LORRY POV
Hindi ko alam kong pano ko na manage na pumasok sa mga sumunod na subject. pero lutang lang talaga ako the whole time. Kung ikaw kaya sa sitwasyon ko! nakita mo yung ex mong iniwan ka without telling you the reasons, tapos kung umakto sya parang di kayo nagkakilala. Ganun nya ba ako kabilis kinalimutan ??
dismissal.....
"Aba miss. Lorry Shane Perez wala ka bang balak umuwi?" Uwian na pala. Di ko napansin.. psh nawala na naman ako sa sarili ko. ugh!
Lumabas na kami ng room ni Deanna. Daldal lang ng daldal yung bruha. Di ba to nakakahalata? Hmp.
"Oyyy.. Lorry nakikinig ka ba? Kanina ka pa lutang aa may problema ka ba?" Dang. Girl you just read my mind..
"Kasi naman ee.. dinala mo pa ako dun tapos bigla mo na lang ako iniwan hmpp.." galing mo talaga umarte Lorry. Pero parang hindi naman na convince si Deanna. Tinaasan lang nya ako ng kilay. Sabi ko nga hindi convincing tsktsk.
"Yung totoo Lorry ?? dahil lang dun? C'mon tell me. Alam ko may iba pang nangyari." Automatic namang tumulo ang makukulit kong luha. Ano ba! Magsitigil nga kayo pshh.. buti nalang wala ng masyadong estudyante dito. Medyo malapit na pati kami sa dorm namin.
"Ahmm. Pwede bang sa dorm na lang? Long story kasi ee"tumungo lang si Deanna. This is it. Ready na ako mag share ng past ko.
"Okay. But make sure you will tell me everything.. i want it fully detailed. Remember.. i will always be your friend so you can tell me your problems" i just nodded. buti na lang andito si Deanna.
dorm..
Nagulat naman ako dito kay Deanna. Aba nakuha pang maghanda ng popcorn, pizza, saka carbonara. Ano to? Story telling psh.
"So ano na? May nangyari ba kanina?" Hindi rin naman atat itong si Deanna nu? Inhale exhale muna. Hooh.
"secret lang natin to aa?" Kasi naman ayokong malaman to nina mama. Di kasi nila alam na maaga akong lumandi XDXD what a term hahaha close friends din kasi yung mama ni Deanna saka si mama. Madaldal pa naman tong si Deanna.
"Promise ! Anong akala mo sakin ? Madaldal?" Bakit? Hindi ba? Haha
"Ganto kasi yun.. nagka boyfriend na ako dati.." napapikit ako after kong masabi yun. Naghintay ako ng magiging reaksyon niya.. 20 seconds.. 30 seconds.. teka baka naman nilayasan na naman ako nun. Pagdilat ko ng mata ko. Normal reaction lang si Deanna.
"Di ka manlang ba nagulat? Or nagtampo dahil di ko sayo sinabi?" Ngumiti lang sya ng slight.
"Alam ko na yun.. sa ganda mong yan? I know there's a lot of guys out there who are willing to be your guy.. but we both know na hindi yun ang gusto kong malaman. Alam kong may sakit pa din dyan sa puso mo."
YOU ARE READING
Just A Look-Alike
Teen FictionA girl who suffer from a big time heart break. She was all left behind without even knowing the reasons of their break up. What if one day their path will accidentally cross? Again, she fall deeply in love. The problem is its just her ex look-a-like...