It's been weeks since hindi kami nag pansinan.
Every class days ay nagkikita kami. Kasama pa nga niya yung mga kaibigan ko. Yun nga... Hindi na ako sumasama sa kanila dahil gusto ko ng umiwas sa kanya. As far as I can remember... Nov. 12 kami last nag-usap,text or chat. Pero ano ba tong nararamdaman ko? Lumalayo na nga ako sa kanya pero nasa kanya pa rin ang atensyon ng puso ko. Nakakamiss na siya. Yung mga moments na nagkukulitan kami.... Yung mga moments na palagi kami nag tetext, chat at nag-uusap.
Tama nga yung sinabi ng kaibigan ko.
"The more you stay away, the more you will fall and miss that girl."
Para siyang mahirap na subject sa school. Mas lalong BUMABAGSAK ako sa kanya.
Di ako makapaniwala nga ehh. Marami akong mga problema... Ang ginagawa ko lang ay magdasal. Magdasal sa Diyos na sana masusulbad ko tong mga problema ko. Di ko rin napansin na kasama siya sa mga panalangin ko. wow! Ano na ba tong nangyayari saken? Parang ang hindi na ako. Nagbago na daw ako eh, yan ang sabi nila. Masaya din ang mga katropa ko dahil nagbago ako galing sa masama patungo sa mabuti.
Gusto ko siyang kausapin. Pero parang galit siya sa akin ehh... Kaya wag na lang. Mananatili nlng akong ganito. Ok na sa akin makita ko siya eh.. Kompletong-kompleto yung araw ko pag nakita ko siya. ehhh teka... Diba sinabi ko na maglelet-go na ako? Sa totoo lang, hindi ko pala kaya yun. Akalain mo? Alam na alam ko na wala akong chansa sa kanya pero ipinagpapatuloy ko pa rin tong nararamdaman ko.
Dec. 6, 2013
Nakahiga ako sabay nuod ng anime sa aking tablet. 11 na ata yun sa gabi. Nashock lang ako kasi may lumabas na mukha (chat head) sa facebook messenger. Siya! Nagchat siya sa akin. Di ako kumibo. Bumibilis ang pintig ng aking puso. Parang mini heart-atack. >.< Di ko alam sasagot sa kanyang chat.
Sabi niya
" Sleep well JC :)"
Di ko inexpect yun sa kanya. Nananaginip ba ako? Sinapak ko yung ulo ko gamit ang tablet ko. Aray! Hindi pala panaginip to. =_="
Sinagot ko siya
" Uii, sleep tight din. Good night. :)"
" Mauna na ako ha? May lakad pa kasi kami bukas. =_= Hahay. Magbababath pa ako. Matulog kana ha :)" Reply niya sa akin.
Lumaki yung mata ko. Di ko akalain na sasabihin nya yan sa akin. O.O
Ang nireply ko naman
" Ayyy. sige po :3 Matutulog na ako."
Pagkatapos nun, di na sya nagreply. Ako naman ay hindi na inaantok. Tinatanong ko sa sarili ko
" May nangyari ba sa kanya? Ano nakain nya? Or.... Nabasa niya ba yung mga sinasabi ko dito sa wattpad? Ito na ba yung epekto?"
Ang bobo ko... Napublish pala yun sa facebook. Marami ang nakabasa.
hahay... Ang TANGA mo talaga JC.
Ano nanaman tong nararamdaman ko? Masaya ako dahil pinansin niya ako. Malungkot naman ako dahil parang may nagawa ako sa kanya na dapat hindi gawin. Gusto ko magsorry... Sorry dahil hindi ko na siya pinapansin. Sorry dahil parang hindi na kami magkaibigan dahil sa desisyon ko na lumayo sa kanya.
Relate na relate sa kantang
"The Scientist by Coldplay, Strong by 1D, Standing in China by Cody Simpson, Blue Ocean floor by Justin Timberlake, Nothing by The script at eto talagang nakakarelate sa akin na kanta, Di na sana Kita nakilala by Dello." Kung may time kayo, makinig kayo sa mga kantang ito. Nakapagaan kasi ng feeling. Nakakaiyak kasi ehh. "Iiyak mo lang yan para gumaan ang feeling mo." Yan ang kanilang kasabihan ehh. Kaya go na. xD