Tunay na kaligayahan

256 1 0
                                    

" 'Ma naman! Hindi niyan ako makakasama sa field trip e! Sinira mo tuloy yung excitement ko! Edi gumawa ka ng paraan, diba?!" The hell! Nakakahiya sa mga kaibigan ko kung hindi ako makakasama! Kainis naman!

" Pasensya 'nak... walang wala talaga tayo ngayon. Magbabayad pa ako ng mga bayarin. Huwag kang mag-alala, gagawa kami ng paraan ng tatay mo. Pasensya na talaga." Hay..palagi nalang wala! Tama lang talagang gumawa ka ng paraan..psh.

" Tsk. Aba! Dapat lang! Alis na ako, malalate na ako!"

" Sige, ingat ka 'nak! Aral ng mabuti, ha?" Tsk.. pesteng buhay!!

Umalis na ako 'dun. nakakainis talaga! Nasira tuloy araw ko! Hay.. bakit ba kasi pinanganak akong mahirap?! Hindi ko deserve ang ganitong klaseng buhay! 'Buti pa yung kaklase ko, nakukuha niya lahat ng gustuhin niya! Sana ako nalang sila.

***
--Classroom--


" Hello, Maxy! Ano? Nakapagpaalam ka na ba sa mga parents mo? Pinayagan ka ba?"

" Hi Bella! Ah..oo naman! Syempre, ikaw ba?"

" As always, syempre pinayagan ako. Hahaha.. by the way, may transferee daw. Kaklase ata natin e?" Tss.. Nakakanggit talaga siya.

" Ah..okay. Talaga? Boy or girl?"

" Hmm..lalaki ata siya. Ewan, 'di ako sure. Iyon kasi narinig ko sa mga chismis diyan e."

" Ah..okay. Nandiyan na si Mrs. Santos! Punta ka na sa pwesto mo!" Mabilis akong pumunta sa pwesto ko at umupo.

" Okay class. You have a new classmate. Come here in front and introduce yourself." Sabi niya 'dun sa new student.

" Hello, everyone! I'm Zake Lourence Rivera! I hope we will have a great friendship!" Gwapo siya tsaka may pagka badboy ang itsura at halatang mayaman kasi sa suot niya palang. Type ko siya. Hahaha..

" Sit there..in the vacant seat, beside Ms. Binene." Yipie! Buti nalang wala akong katabi. Haha.

Nagsimula ng magturo si Mrs. Santos at palihim kong sinusulyapan ang mukha ng katabi ko. Mukhang malungkot siyang ewan. What's with him? Hindi ba siya natutuwa na nakatabi niya ako?

Natapos na ang klase at uwian na. Matawagan na nga si Papa.

" Hello 'Pa! Sunduin mo na ako, ASAP! Huwag kang magpapakita sa mga kaklase ko ha? Nakakahiya kaya. Ayaw kong malaman nila kung gaano tayo kahirap. Bye!" Subukan niya lang, malalagot siya sa akin.

Ang tagal naman niyang dumating. Ilang minuto na nakalipas o! Ayaw kong pinaghihintay ako!

" Hi! Diba ikaw yung seatmate ko?" Ay! Si Zake pala. Wow..kinausap niya rin ako. Hahaha..

" Hello! Yes, it's me. Wow! Ang ganda naman ng relo mo, mayaman ka siguro?" Masayang sabi ko.

" Ah..hehe." Bakit kaya nahihiya siyang sabihing mayaman siya. Kung ako 'yun, pagmamalaki ko pa.

" Bakit ka nahihiya? Pwede mo naman sabihing mayaman ka, diba?"

" Oo, mayaman ako pero hindi ko iyon pinagmamalaki."

" Eh? Bakit naman?"

" Narinig ko kanina kung paano mo kausapin yung papa mo. Alam mo, bakit ganoon yung trato mo sa kaniya? Pasensya na ha kung iniisip mong nahihimasok ako sa buhay mo pero hindi naman ata tama kung paano mo kausapin ang Papa mo."

" Ano bang pakialam mo? Pasalamat ka, type kita kung hindi, baka nasampal na kita!" Nakakaturn-off siya! Tsk... Sayang na sayang..

