Changsub POV
Hindi ako makapaniwala na kwarto ng isang babae ang pinasok namin. Kahit ata lalake hindi ito ang kwarto! Anong klaseng tao ang magkwakwarto ng ganito!
Katulad lang naman ang kwarto na to sa lahat ng kwarto na nasa bahay na. Malaki at malawak, may isang napakalaking bed at lahat ng pangangailangan mo nasa loob. Pagkakaiba ng kwarto niya sa mga kwarto namin?
Hindi puro itim ang wallpaper.
Hindi punit punit ang mga kurtina.
Walang maliit na kama para lang sa mga ahas.
Walang mga organs and biles na nakalagay sa lamesa, drawer at cabinet.
At higit sa lahat ...
HINDI NAKAKATAKOT ANG KWARTO NAMIN!!
"What the heck is this SHIZZ!" Sumigaw na si Eunkwang hyung. Siya ang pinaka madaling matakot sa grupo namin kahit na siya ang pinakamatanda. Hinding-hindi nakakabuti ang kwarto na to para kay Eunkwang-hyung.
Hindi na din nakapagsalita yung iba. In state of shock ba? Pwede na din ata makonsider na ganun. Nawala pa nga antok ko dahil sa takot sa kwarto na to.
"Oh, these are just all of the things I collect. My aunt buys me these things." Sadyang ganito ba talaga to ka-weird at masaya pa niyang binabalita na binibilhan siya ng mga ito!?
"IS THAT A BRAIN!?" Pasigaw ng konti na tanong ni Sungjae. Lumaki din ng konti mga mata ko ng makita ko yung sinasabi niya. Tunay ba yan!? At may puso din na katabi ... wait bakit parang tumibok yun!
"Psh. Chill. Those aren't real organs. Mahal kaya ang mga yun..." Lumapit si Eclair -- oo naalala ko ang pangalan niya -- sa isa sa mga vodoo dolls sa gilid at tumawa ng mag-isa. Alam niyo inuugali niya ay parang isang batang babae na namiss ang mga laruan niyang Barbie dolls.
Kaso halata na hindi si Barbie ang pinaglalaruan niya nung bata pa siya.
Napahinga naman kami ng malalim ng malaman namin yun. At least fake sila diba? Mas creepy kung tunay na mga organs ang nandyan and MAS creepy since sure ako she sleeps in this room.
"Frère .." Kinalabit niya si Hyunsik-ssi. Tiningnan naman siya ni Hyunsik.
"What?"
"Frère means brother in French right?" Sabi naman ni Ilhoon. Nag nod si Eclair sakanya.
"Why? Weird ba pakinggan?" Kinakalikot naman niya yung mga nasa drawer niya. Nakita ko may mga video games na nakatago sa drawer na yun.
"Konti lang." Sagot naman ni Minhyuk.
"Sige na nga. Ano nga yung tawag sainyo sa Korea? Oppa? Oppa ba yun o Hyung? Psh. Ako na lang bahala sa pangalan niyo. Oi Line Eyes!"
Line eyes!? Ang weird ng nickname na yun. And sino ba minimean niya samin? Lahat ata kami dito singkit -_-
"Aish, you!," Turo niya si Hyunsik. "You are Line Eyes." Hinawakan niya yung gilid na nasa may mata niya at ginaya ang mga mata ni Hyunsik.
Ano bang nakain nito/sumanib dito at biglang naging isip bata?
"Ugh, tulungan mo na lang nga kasi ako Line Eyes. Ito pakidala dun."
Hindi naman din tumanggi si Hyunsik. Kami naman, nag try din na tumulong sa utos ng babaeng to. And lahat kami may nickname sakanya.
"Eye bags! Hindi yan diyan! Doon yan sa may window!" Opo, ako ang tinatawag niyang eye bags. Kay galang na bata.
"Oy Pa Cute! Lampaso! At Awkward, ang bagal niyo naman." Sina Minhyuk, Sungjae at Peniel naman yun. Kami palang ata nina Hyunsik, at Eunkwang hyung ang may permanente na nickname.
"Aish, utos ng utos." Bulong ni Eunkwang-hyyung.
"Reklamo mo Ahjussi?"
"Diba sabi ko na hindi pa ako ganun katanda!"
Aish, nagaaway na naman sila. "Psh, reklamo ng reklamo padala na lang nga nito sa cabinet ko Ahjussi."
Padabog na pumunta si Eunkwang-hyung sa isa sa mga cabinet na nasa kwarto niya. Padabog niya din binuksan yung cabinet.
"ANO NA NAMAN TO!?" Napatingin kami kay Hyung at tinuturo niya yung loob ng cabinet.
"Oi oi, Eclair, tunay ba to!?" Tanong ko sakanya.
Isang human skeleton ang nakita namin sa loob ng cabinet. Hindi kami lahat kumibo at si Eunkwang-hyung mlapit na mag mental breakdown.
"Of course not. Wala man tunay na kahit ano akong exhibit." Sagot niya galing sa labas.
Napahinga naman kami ng malalim. Kumalma din si Hyung. Peke pala. Thank god. Naisipan naman ni Minhyuk-hyung na tripan yung skeleton at ipinaakbay kay Eunkwang hyung. Todo picture naman si Sungjae sakanila at kami tumatawa. Masakit na nga tiyan ko eh.
"Pero yung skeleton sa closet tunay yun. Nakuha yun ni tita sa isang pa close ng hospital. Bakit niyo natanong? Oh! Nakita niyo na pala si Edmund!"
.
.
.
.
.
.
.
.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"
Andddddd ayun ... nahimatay si Eunkwang-hyung.
"Anong nangyari sakanya?" Kinuha naman niya si Edmund at pinagalaw niya, na para bang nag hi saamin.
Weirdest. Girl. EVER!
--
Hahah yey! Finally naka ud na din. Sorry po kung natagalan and sa mga magtatanong opo inspired siya ng YAMATO NADESHIKO pero hindi po pareho, promise you iba po to XD
Anyways, thanks for reading.
BINABASA MO ANG
Like A Crystal [BtoB Fanfiction]
Fanfiction❝ Filipino❞ 7 idol boys + 1 weird girl = a whole lot of trouble "Simple lang naman ang papagawin ko sainyo ... tulungan niyong maging more natural ang pamangkin ko. Tulungan niyo siyang maging sociable, approachable at higit sa lahat make her shine...