Chapter One:'The Gang'

10 0 0
                                    

  Czarina Kaye's POV

"Kelan pa nahilig mgabasa si Czarina?"

"Oo nga.Bakit andami nya yatang libro?"

"Andami ngang libro.Puro mga lovestory lang naman ang nakasulat.Tsk!"

"Hahaha oo nga no? Akala ko bitter na talaga sya."

Naalimpungatan ako dahil sa mga boses na naririnig ko.May mga maligno yatang nakapasok sa kwarto ko.Nag-inat inat muna ako at tsaka dumilat ng konti.Napailing na lang ako ng makita kung sino-sinong mga maligno ang nakapasok sa kwarto ko.Walang iba kundi ang magagaling kong bestfriends.

Tumingin ako sa wall clock na nasa kwarto ko.Napabangon ako nang makita kung anong oras pa lang.

EXACT 5:00 IN THE MORNING.

SERIOUSLY?

Sinong matitinong tao ang mang-iistorbo sa tulog ng isang NAPAKAGANDANG PRINSESA GAYA KO? Wala.Tanging mga bestfriends ko lang ang may kayang gumawa nun.

DAHIL HINDI SILA MATITINO.PROMISE.

=________=

"Buti naman gising ka na."sabi ni Maikee habang nakapamewang pa.

Saming pito si Maikee ang pinakamasungit.Masungit as in masungit.Yung tipong parang araw-araw meron.Ganun sya kasungit.

"Anong ginagawa nyo dito?"tanong ko."Pano kayo nakapasok?"

"Baka dumaan kami sa pinto."sagot ni Maxine.Ayy! Ang ganda ng sagot nya.Palakpakan!

Sabagay,kung si Maxine ang sasagot.Ano pa bang matinong sagot ang aasahan ko diba?Sya lang naman kase ang pinakapilosopo saming lahat.Sad to say na hanggang sa school at sa pagsagot sa teacher nadadala nya pa rin yung ugaling yun.Kaya kadalasan syang bagsak.

"Ha.Ha.Ha"I laughed sarcastically.

Humiga ulit ako at nagtalukbong ng kumot."Ang aga nyong mang-istorbo.Lumayas nga kayo!"

"Anong maaga sinasabi mo jan?"sabi ni Maikee.Huhulaan ko nakapmewang yan habang nagsasalita o kaya naman nakataas ang kilay.

"5:00 ng umaga pa lang."

"5:00!!!?????"

Napatakip ako ng tenga.Kahit nakatalukbong ako ng kumot.Feel ko pa rin na nabasag yung eardrums ko.Sabay sabay ba namang sumigaw eh."Aray ah! Ang sakit nyo sa tenga!"

Napabangon ako sa sobrang inis.Kase ba naman.Ang aga mang-istorbo."Ano bang problema nyo?"

"YUCKS!"nalipat naman ang tingin namin sa biglang sumigaw na si Angelika.

"Baket?"tanong sa kanya ni Maxine.

"Look at Czarina! May panis na saliva! Eeeeew!"maarteng sabi ni Angelika.

Napabuntong-hininga na lang ako.Hayst, sa lahat ng maarte, masasabi kong wala silang sinabi sa kaartehan nitong si Angelika."Ang arte mo talaga!"sabi ko at tumayo na para pumunta sa banyo.Maghihilamos ako.

Bago ko tuluyang makapasok sa cr.Nadaanan ko pa sila Chloe at Nessa na nagtatawanan at napapailing.Saming lahat, sila Chloe at Nessa ang pinaka-close sa isa't isa.Bukod kase sa parehas sila ng edad.Halos parehas pa sila ng ugali.Si Chloe,sya ang pinakamatang o pinakapalaban.Mahilig sa gulo.Ikaw ba naman magkaron ng limang kuya na puro ganster eh!Si Nessa naman, kalog,maingay, at palaaway.Yung parang baliw? Basta yun na yun.

Pagtapos ko maghilamos,bumalik na ko sa kwarto at umupo sa kama."Ano ba kasing ginagawa nyo dito?"sana naman may sumagot na sa kanila ng matino.

"Susunduin ka namin.Remeber? Magbabakasyon tayo ng isang linggo sa rest house nila Chloe.So maligo ka na at mamimili pa tayo ng mga pagkaing babaunin para sa bakasyon."sabi ni Bianca.

World War II Inside Our HouseWhere stories live. Discover now