Chapter 6

2.6K 69 3
                                    

Den's POV

"so besh,kamusta naman ang pagsunod mo kay aly kahapon?napagod ka ba?Ganda ng ngiti natin eh" sabi ni ella at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.

"ang dumi talaga ng utak mo els.Mas marumi pa sa library.Syempre tinulungan ko sya maglinis kaya pagod kami." sagot ko naman.Ako nga.Ako ang sumunod kay alyssa kahapon.Sinundan ko sya kasi alam kong mahirap ang ipagagawa sa kanya ni Ms.De Vera kaya tinulungan ko sya.Nung una nga nagsusungit pa ang isa.

Flashback

"Anong ginagawa mo rito?" tanong nya sa kin.

"edi syempre tutulungan kang maglinis." agad kong binaba ang bag ko at kinuha ang mop.

"Den.you dont need to help me,mapapagod kalang,beside its my fault.Kaya you can go home."
sabi nya,Aba choosy pa to?Sya na nga ang tutulungan.Tinaasan ko naman sya ng kilay.At napalunok naman sya.Ganyan nga Valdez matakot ka.

"wala akong pakielam Valdez.Gusto kitang tulungan at wala kang magagawa don." sabi ko habang nakapamewang sa harapan nya.

"Pero den-" pipigilan nya pa sana ako pero syempre di ako papayag.

"Valdez.Maglinis na tayo.Anong oras na." sabi ko at hinagis sa kanya ang basahan.Nasalo nya naman ito.

"Okay.Pero magagaan lang na trabaho sayo.Hindi yang pagmamop.Mangangalay ka dyan." sabi nya sabay agaw sakin ng mop at ipinalit dito ang basahang inihagis ko kani kanina lamang.

Nag-umpisa kami sa mga bookshelves,pinunasan ko ang mga libro.Sya naman ang nagsalansan at nagbuhat nito.Hanggang sa matapos na kami.Pagod na pagod ako.

"sabi ko naman kasi sayo eh.Napakakulit talaga." sabi nya at marahang pinisil ang ilong ko.

"Atleast natapos mo to within a day lang.At bonus kasama mo pa ako." panloloko ko naman sa kanya.

"Sus.pahirap ka nga lang eh." pagbibiro naman nito.

Kaya naman pinaghahampas ko sya.pilit nya namang sinasalag ang mga palo ko.Hanggang sa mahawakan nya ang dalawang kamay ko na ang resulta ay nakabackhug sya sakin.

"Kapal mo!tinulungan ka na nga eh." sabi ko naman.

"Thankyou Den." sabi nya sakin.Nagkatitigan kami.Unti unti nyang nilapit ang mukha nya sakit.Napapikit na lamang ako at hinahantay ko nalang dumampi ang labi nya sa labi ko.

tsup!

kiniss nya ako sa noo.

end of flashback

"hoy!ngiti pa.mukha nakong tanga dito,kinakausap kita di mo naman ako sinasagot tas nakangiti kalang dyan?Ganyan na ba kalakas tama mo kay valdez?" panloloko naman ni ella.

"Ells kiniss nya ako kahapon." kinikilig kong sabi.

"whaaaaat?OMG!besh?Talaga?Ano?how does it feel?Masarap ba?may spark?Good kisser ba sya?Ano besh!" inaalog alog na nya ako.

"wait!teka lang.Anong masarap ba pinagsasabi mo?" takang tanong ko naman sa kanya.

"Yung ano 😚" sabi ni ella at ngumuso pa.

"Anong 😚?" binatukan nya naman ako.

"Aray!ano ba naman yan els?"

"Gaga ka kasi syempre yung halik.Ayun lang naman topic natin ngayon ah?"

"Gaga ka rin.Hindi naman kasi nya ako sa lips kiniss.Sa noo besh.Forehead besh.Although sayang kasi hindi sa lips pero kuntento nako don" sabi ko at kinilig pa ng sobra.

"so?how does it feel?may spark ba?" excited na tanong ni ella.

"besh.grabe!pwede nang magkaroon ng ilaw ang buong baranggay sa tindi ng sparks." sabi ko at hinampas hampas pa si ella.Sadist girl here.Hahahaha

"aray!grabe paano pa kaya pag sa lips na?fireworks na siguro?" namula naman ako bigla.May naaalala ako.

"huy!besh!dont tell me nakiss ka na nya sa lips?"

"what?ells?!may sinabi ako?!" pagdedeny ko naman.

"Hoy babaita,wag na wag mokong paglilihiman.Ano nga?!" ang pilit naman kasi kaya napatango nalang ako.Bigla naman sumigaw si ells.

"Gosh!den kiniss ka sa lips ni vmhmmm"agad kong pinasukan ng tissue ang bibig nya.

Hindi alam ng dalawa na may nakarinig sa sinabi ni ella kaya agad agad itong tumakbo palayo.

"pwe!kadiri ka dennise!" - ella

"ikaw kasi.napakaingay mo.Maiissue ako sayo eh." - Dennise

"so ano nga?paano nangyari?" - ella

"remember nung hinatid nya ko pauwi last last day?" - Dennise

Yes.Gising ako nun.nagpretend lang ako na tulog kasi gusto kong matulog habang yakap sya.Nagulat ako ng kiniss nya ako,kaso nagsorry sya.Di ko naman alam kung bakit,pero okay lang na ganun,nakuha na nya yung first kiss ko.Si Alyssa ko naman eh.Kaya okay lang.Yeah.ALYSSA KO lang.AKIN LANG.

"omygooood!"- Ella

"hep!sisigaw ka na naman! - Dennise

"Tatahimik na nga oh?Nagkiss kayo?saan?"- ella

"Sa kotse nya." sabi ko tas kwinento ko ang nangyari.

"Iba talaga damoves mo Lazaro no?Eh paano naman si antonio?" tanong nya pa.

"Ewan ko,ayaw ko naman sa kanya.Napilitan lang ako kasi ayaw ko syang mapahiya sa mga kaklase natin.Kakausapin ko nalang sya.Tsaka mahal na mahal ko si alyssa.Sya lang ang gusto ko." - Dennise

"Ang landi?Iba ka rin eh.Tahimik kunwari pero may tinatagong kalandian sa loob." - Ella

"Kay Valdez lang naman ako lumalandi eh." sabay kindat ko pa sa kanya.

"Si Valdez rin naman eh, kay Laura lang lumalandi eh.Hahahahahha" - ella

"Shut up.What dennise want.Dennise gets,kaya hindi ako papayag na makuha ni Laura si alyssa ko.Magkamatayan na.Tsaka mas maganda ako dun noh?" - Dennise

"Ako parin besh.Ako parin ang namumukodtangi sa lahat."- Ella

"Namumukod tanging matakaw,ikain mo nalang yan" - Sabi ko at ibinigaysa kanya ang isa pang footlong.

"Awww iloveyou besh."

"Takaw talaga.Ubusin mo na yan at late na tayo"

-------------------------------------------------------------

An: Enjoy reading guys.Pwede rin kayong magsuggest.Loveyou all 😘

That Should Be Me Where stories live. Discover now