" Alam mo, bakit ganiyan ka? Hindi mo pinapahalagahan ang mga magulang mo? Mga taong totoong nagmamalasakit sa'yo? Bakit ganoon mo sila tratuhin? Dahil ba mahirap kayo? Nahihiya kang malaman ng iba kung anong klaseng buhay mayroon ka? 'Buti nga ikaw, may oras at panahon ang mga magulang mo sa'yo. Ramdam mong mahal na mahal ka nila. 'Di tulad sa akin, puro trabaho at pera nalang ang iniisip nila. Hindi na nila ako napapansin. Mayaman nga kami, nakukuha ko nga ang mga gusto ko, pero hindi naman ako masaya. Parang invisible nalang ako sa buhay nila. Naiingit nga ako sa'yo e. 'Buti ka pa, nandiyan palagi ang magulang mo para sa'yo pero, yung mga magulang ko? Wala. Sana mabago mo rin ang ganiyang ugali mo kasi hindi 'yan maganda. Sana pagkatapos kong sabihin sa iyo ang mga ito ay ma-realize mo kung gaano sila ka-importante at kahalaga sa buhay mo. Sana pahalagahan mo sila. Isipin mo rin kung gaano sila naghihirap, nagpupursige at ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mabigyan ka ng magandang buhay. Pasensya ka na kung nasabi ko sa iyo ang mga ito. Nandiyan na yung sundo ko, bye!" Mangiyak-ngiyak niyang sabi sa akin at tinalikuran ako.

Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay parang lumalabo ang mga mata ko?

Hala! Bakit ako naiiyak? Anong ba yung mga pinagsasabi niya para mapaiyak niya ako?

Parang tama yung mga sinabi niya. Nandiyan palagi sila mama at papa sa tabi ko kahit sinusungitan ko sila. Palagi silang pagod sa trabaho para lang mabigay nila ang mga pangangailangan at kagustuhan ko.

Ramdam kong mahal nila ako pero binabaliwa ko lang sila. Bakit ang sama ko sa kanila? Bakit ganoon ko nga sila tratuhin? Kasi hindi nila mabigay ang mga gusto ko? Hay..ang tanga tanga ko.

" Musta 'nak? Pasensya kung ngayon lang, traffic kasi. O, bakit ka umiiyak? Sino nang-away sa'yo? Tara, kausapin natin?!" Pinagmasdan ko siya.. halatang pagod siya kakatrabaho. Naaawa ako sa kaniya.

Hindi ko na napigilan at niyakap ko siya.

" Pasensya 'Pa! Sa lahat lahat! Nagiging pabigat lang ako sa inyo nina Mama. Ginagawa niyo ang lahat para mabigyan ako ng magandang buhay pero, kung hindi niyo mabigay ang gusto ko, sinusungitan ko kayo. Pasensya Papa pati kay Mama!" Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko kaya kumawala na sila sa mga mata ko.

" Ano ba pinagsasabi mo anak? Wala kang dapat ihingi ng tawad. Kami nga ng nanay mo ang dapat humingi ng tawad. Hindi namin mabigay ang mga gusto mo."

" Hindi 'Pa. Ako ang dapat humingi ng tawad. Hindi ko dapat kayo tinatrato ng ganoon. Masyado na akong naging bastos. Pangako ko po, magbabago na ako!"

Ngumiti si Papa sa akin ng pagkatamis-tamis at niyakap niya rin ako.

" Tama na nga ang drama. Tara na, uwi na tayo! Paniguradong hinihintay na tayo ng mama mo! Hahaha."

" Oo nga 'Pa! Sige tara na!" Parang gumaan ang loob ko pagkatapos kong sabihing ang mga katagang iyon.

Natutunan kong hindi tama ang pagtrato ko sa mga magulang ko at sa kaklase ko. Huwag mong ikahaya kung ano man ang estado mo sa buhay. Hindi naman talaga makapagbibigay ng tunay na kaligayahan ang pera. Makuntento kung anong mayroon ka at hindi naman importante kung mayaman ka o mahirap, ang mahalaga ay may kumpleto at masaya kang pamilya. Iyon ang tunay na kaligayahan.

--The End--

Tunay Na Kaligayahan (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon