1 s t S y n o d

5.7K 120 1
                                    

SHE can't believe what she's hearing right at this very moment. Nandito ngayon si Amae sa loob ng opisina ng boss nya na sobrang sama ng ugali

Tinalo pa ata nito si Cruella De Vil

Pinatawag sya nito kani-kanina dahil may ipapagawa daw ito sa kanya na project. Pumayag naman agad sya dahil sa wakas may magagawa na ulit syang article at may mailalagay na ulit sa column nya besides, income din ito at napakalaking profit noon dahil pangalan nanaman nya ang mailalagay don

"Ma'am?" Maang na tanong nya dito upang siguraduhin ang narinig nya

"What? May angal ka Ms. Romualdez? Okay lang din naman if you don't want the project. Para naman maibigay ito sa MAS willing at MAS karapat-dapat" anito sabay tingin sa kanya

Ito pa ang isa sa kinaiinisan nya sa boss nya, akala mo ay kung sinong napakagaling pero hindi naman. Na kung hindi lang dahil sa ama nito na may-ari ng kumpanya ay baka wala naman ito sa mataas na pwesto

Hmp! Kapal ng mukha neto. Kasing kapalng make-up! Kung hindi dahil sakin malamang matagal ka ng lubog!

Isa lang yan sa mga gustong sabihin ni Amae but she can't. Ayaw pa nyang mawalan ng trabaho hindi pa sya ready for an early retirement

"No ma'am. I'm accepting the project" mabilis na sabi nya sa boss nyang mukhang clown

"Good. You can start today. Don't worry, may ipapadala ang company sayo na allowance" tumango nalang sya bilang sagot dito

Pagkatapos magsalita ng boss nyang mukhng espasol ay agad syang lumabas at kinuha ang gamit nya. She needs to go home and do some research. Hindi sya pwedeng sumabak sa gyera na walang dalang armas. Lalo na sa gyera na to

Mabilis pa sa alas kwatro ng buksan nya ang kanyang laptop at agad na hinanap lahat information tungkol sa taong naassign sa kanya

Trexon Harry Ferrer

Sa totoo lang ay kilala nya ang taong yan. Yun nga lang katulad ng iba ay basic or mas masasabing common na ang mga information na alam nya. She needs something new, something fresh. Yung hindi pa alam ng marami. Yung tipong handang magbayad ang mga tao malaman lang ang totoong nangyayari sa buhay nito

Masyado kasi itong misteryoso at kahit sya, hindi nya maitatanggi na she finds him mysterious and that makes him so damn hot lalo na sa lipon ng kababaihan pero hindi sya katulad ng iba

Yes, she finds him attractive pero that doesn't mean na maghuhubad sya sa harapan nito katulad ng ibang babae na halos sambahin na ang nilalakaran nito

Trexon Harry Ferrer

The country's most elligible bachelors. Owns several businesses like hotels and restaurants, highend bars, top casinos, etc.

Known for being cold and ruthless when it comes to business. He loves ruling like a king in his own kingdom. His very own Serverus Empire

Empire? As in?

Matapos na basahin ay nag scroll pa sya at nagpunta sa ibang site. Pero sa kasamaang palad, wala naman syang nakita na iba sa mga nabasa nya. Magkakaparehas lang lahat ng nabasa nya. Kesyo nasa late-twenties na ito at ubod ng gwapo ayon na rin sa mga fan nito

She sighed. Frustrated. She lie on her back. Hindi nya alam kung saan magsisimula. Her boyfriend cheated on her and at the same night a stranger saved her from being raped but also stole a kiss from her

She unconciously touched her lips nang maalala ang nangyari ng gabing yun. She can't explain it pero she felt very happy when he kissed her.

Don't get her wrong, it definately wasn't her first kiss dahil binigay nya iyon sa manloloko nyang ex na si Paul but that night it felt so right, so surreal. Parang unang beses nyang mahalikan at hindi din nya alam kung bakit tinugon nya ang halik ng isang estranghero

Natauhan lang sya at bumalik sa ulirat ng magring ang phone nya. She groaned when shr looked at the name, Cruela

"Yes ma'am?" Tanong nya agad dito

"Just reminding you to do your job properly dahil malaki ang binabayad ko sayo" hindi pa nga sya nagsisimula ay agad na syang nasermunan

Ni hindi nga nya alam kung saan at pano magsisimula. Kung hindi nga lang sana malaki at maganda ang break na ito para sa career nya ay hindinya ito tatanggapin.

She accepted it dahil malaki ang maitutulong ng isang Trexon Harry Ferrer, sa oras na magawa nya ng ayos ang project nya ng ayos ay siguradong marami ang kukuha sa kanya na ibang company para lamang pigaan sya ng impormasyon tungkol sa binata na mas okay para sa kanya kasya naman na magtrabaho sya sa mas malala pa sa menopause at sa babaeng buntis

Hindi napansin ni Amae na nakatulog na sya sa pagiisip ng plano para masimulan ang kanyang project. She needs to start soon lalo na kung ayaw nyang nawalang ng trabaho










HE is sitting on his swivel chair when the door to his office opened at iniluwa ang mga kaibigan nya na walang magawa sa buhay at ginugulo nanaman sya

"What are you doing here fuckers?" Tanong nya agad sa mga ito

"Just making sure that you're still alive" walang ganang sagot ni Trevor

"I'm alive, and i can definately kick you right now" tugon nya sa kaibigan

Actually, he doesn't know why he's friends with these guys. Basta ang alam lang nya ay sila lang ang mapagkakatiwalaan nya. They won't betray him kaya kahit ganyan sila he treasures them

"Dude hindi masama ang lumabas at magpakasaya paminsan-minsa" Travis said, isa pa to. Pareho sila ng kakambal nya---Trevor

He loves women-no, wait, scratch that-he loves fucking them. He does fucking, yes, but no feelings involved. It'll just make things complicated and besides, wala syang balak magpatali

Nasa gitna pa sya ng pagpirma ng mga documents when his office door opened once again

"Sir, sorry. But someone is outside and wants to interview you for their column" sabi ng secretary nya

"You know i hate interviews Ms. Cruz" madiin na sabi ni Trexon habang nakatuon pa din ang pansin sa mga papel

"Yes sir" agad naman na lumabas ang sekretarya nya at mukhang inaasikaso na ang nangyayari sa labas ng opisina nya

He sighed out of fatigue. Napagod sya nitong mga nakaraang araw lalo na ng malaman nya na sinasabutahe sila ng isang empleyado nila kaya naman nauudlot ang shipping ng mga baril na kailangan and the least he need right now is a reporter throwing questions at him. Baka hindi nya mapigilan ang sarili at mapatay ang reporter na yon

Mafia BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon