"Ayoko na!!!!!!!" Sigaw ni September, ang aking butihing ina, habang umiikot ikot sa harapan ng salamin.
"Ano na namang kalokohang naisip mo, S? Dios mio! Kaninang ginising ka namin halos ayaw mong bumangon. Kailangan ka pang buhusan ng tubig ni Sandy para gumising." Untag ng kaibigan ni Mama na si Tita Jugee.
"Nag-aadik na ako." Sagot ni Mama
"Aba, bakla! Baka lang nakakalimutan mo, kasal mo ngayon. At baka din lang gusto mong alalahanin na 10 AM ang kasal mo, 10:30 na. Aba! Sabihin mo lang kong ayaw mo nang makasal at nang masabihan na sila doon. Kung mapag-isip-isip mo namang bet mo pa rin mai-tali ang gwapong ama ng mga anak mo, aba! Dalian mo lang, Beb. Baka pagdating natin doon patay na mapapangasawa mo dahil sa kaba!" Dire-diretsong sabi ng aking Ninang Ganda na si Sandy.
Si mama ay nanatiling tuliro at hindi mapakali.
"Hoy! Ano ka ba!!!!!!!" Sigaw ng aking ninang Sandy
Nagulantang kaming lahat ng bigla na lamang dumaing ng sakit ang aking mahal na ina. 6th month pa lamang ang kapatid ko sa kanyang sinapupunan.
"Aray! Aray!" Daing ni mama habang nakakapit sa umbok ng tiyan.
"Womily? Okay ka lang po ba?" Puno ng pag aalala kong tanong sa kanya
Bakas pa rin sa magandang mukha ni Mama ang sakit na nararamdaman.
"S? S? Boo???" Narinig naming tawag ng aking ama mula sa pintuan.
Pinagbuksan siya ni Ninang Sandy habang ako naman ay makapit sa aking ina.
Napatakbo agad ang aking Amang si August nang makita ang kalagayan ng aking ina.
"Boo? Anong masakit?!" Puno ng pag aalala ang tono niya
"Okay na ko. Naglikot-likot lang si Baby." Sagot ni Mama. Nakahinga ako ng maluwag.
"Pink palaka naman, Beb!! Papatayin mo ako nito agad! Hay naku! Pagsabihan mo nga iyang aasawahin mo. Sigurado ka na ba diyan? Naku!" Kabadong biro ni Ninang Sandy
"Pero anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Tita Jugee kay Papa
"Kanina pa kinakabahan iyan na baka tinakbuhan daw kaya napasugod dito." Sagot ni Tito David, ang aking gwapong tito.
"Paano ba naman kasi ang lakas mag-inarte niyang si S. Akalain mo pati agahan gusto niya ipagluto kami eh hirap na hirap na nga siyang kumilos. Pinagbigyan namin magluto, Dios ko! Umiyak! Nakakaloka!" Pagrereklamo ni Ninang Sandy
"Kasi sabi ko naman kay Gus ayaw ko pang makasal kasi nga hindi ko mapi-feel ang moment ko. Minsan lang ako ikakasal. Kita mo naman ang laki ng tiyan ko. Ang pangit pangit ko!" Reklamo ni Mama
"Ssssssh. Hey. Who told you minsam ka lang ikakasal? I'll marry you again and again and again. I just can't wait for you to bear my surname. But if you are really not happy getting married today, let's cancel. I can wait, Boo." Masuyong sambit ng aking ama.
"Really?" Pangungulit ng mama ko.
"Yes. All for you, Boo."
"I love you."
"I love you more, Boo - eternally."
"Okay. I'm ready. Let's get married."
"Anak ka talaga ng baliw na baka, beb!!!!!!!! Ang toyo ay magreretire ng wala sa oras dahil sa'yo!" Puno talaga ng kalokohan minsan ang aking magandang ninang na si Sandy.
"Bakit ba! Buntis ako! Kasal ko to! Bida ako dito!" Balik ng aking Mama.
"Pag ako ang kinasal at magbuntis babawian kita!"
"Bakit? May ganon ba? Di ba basted ka?" pang aasar ni Mama
"Maghanap ka ng ibang Maid of Honor mo! Mauuna na akong magretire sa toyo!" Balik ni Ninang Sandy.
"Tama na nga kayong dalawa. Tayo na." Harang ni Tita Jugee
Laging ganoon ang aking mama at ninang Sandy. Lagi ring si Tita Jugee ang referee. Nasanay na ako. Ganon lamang sila maglambingan.
Pagdating namin sa simbahan ay naging aligaga ang lahat. Lahat maliban sa aking mga magulang.
Magsisimula na ang seremonyas ay magkayakap pa rin silang dalawa at tila walang pakialam sa mundo.
Sabi ko sa sarili ko, pagdating ng tamang panahon, magmamahal din ako ng gaya sa kanila. And when that day comes, I'll see to it I'll keep her safe and loved. Like how my dad loved and cared for my mom.
"Hoy!!!!!! Ang tagal niyo namang dumating! Nanlalagkit na ako sa init. With this gown." Cute na cute na pagrereklamo ni Alicia sa akin.
Alicia is my best friend. She was my protector back then noong may mga bumubully sa akin. But I promise, from this time on, I will be the one to protect her.
"Si Mama kasi medyo may konting drama pero okay naman na." Sagot ko habang nakatingin pa rin sa mala-prinsesang mukha ni Alicia
She's my bestfriend. We are still so young. But I know deep down my heart that she's the one I wanted to protect - at the right time.
Nagsimula ang seremonyas. Napakaganda ng aking ina. Wala namang kasing gwapo ang aking ama.
Nang magpalitan ng vows ang aking mga magulang ay marami ang naiyak.
"Your family is so beautiful, Austine. Gusto ko paglaki ko, ikasal din ako sa isang lalake na kagaya ng dad mo." Sabi ni Alicia.
"Gaya ng dad ko? Bakit?"
"Kasi he looked like - yong parang mahal na mahal niya ang mama mo. Gusto ko pag ako kinasal mahal na mahal din ako ng mapapangasawa ko."
I just looked at her dreamy face. She looks really like a princess at that instant. And then there, at such a very young age, I know ----
"When we grow up, Alicia - " tumingin siya sa akin. "I promise to marry you. And like how my dad cared for and loved my mom, I will also care for and love you."
Bata pa ako at napaka-inosente. Pero bigla na lamang iyon lumabas sa akin. Not really as a serious promise, but as a declaration of friendship. Casual and platonic.
"Promise mo iyan ah?"
"Oo naman!" Tsaka kami sabay nag-apir.
"Sige! Paglaki natin tayo ikakasal din tayo ng parang ganito?"
"Yes! I promise to marry you when we grow up!"
Our conversation is plain and innocent.
"Promise?" Alicia, with all smile, asked me. Itinaas niya pa ang kanyang pinky finger curving it and waiting for me to close the pact.
"Promised." And then I made my pinky finger intertwine with hers.
BINABASA MO ANG
When Faith LOST Trust In Love
RomanceLove Karma Series Book Four Promises are broken not because they are meant to be broken. Promises are broken to give way for better promises. Austine Bryant Elizalde-Xavier, a man full of love and a big heart for family, love and commitment. Alicia...