KABANATA 1

6 1 0
                                    

Louisse POV

Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ay ang pag strum ni Sunny ng kanyang gitara at sinasabi ang mga matatamis na salita na nagmula sa  kantang kanyang kinakanta ay paulit-ulit sa aking tenga at nagpapainit ng aking puso.

Tahimik ang buong auditorium at dinaramdam ng mga taong nakikinig ang kanyang boses.

"I want you stay with me,Cause your all I need".

Ang maganda niyang pagkanta ay parang kinukuha ang kiliti ng mga makakarinig nito at dadalhin ka sa kakaibang lugar.
Nakatitig ako sa kanyang maamong mukha habang kumakanta.Ang perpekto niyang panga at matangos na ilong ay nagsasabing ako si
Sunny Agzarmon ang pinaka gwapong lalaki sa campus na ito.

Ang nakakaakit nitong mga ngiti dahil sa maputi niyang mga ngipin at minipis na labi ay siyang nagmimistulang instrumento ng kanyang  masterpiece sa pagkanta.
-
Sabay sabay kaming  nagpalakpakan pagkatapos niyang bigkasin Ang huling mga salita ng kanyang kanta. Ang iba ay sumigaw at ang mga judges naman at ngiting ngiti sa binata.

Pagkababa ni Sunny ay hinalikan niya agad sa pisngi ang kanyang girlfriend na si Althea. Nakaramdam ako ng konting Kirot sa aking puso at umalis sa lugar na iyon.

-----------------------
Louisse! Louisse! Louisse!
 
Paglingon ko ay bumungad agad sa akin ang aking best friend na si Menefey pero mas gusto niyang Fey Ang itawag sa kanya.

Ano nanamang problema mo Fey? Sagot ko ng wala sa sarili.

Napanood moba yung audition ni Sunny?Sheet!!! Ang gwapo no? At anggaling pa?  Sigurado akong siya ang mapipiling representative ng ating school. Dire diretsong sabi ni Fey.

Ahhm. Oo nga ang galing niya.
Pagsang-ayon ko naman.

Salamat sa pag-appreciate sa pagkanta ko.
Biglang sabat ng lalaking nasa likod namin.Sabay kaming napalingon ni Fey at nakita namin si Sunny. May naramdaman akong something sa aking tyan.Parang may butterflies na nagwawala sa loob ko.

Btw, I'm Sunny Agzarmon pagpapakilala nya at lahad ng kamay.

Ako nga pala si Fey at Ito naman si Louisse. Ang galing mo naman kasi talaga.
Sagot ni Fey.Habang ako naman ay mistulang estatwa sa harap ni Sunny at walang imik.

Baka gusto niyo manuod ng Gig ko? Sa Olivarez Bar. Pag anyaya nya.

Sure, gusto namin. Pero paano Ka naman namin mako-contact? Si Fey ang sumagot kasi ako nganga padin.

"This is my calling card. You can call me if you want". At inabot niya sakin ang kapirasong papel at ngumiti.Ganun din ang ginawa niya kay Fey.

"Salamat". Maligayang sagot ni Fey. Ako naman ay wala sa sariling kinuha ang papel at nakatunganga sa usapan ng dalawa.
"See you!" Ngumiti si Sunny sa aming dalawa at umalis narin sa aming harapan.

Shettttt! Totoo ba to? Calling card ni Sunny at isang napaka gwapong ngiti? Wahhh! Di ata ako makakatulog nito. Sigaw ni Fey.

Grabe ka naman maka-react. Pero Ang totoo ay gusto ko nang sumabog.

Eh! siyempre si Sunny Agzarmon
Te! Yung pinaka gwapong lalaki sa school NATO! Naghihis-terical
namang sagot ng best friend ko.

Dinedma ko na lang si Fey at naglakad na palabas ng campus.Tumila narin ang ulan.

Nang makalabas ako ng auditorium ng maabutan ako ni Fey.
"Friend ba't mo naman ako iniwan dun, nakakahiya. Sabi niya.

"Kanina kapa kasi naghe hestirical dun eh." Sagot ko naman.
Naka para na kami ng jeep. May kaya ang pamilya namin Fey pero Pinili naming mag apply ng scholarship sa school namin ngayon. Best friends na kami since elem kaya Siguro sobrang tatag na ng samahan namin. Parang mag kapatid na ang turing namin sa isa't-isa. Magkalapit lang kami ng bahay. Minsan sa kanila mo natutulog, minsan samin naman sya.
"Huy! Aming tinutunganga mo dyan?,andito na tayo satin oh". Sabi na nag pabalik sakin.

"Hala. Sorry, may iniisip lang ako." Sagot ko nang wala sa sarili.
Magkasunod kaming bumaba sa jeep.

"Si Sunny yun no!?" Paghihinala nya.

"Hindi ah." Pag tanggo ko at naalala ang nangyari kanina sa auditorium.

"Kung Hindi ba't ka namumula, tsaka tulala ka lang kanina nung nakausap natin sya." Sabi nya.

"Hay nako, Bahala ka nga. Btw, nanonood ba tayo sa Gig nya?." Tanong ko para maiba ang usapan.

"Siyempre naman." Excited nyang sabi.

Napag usapan namin ni Fey na sabado na lang pumunta para Hindi hassle sa pasok, Pinag usapan din namin yung mga school works at syempre mga crush nya. Nakarating kami sa aming mga bahay ng ligtas.

Sky Falls By:DyonasssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon