Chapter 5

1 0 0
                                    

Third person's POV

Dumating ang umaga at masayang naglakad si Gayle  patungo sa opisina ni Anxhie habang dala dala na naman ang supot ng pagkain na paborito ng kanyang kaibigan, Alam kasi nito na Hindi ito umuwi sa bahay nila kagabi...

Pagkarating niya sa tapat ng Opisina ni Anne ay nakita niya ang bigbike nito..
Ibig sabihin na Hindi ito umalis.

Kumatok muna si Gayle sa pinto bago niya binuksan ang pinto..

"Anne?? Anne??...Gising kana ba??" Tawag niya Kay Anxhie sa pagaakalang andito ito sa loob..

""Bat ang tahimik ata dito??"" Tanong niya sa sarili..

Umakyat siya sa taas upang tingnan kung nandoon ba ang hinahanap niya..
Ngunit wala siyang nakikitang babaeng nakaupo sa sofa tuwing umaga habang nilalaro ang kapangyarihan niya.

Tinungo niya ang kwarto baka sakaling tulog pa ito..
Ngunit wala parin doon ang hinahanap niya.

""Bakit parang wala ata siya..sa ganitong oras Gising na yun eh..baka naman naglakad lakad sa labas??...pero tinatamad yun maglakad tuwing umaga...saan naman kaya yun nagpunta...binilhan ko pa naman yun ng paborito niya..."" Sabi niya sa kanyang sarili habang nakaupo sa sofa..

Naghintay pa siya ng ilang minuto baka bumalik si Anxhie...
Ngunit pagkaraan ng 10 mins. Ay wala parin ang hinihintay niya...

""Haiissttt... Ilang ulit na akong natalo sa larong ito di parin dumadating so Anne.  "" sabi ni Gayle sa sarili Sabay tago ng cellphone niya sa bulsa..

""Makaalis na nga lang...baka kinuha siya ng parents niya dito at inuwi sa kanila...pupuntahan ko nalang siya sa kanila.. "" sabi niya Sabay tayo at umalis sa office ni Anne....

----------------------------

Anxhie POV

Nagising ako sa sinag ng araw...
Arayy ko po..
Ang sakit ng ulo ko...

Idinilat ko ang mata ko,
Ouch...
Ang sakit sa mata ang liwanag...

""Gising na siya.. Vox , Gising na siya.""
Isang Bose's ang narinig ko...

Tumayo ako mula sa pagkakahiga habang himas himas ang ulo Kong sumasakit parin...

Pagdilat ng mata ko... Isang bunny ang nakita ko..

""Hello. ^_^."

""Waaaaahhhhhhhhhhh....Gayyllleeeeeee.. .waaahhhh..  Sino ka?? Ano ka?? Bat nakakapagsalita ka??..""
Laking gulat ko nang bigla itong nagsalita...
Kaloka... Nakakatakot..

""Wag kang matakot sakin... Cute naman ako ah.."" Sabi niya uli..
Dali dali akong nagtago sa dulo..
Kainin pa ako niyan eh..
Cute nga, pero nakakatakot parin..

Saan ka naman ba kasi makakakita ng isang bunny na nagsasalita...

""Vu, Gising na siya?? Nasaan siya??""
Isang lalaki ang biglang pumasok... Oo nga pala, andito ako sa bahay ng munting bunny na ito. ..ang ganda nga dito sa loob eh..napaka naturalistic...wala man lang semento... Lahat gawa sa bulaklak at mga kahoy..

Ang hitsura ng lalaki ay katulad lang ng tao. .ang kaibahan lang ay may matulis na tenga..
Kulay emerald ang mata niya..
At ang kasuotan niya ay..

Ay bulaklak ang kulay...ay Hindi...
Gawa siya sa bulaklak..
Gaano ba kalaki bulaklak dito at nakagawa siya ng damit na bulaklak...at impyernes, parang di nalalanta..

Lumipad ang lalaki palapit sakin....
Wow, ano yun?? Side effect ??..
Galing..

Nagulat nalang ako nang bigla niyang sinuri ang damit  ko..
Pati mga bracelets, at necklace ko.. Pati narin ang jacket at pajamas ko...

""Ang ganda... Saan gawa to??""tanong niya habang sunusuri niya parin ang suot ko.

""Sa tela..""sagot ko.

""Tela?? Ano yun??"" Tanong niya Sabay hatak sakin patayo..
At paikot ikot siya habang patuloy parin akong sinusuri..

Sasapakin ko na talaga to eh..

""Saan kaba galing?"" Tanong niya..

""Sa manila.."" Sagot ko..

""Manila?? Ngayon ko palang yun narinig.."" Sabi niya..

"" *gasp* manila??...isang iyong lugar ng mga tao.. Lugar ng mga mortal"" Sabi ning bunny habang binabasa ang notebook na hawak niya.. At nakasuot pa ng glasses..parang Harry potter ang dating niya...
Isang notebook na dahon ang hawak niya.

""Tao??..isa kang mortal??"" Sabi nung lalaki habang lumalaki ang mata..

Napangiti nalang ako kasi naalala ko si Gayle..

""Waaahhhh VU isa siyang mortal...waahhh..."" Sigaw ning lalaki habang palipad lipad sa ere...kung saan saan pa siya nababangga..parang sira...

"Vox, walang tao ang nakakapasok sa mundo natin..kung tayo nakakapasok sa kanila pero sila Hindi sila makakapasok saatin....siguradong di siya tao..
At tignan mo ang anyo niya...
Katulad na katulad mo..""

Huminto naman sa paglipad Yung lalaki..at dali daling lumapit sakin..

""Oo nga noh...ang talino mo VU.katulad nga natin siya.""Sabay lipad niya palapit sa bunny at niyakap ito..

Naguluhan naman ako sa sinabi niya...
Katulad ako nila? Bakit?? Di naba ako mukhang tao??

Naglakad ako at naghanap ng salamin..
Nagtaka naman silang dalawa dahil halos halughugin ko na ang buong bahay nila kakahanap ng salamin..

And at last nakita ko rin...

-_-??
o.o
O.O ??

*gasp* WHAT HAPPEN??
NO WAY!!!!

"The Unreal World"Where stories live. Discover now