Una'y kaibigan lang naman ang pagtingin ko sa iyo
Ngunit bakit nag-iba ang takbo ng aking puso?
Sa tuwing nakikita ka, ang lakas ng tibok ng dibdib ko
Ano bang meron ka at napatibok ang puso kong ito?
Sinubukan kong 'wag pansinin itong aking nararamdaman
Sinubukan kong umiwas at magsungit-sungitan
Ngunit ano ang nangyari,mas lalo lang nadagdagan
Mas lalo lang tuloy ako, sa iyo napamahal.
Bakit ikaw pa, bakit sa 'yo pa nagkagusto?
Bakit sa iyo pang masasaktan ako ng husto?
'Yan ang mga tanong na nagpabalik-balik sa isip ko
ngunit wala akong nahanap na sagot, ni isa sa mga ito.
Minsan,isang araw, naiisip ko sa iyo na magtapat
Hindi ko alam kung saan nakuha itong lakas
Ngunit sa araw na iyon, luha ko'y kusang pumatak
Nang malaman kong mayroon ka na palang ibang nililiyag.
Masakit palang isipin, mahal mo'y may mahal ng iba,
Masakit pa lang isipin, kahit pangyayaring ito'y pinaghandaan na
Gusto ko siyang sigawan na mahal na mahal ko siyang talaga
Ngunit ano bang magagawa ko kung hindi siya sa akin masaya?
Ang tangi ko lang naman magagawa kundi mag-"move on" sa pag-ibig na ito
Sa pag-ibig kung saan, ako lang naman ang may gusto.
Ngunit babagalan ko lang, baka magbago pa ang isip mo,
May oras ka pa't pagkakataong, habulin ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Crush Kita,Hanggang Dito Lang Pala
Poetrycrush na nga lang meron ako, mag momove-on pa ba ako???