Angel's POV
"Hindi ko na alam gagawin ko,lagi na lang ako umiiyak dahil lang sa wala!!"
"Tanggapin mo na lang ang katotohanan,hindi mo kailangan iyakan ang isang bagay para bumalik lamang ito, nasa kanya na yon kung kusa syang babalik sayo." Sabi nya.
Ako pala si Angel Arvis,17 years old. Maganda naman ako, mayaman,mabait. Pero nagtataka ako, bat walang nagtatagal na relasyon sa akin? Oo tama po kayo ng basa,wala kahit isa. Minsan naisip ki na rin mag pakamatay dahil nga walang nagmamahal sakin.
Nandito kami sa mall,kasama ko si justin. Oo lalake sya,hindi naman sya masama at madumi ang utak kaya madali syang pakisamahan. Atsyaka ayoko makipag kaibigan sa babae,masyado sila plastik at malalande. Kung tingin nyo malandi ako,pwes tingin lang yon, nakita mo na ba ako?
"Kain muna tayo, kanina pa tayo naglalakad wala naman tayo binibili kahit isa" reklamo ni Justin. Kaya ayan nakatanggap sya ng batok mula sa kanyang Girl Bestfriend.
"Ikaw manlibre" kahit naman na mayaman ako eh syempre kelangan ko din mag tipid. Ok lang naman sa kanya yang mga ganyan,ayaw na ayaw nya kasi ang nagiipon.
"Oo na,lagi naman eh" sabi nya.
Pumunta kami sa KFC kasi mahal mga foods duon. Kung sa tingin nyo kung anong pinaplano ko,shhhhhh lang kayo ha.
Umorder ako ng halos ng nasa menu nila. Wala eh gutom din ako. Ilang minutes na walang umimik sa amin nag salita na sya.
"Mahal mo pa ba sya? " tanong nya. Bigla kumunot noo ko sa tanong nya.
Yung sa mga hindi nakakaintindi,ito ang kabuuan ng storya:
2 years ago:
"Sam,m-may sa-sasabihin sana a-ako" medyo nauutal pa ako noon dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito sa kanya.
"Pwede pako sabi qgad? May lakad pa kasi ako eh" sabi nya,kaya nagpakawala ako ng malalim na hininga at kinalma ang aking sarili.
"A-alam ko na w-weird 'tong sasabihin ko,pero,kasi, UGHH MAHAL KITA!!!" napasigaw na ako dahil hindi ko na macontrol ang katawan ko. Maya-maya biglang tumulo ang mga luha kong kanina pa nagtatago sa aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Last LOVE
RomanceAno ang gagawin mo kung babalik ang taong mahal mo at hindi mo inaasahan ang pagdating nito? At kapag nalaman mo na ikaw ang dahilan kung bakit sya nagbalik sayo? Si Angel Arvis,17. Minahal nya ng labis ang kanyang matalik na kaibigan ngunit iniwan...