Chloe's POV
Maaga akong nagising ngayon.7:00 pa lang nakaligo at nakabihis na ko.Ngayon kasi yung araw ng alis namin papuntang rest house ng family namin.Himala nga kila mommy eh.May punishment daw ako.May nagawa na naman kasi akong kasalanan----nakipag-away na naman kasi ako.So eto na nga daw yung punishment na sinasabi nya.Magbabakasyon ako sa rest house namin ng 1 week.At hindi sila ang mga kasama ko.Kundi ang mga barkada kong abno.Ang saya lang.Kung ganto lagi ang punishment sa tuwing gagawa ako ng kasalanan o makikipag-away ako.Naku!Forgive me na lang,pero aaraw-arawin ko nang makipag-rambol at gumawa ng kasalanan.Haha char lang.
So yun na after ko mag-breakfast,nagpaalam na ko sa kanila."Bye ma! Bye Pa!Bye kuya Renz,kuya Jayvee,kuya Ian,kuya Jay!ALis na ko!"
"Teka babygirl,nakalimutan mo yata ako ah?"naka-pout na sabi ni kuya Ivan habang pababa ng hagdan.
"Of course not kuya!Akala ko lang wala ka.haha,bye na!"I said then ki-niss ko silang lahat sa cheeks.
"Ingat!"nginitian ko lang si kuya Ivan at tuluyan na kong lumabas.
Sa lahat ng kuya ko----mga kuya kong puro Gangster.Si kuya Ivan ang pinaka-paborito ko.Sabihin na nating sya kase ang pinaka-gwapo at may natitira pang kabaitan sa katawan.Haha.At tsaka sya ang pinaka-close ko simula nung mga bata pa kami.Kaming dalawa lang kase ang nagkaka-intindihan.At isa pa honest kami sa isa't-isa.Bawal magsikreto.Kailangan open lagi.Kaya nga lahat ng sikreto nya alam ko at lahat ng sikreto ko alam nya.As-in LAHAT talaga.Tulad na lang ng sikreto nya na....
Crush nya daw si Nessa.
Sikretong malupit! Diba?
And speaking of Nessa...susunduin ko pa pala sya.Kinuha ko ang phone ko at ti-next sya.
~~
To:Nessa.
Nessa!Mag-ready ka na ah?OTW na ko.
-----
Tinago ko na ang phone ko at pumasok sa kotse ko.
Hindi naman masyadong malayo ang bahay nila Nessa samin,kaya nakarating agad ako sa kanila.Naglakad pa ko papasok sa maliit na iskinita kung san nakahilera ang bahay nila Nessa.Saming lahat, si Nessa ang hindi masyadong mayaman.Poor---kung tawagin pero hindi yun hadlang para hindi namin sya maging kaibigan.Hindi din yun dahilan para layuan namin sya.Dahil kahit ganto lang ang level nya.Tapat at mabait naman syang kaibigan sa amin at bestfriend slash sister sa akin.
"Wala ka talagang kwenta!!!"narinig kong sigaw ni Aling Nita----nanay ni Nessa nang makalapit ako sa bahay nila.
Di na ko nagtaka...everytime naman na magpupunta ko dito lagi silang nag-aaway ni aling Nita.Kaya nasanay na rin ako.Kadalasang pinag-aawayan nila ay yung tungkol sa pagsusugal ni Aling Nita samantalang wala na nga silang pera.Last year,namatay ang tatay ni Nessa dahil sa sakit sa puso.Kaya wala nang tumutustos sa kanila.Kaya may part time job si Nessa sa isang bar.Kumakanta sya dun tuwing 8:00 ng gabi Lunes hanggang Sabado lang.
"Kanina ka pa ba dyan?"untag sakin ni Nessa.Nakalabas na pala sya.
"Huh?Hindi ah..kakadating dating ko pa lang."
"Tara na?"
"Okey sige."
Naglakad na kami palabas ng iskinita.Parang ang tahimik nya ngayon?Dahil kaya to sa pag-aaway nila ni Aling Nita?Pero alam ko sanay na sya.Dati kasi,kahit araw-araw silang mag-away ni Aling Nita okey lang sa kanya.Wala syang pagbabago.Bakit ngayon----
"Sakay na tayo?"tumango lang sya at sumakay na.Sumunod na rin ako at nag-drive na papunta sa bahay nila Angelika.
***
YOU ARE READING
World War II Inside Our House
RomansaPitong amazonang babae. Pitong maaangas na lalaki. Pinagsama-sama sa loob ng isang bahay. Dahil sa Deal ng kani-kanilang magulang. Anong posibleng mangyari? Is it going to be a war...like world war II o baka mas malala pa? Forever war na ba? O may n...