Nasabi mo na ba sa taong mahalaga sayo kung gaano mo siya kamahal ? Puwes kung hindi pa, sabihin mo na hangga't maaga pa. Hangga't nabubuhay pa siya. Wag mong hayaang mawala muna siya sa daigdig bago mo masabi ang pagmamahal mo sa kanya. Hindi lahat ng bagay ay permanente. Hindi lahat ng tao ay nananatili. Minsan kasi kailangan muna nating mawalan o masaktan bago natin marealize kung gaano sila kahalaga sa atin. Saka na natin nalalaman pag huli na ang lahat,pag wala na sila. Hanggang kailan tayo magiging manhid ? Hanggang kailan tayo magiging mapride ? Kailan mo sasabihin sa kanya ang katagang MAHAL KITA, PAPA ?