Chapter 51 -

1K 28 3
                                    

Dahil nginitian ako ng crush ko mag a-update ako! :)
By the way guys, comment naman kayo para alam ko kung nagustuhan nyo o hindi ha? Pretty please....

Enjoy!

*****

At dahil tinanghali ako ng gising, hindi na ko nakasama sa tv guesting namin today.
Pinagpahinga na lang ako ni Papa YG kasi nga daw galing ako sa sakit, baka daw kung ano pa mangyari sakin.

Si GD naman wala na naman sa Korea. Nasa U.S. sya ngayon para sa awards night na kailangan nilang puntahan. Kasama naman nya sila Vi kaya kampante ako.
Hindi naman siguro susunod si Akiko dun diba?



I was busy killing Akiko in my mind, oh! kidding! Haha.
Bakit naman kaya tumatawag tong si Bom?



"Hello"



Bom: "Dara. May sasabihin ako."



"Ano yun?"




Bom: "Alam mo ba kung sino yung sumunod sa U.S. just today?"





"Ha? Sino?"






Bom: "Si Akiko."





Napanganga ako sa sinabi ni Bom.
Iniisip ko pa lang kanina tapos nandun na agad sya?




Bom: "And she's with the Bigbang na. Aba! Hindi maganda ang kutob ko sa Akiko na yan Dara ha! Naaamoy kong may kalandiang taglay."







"Baka naman sumusuporta lang sya. Grabe ka."



Sige Dara......kumbinsihin mo sarili mo.




Bom: "Ah basta! Hindi maganda kutob ko. Tawagan mo na si GD at palayuin mo ng konti dun, parang higad eh. Bye na, on air na daw kami ulit."




"Okay. Bye."




I ended the call and sighed.





Ang hirap naman ng ganito....bakit kasi may Akiko pang asungot sa buhay namin ni GD.




Tatawagan ko ba si GD o hindi?
Baka mamaya busy sya at makaabala pako.
Pero bakit hindi man lang nya sinabi sakin? Kahit sa text man lang sana.





Sa sobrang pag-iisip ko baka ma stress lang ako kaya, naisipan ko na lang lumabas at mag mall.



Nagsuot ako ng cap at eyeglass para hindi masyadong lantad yung mukha ko. Baka kasi dumugin ako sa mall at mapahamak pako.
Baka masakal ako ni Papa YG pag nangyari yun.







Nag shopping ako ng sandamakmak ng damit, sapatos at kung ano-ano pa. Pati nga yata teddy bear na life size muntik ko na bilhin eh.





Nanood din ako ng sine kahit mag-isa lang ako at puro shopping bag ang dala ko, pake ba nila diba?






Nakailan din akong kain, halos lahat nga yata ng kainan eh nakainan ko na. Parang wala ako sa sarili ko pero natutuwa naman ako sa ginagawa ko kaya keri na rin.






7pm na yata pero nandito padin ako at nagkakape. Medyo masakit kasi yung binti at paa ko dahil narin sa kakalakad buong araw.





Ayaw ko rin muna umuwi sa dorm. Baka kasi kung ano lang ang maisip ko, at ayoko ng ganun.
Buong araw na rin naka-off yung phone ko. Siguro naman walang maghahanap sakin, sino ba naman ako para hanapin diba?




His Death Glares ( DaraGon )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon