiyak ang prinsesa ko. Hala sige, kunin mo ang iyang mga teks at susunugin ko ! " bulyaw ni papa kay kuya .

Sinunod ni kuya si papa dahil sa takot na mapalo nito.

Tatlo kaming magkakapatid. Si kuya Leo ang panganay. Si Zandro at Ako.
Nag iisa lamang akong babae at bunso pa kung kaya't ako ang paborito ni papa samin magkakapatid.

Si mama ay nagbebenta ng mga karne sa palengke. Pag tuwing araw ay nasa palengke siya at hapon na kung umuwi sa bahay. Si papa nmn ay paiba-iba ng trabaho. Minsan kargador,karpentero,nagtitinda ng mga anito,vase at kung anu-ano pa.
Madalas ay si papa ang kasama ko.
Daddys girl nga ako kung tawagin ng mga kamag-anak namin.

Mahal na mahal ko ang papa ko.
Sabi ng tiyahin ko,ako daw ang nagpabago kay papa. Nung isinilang daw ako ni mama naging masipag na ito.Siya pa ang nagbigay ng pangalan sa akin na MAICA . Pangalan daw iyon ng yumao niyang tyahin na nagpalaki sa kanya .


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MAHAL KITA, PAPAWhere stories live. Discover now