Chapter 1

174 4 0
                                        

[Author's POV]

     Mag-isang lumabas ng taxi si Kaye. Dala ang hermes bag sa kanyang balikat, inayos niya ang kanyang formal dress --- isang below-the-knee figure-loving haltred long dress. Papasok na siya sa automatic sliding door mg 20-story building na nasa pinakapusod ng makati nang kanyang maalalang buksan ang kanyang bag at hinanap ang isang kapirasong papel at binasa. Agad na tinignan ang directory ng building na nasa kanyang harapan. Ito nga ang kinaroroonan ng Makati Sky Club na kanyang sadyang paroroonan.

Security Guard: Good Evening Ma'am..

(bati ng isang unipormadong security guard)

SG: Nasa 19th floor po ang Makati Sky Club.

(pasunod na sabi ng SG na parang nahulaan ang nasa isipan ni Kaye.

Kaye: Thank you...

(bahagyang nakangiti)

[Author's POV]

     Malungkot na bumuntong hininga si Kaye, In the first place walang sinumang pumilit sa kanya na mag-tungo dito...

Waiter: Good Evenong Ma'am, Welcome!

[Author's POV]

     Kasunod noo'y ipinagbukas siya ng pinto. Tumambad sa kanya ang loob ng Makati Sky Club. Mapusyaw ang kulay ng mga ilaw sa loob, sinadya upang ma-create ang romantic atmosphere. Bigla niyang namataan si Vice, naka gray na tuxedo. Tulad ng dati, maimis ang buhok na naka-brush-up at napaka gentleman kung magdala ng babae. Masuyo ang pagalalay ni Vice kay Karylle patungo sa reserved table. Si Karylle ay very revealing and body-hugging red gown. Very attractive ang dating. Nakakatawag pansin din ang sexy and beautiful body ang curly hair, kaya palagi itong tinatawag ni Vice na Bb. Kurba.Mariing nakagat ni Kaye ang mga labi, nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

Kaye: Talagang napakalandi ng babaeng iyon..

(sabi nya sa sarili patungkol kay Karylle)

Kaye: Kababaeng tao nagpapakita ng kalandian sa lalaki...

[Author's POV]

     Pigil ang damdamin na kinuha ni Kaye ang baso ng tubig. Nililibang ang sarili. Tumingin sa singer at dinarama ang bawat linya...

Singer: "Jealous of the one who'se arms are around you

If she's keeping you satisfied

Jealous of the one who finally found you

Made your sun and your stars collide 

La la la la la la la

She's a very very lucky girl

La la la la la la la"

[Author's POV]

     Napakagat labi nalang si Kaye nang tinamaan sya sa bawat linya ng kanta. At natagpuan ang sarili na nakatingin kina Vice at Karylle. Sa paglalambingan ng dalawa ay di na napigilang lumuha...Tahimik na lumuluha...

     Malungkot na umuwi si Kaye. Hindi na nya hinintay lumabas ng Resto sina Vice at Karylle.

     Patakbong umakyat si Kaye sa kanyang kwarto at nilock ito. Kasunod noo'y patakbo nitong tinungo ang higaan at pasubsob na umiyak.

Kaye: "Vice, bakit? bakit?" tanong sa sarili

[Author's POV]

     Biglang nag ring ang kanyang cellphone na nasa side table.

*RIIIINNNNNGG*

~CONVERSATION~

Kaye: He-Hello (garalgal na boses)

Vice: Hi, gising ka pa?

Kaye: .........

Vice: Hello (nainip sa di pagsagot ni Kaye)

Kaye: ...........

Vice: Kaye, ikaw ba yan??

Kaye: H-Ha? A-Ako nga Vice.

Vice: Good Evening. Wait natutulog ka na ba?

Kaye: Medyo.

Vice: Kaya pala garalgal ang boses mo. Midnight Hoarsness? (patawang sabi)

[Author's POV]

      Natawa si Kaye, pero hindi na sya nagsalita.

Vice: Wait, dont put down the phone. I'm sure matutuwa ka sa ibabalita ko sa iyo.

Kaye: T-Tungkol saan? (medyo kinakabahan)

Vice: Tungkol samin ni Karylle. saan pa?

[Author's POV]

     Naramdaman nyang panibagong tinik ang hatid ni Vice.

Kaye: A-Anong tungkol sa inyo ni Karylle?

Vice: Sinagot na nya ako. Akalain mo yun, pareho pala kaming mahilig sa Leche Flan.

Kaye: Buti hindi kayo nilanggam. (pagka sarkastiko nyang sabi)

Vice: Something's wrong babe? (nagtatakang tono ni Vice mula sa reaksyon ni Kaye)

Kaye: N-No. Sige... ituloy mo lang nakikinig ako..

[Author's POV]

     Itinuloy nila ang kwentuhan hanggang hating gabi. Kahit alam ni Kaye na masakit lang ang mga naririnig nya...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

NAGUSTUHAN NYO BA??

PASENSYA NA 1ST TIMER EH...

add me nalang po sa FB: angel cruz

twitter: angelcruz2426

comment

vote

like

thanks..

The Secrets [ViceRylle]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon