Kabaklaan 2

37 0 0
                                    

Dave on the multimedia

-------------------------------------------------------------

(at the Micheal's Event)

"MICCCHEEALLL!! FFFRRRIIEENNDD!!" sigaw ni Luke. Grabe talaga itong isang ito jusko po.

"Hoy Luke! tumahimik ka nga. Formal event to ni Micheal. Umayos ka nga." sermon ni Marco.

Nagpout si Luke at naglakad na kami. Mukha siyang aso sa itsura ngayon. hahaha. Nakatikim na naman kasi ng sermon kay Marco. hahaha

"Friends! musta na?" bungad samin kaagad ni Micheal.

"Ito maayos naman kami ewan ko lng sa isa dyan." sabay tingin kay Luke. Nakapout parin ang loka oh. hahaha

"Oh!Luke anung nangyari sayo? Iniwan ka na naman ba ng bf mo ha?" tanong naman ni Micheal sa kanya.

"Naku naman kasi Micheal. Sumigaw ba naman pagpasok namin ng pintuan. Nakakahiya. Pinagtingan tuloy kami ng mga tao sa event. Haist!" iritang sabi naman ni Marco.

"Sorry naman friend! Namiss lang naman kita eh. Tagal mo rin nawala noh." malungkot na sabi ni Luke.

Tumawa naman ng mahina si Micheal. "Hayaan mo na Marco. Namiss lang pla ako eh. Sa bagay, 3 years rin ako nawala at lumagi sa London para sa Fashion dun." sabi naman ni Micheal.

"Oo nga eh. Kamusta ka na ba Micheal? Sabi nila nag open ka raw ng Clothing line sa London ah?" tanong ko naman. 

"Oo nga eh. Kaso hindi pa siya open. Naghahanap pa ako ng magmamanage sa shop. Lagi kasi akong wala eh." sabi naman ni Micheal.

"Wow friend ha! Ikaw na talaga umaasenso ka na ha!" sabi naman ni Luke.

"Oh teka! Since all of you are here na, Let's start the event na." sabay ngiti ni Micheal samin at umakyat sa Stage.

"Grave no, hindi ko akalain na aasenso ng bongga si Micheal." sabi naman ni Marco samin.

Si Micheal kasi dati extra extra lang sa modelling ng iba't ibang lugar. Dahil sa gandang lalaki ni Micheal eh pinag aagawan siya ng mga company para gawin model at ginamit ni Micheal ang  pagkakataon ito na umasenso. Nag ipon ng pera para sa sarili niya. Sumasali rin siya sa ibat ibang Pageant at laging siyang nananalo.

Wala na kasing pamilya si Micheal. Namatay ang mga magulang niya dahil sa isang sunog. Naapula ang apoy pero si Micheal at ang knyang dalawang kapatid ang natira. Si Kyle at Meldy. Sinuportahan niya ang mga ito hanggang sa makatapos ng kolehiyo. Ganun niya kamahal ang kayang kapatid kahit halos sumuko na ang katawan niya sa pagod. Trabaho dito, trabaho dun. Halos gawin na ni Micheal na umaga ang gabi niya kumita lang ng pera. 

Meldy is a Lawyer and Kyle is a Seaman. Hindi namin lubos maisip na ganito ang mangyayari sa buhay nila. We are the one's saw the success of Micheal. Totoo nga na pag may tiyaga, may nilaga. Ang lahat nag may kapalit na maganda. Just like the Story of Micheal. 

"Good Afternoon Ladies and Gentlemen. Tonight you will see all the design that I make. To give you a overview. This is all my inspirational design that was formulate by my imaginary mind. Each of my design will inspire each one that everybody can have there dreams come true. Despite of any changes and trials that we have face, we can be strong. We can be good person that can overcome anything in our lives. Before i formally start this event, i want to thank for all of you coming here and also my dearest friends Marco, Dave, and Luke" sabay tayo naman namin. Hay! May spotlight pa! "You my friends are one of my inspiration that why im here. You are always there for me. Anytime, Everywhere. You guys are not just only my friends but also my family." naflattered naman ako sa sinabi ni Micheal. Nakakaiyak. "Let's start the Show that was entitle, Dreams." sabay palakpalakan ang mga tao sa event.

Biglang lumabas isa isa ang mga models at suot nila ang damit sa design ni Micheal. Oo, isa itong Fashion Show. Sobrang ganda ng mga damit nila. Halata mong pinag isipan ni Micheal ang bawat detalye ng kanyang mga damit.

"Friend, Gusto ko ang design na yun. Pag sinabi ko ba kay Micheal, papahiramin kaya niya ako ng damit na yun? hihi!" sabay tawa ng mahina ni Luke.

"Mahiya ka nga Luke, grabe siya. gagamitin mo lang yan para sa kalandian mo eh. Alam ko na ang estilo mo Luke." sabi naman ni Marco.

Tinignan ko nmn ang design. Isa siyang Red coat na mahaba with matching blue na polo na nakatuck in from a navy blue jeans

"Gusto ko ang design na yan." seryosong sabi ni Marco.

"Yung design o ung lalaki? Hahaha" sabay tawa naman ni Luke.

"Manahimik ka o sasampalin kita?" sabay tingin ng masama kay Luke. 

Tignan ko naman ang design na sinasabi ni Marco. Isa siyang formal Attire na panlalaki. Sky blue ang kulay ng pantaas at panbabang damit. sa may leftside naman ng coat eh meron Rainbow linings. Maganda siya kung tutuusin lalo na kung si Marco ang magsusuot. Maganda rin kasi ang pangangatawan ni Marco.

"Grabe ay sobrang seryoso mo diyan Friend ah? May Type ka ba sa mga model? hihi!" sabi naman ni Luke sakin.

"Luke ang bunganga mo talga. Jusko po." sabay iling nalang ni Marco.

"Wala. Sobrang ganda lang mga design ni Micheal. Kung tititgnan mo, simple lang siyang lahat pero lahat meaningful." sabi ko naman sa kanila.

"Oo nga. Base palang sa Title ng Event,  Dreams. Sa pagkakaalam ko sinadya talaga ni Micheal na ganyan ang mga designs niya kasi gusto niya sabihin sa lahat ng paghihirap na nangyari sa kanya buhay. Simplicity is beauty sabi ni Micheal. We have to be contented first of what we have and dreams endlessly. This will serves as your foundation." pagpapaliwanag naman ni Marco samin.

Kaya pala halos ganyan ang design ni Micheal. He shows the hard times that he have to struggle before reaching his dreams. Simple but meaningful.

Natapos ang event ni Micheal, with his walk. Umakyat naman kmi sa stage and give him a flower. Sign of success that he have right now.

Ganun pala ang buhay. We don't know kung kailangan tayo aasenso. Hindi natin alam kung anu ang kapalaran ang meron sa bawat isa satin. Pero ang masarap langhapin ng tagumpay bunga nga iyong pinaghirapan.

-------------------------------------------------------

Comment lng po kung maganda ang story..

Sana po may napulot kayong araw.

Ang buhay ng isang BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon