Naalala mo pa ba nung una tayong nagkakilala?
Ako kasi hindi eh.Bagong lipat ko pa lang noon sa probinsya kung saan ka nakatira.Mag kaklase tayo, pero tahimik lang ako kasi nahihiya pa ako.
May nakipag kaibigan sa akin na kapitbahay ng tita ko kung saan ako pansamantalang naninirahan. Lagi kaming magkasama hanggang sa naging mag kaibigan kami.
Magkatabi kayo noon ng upuan, eh dahil bago pa lang ako gustong-gusto ko na laging katabi ang besty ko, yun yung tawagan namin.
"Pwedeng palit muna tayo ng upuan? " yan yung lagi ko sa'yong sinasabi para makatabi ko si besty.
Nung una umu-oo ka lang pero nung tumagal di mo na ako pinagbibigyan.
Dahil sa pag aaway natin sa upuan mo. Lagi tayong inaasar pero binabalewala ko lang yun kasi di naman ikaw yung gusto ko. Si Jordan, yung classmate natin na matalino kaya lang sobrang gulo at maloko.
Ewan ko nga kung bakit ako nagka gusto dun eh sobrang kulit niya naman. Siguro dahil lagi nya akong inaasar at na pressure din ako dahil lagi akong tinatanong ng iba nating classmate kung sino crush ko sa room.
Dumating na yung Christmas party. Wala namang espesyal na nangyari pero nung uwian na nagsabi ka sa akin na gusto mo ng remembrance. Umoo lang ako kahit di naman ako seryoso dahil di ko naman narinig at naintindihan yung sinabi mo.
Tapos nung palabas na tayo sa school nagsabi ka ng 'I love you' eh medyo sinapian ako ng kabaliwan kaya nag 'I love you too' din ako.
FEB 14. Birthday ni Jordan. Di ko sya nakita ng umaga kaya di ko sya nabati. Nung hapon na saktong papasok na kami ni besty ng gate sa school ng makita ko kayo ni jordan na magkasama, di kayo makapasok kasi sabi ng SSG na bawal pumasok kung walang kadate. Nilapitan ako ni Jordan at inakbayan, syempre kinilig ako at sabay na kaming pumasok, nauna na si besty pumasok kasama syota nya at di ko alam kung sumunod ka ba o hindi.
Blind date. Gustong gusto ko makasama si Jordan sa booth na yan kaya lang umalis din siya agad para umuwi kasi birthday niya.
Sobrang hinayang ko nung time na yun.
MARCH 27. Closing na natin. Di man ako nakasama sa final top, nakakuha naman ako ng service award. Ikaw naman nakuha ka sa top kasi kahit may pagka maloko ka din, di mo pa din pinapabayaan pag aaral mo, at least dun kita hinangaan at nakilala.
Another school year na naman.
Sobrang excited ako noon kasi makikita ko na naman ang mga kaibigan ko. Oo, sa isang taon na dumaan nagkaroon ako ng 2 pang kaibigan.Pagkakita namin sa isa't isa nagsigawan kami at nagyakapan tapos pumila na din kami ng sunod sunod para sa pag papakila ng new teachers and pag welcome sa new students.
Tapos na yung orientation at sobrang tuwa namin ng malaman na iisang section lang kami ulit.
Nagkasundo kami na sa may bandang likuran kami uupo.
Nasa unahan ka namin noon nakaupo kasama si Jordan. Di ko alam kung mag bestfriend ba kayo o friend lang dahil sa pagkaka parehas ng takbo ng mga utak ninyo.Madami tayong naging bagong classmate at isa na dun si Glyz. Matalino at may itsura si Glyz, naging close kayo dahil sa text. Di din maitatangi ang pagkakagusto sayo ni Glyz dahil na din siguro sa may itsura ka din, matalino at may pagkajoker. Lagi kayong tampulan ng tukso pero lagi nyong dinedeny na kayo.
Mga ilang linggo ang lumipas ng mabalitaan ko na may nililigawan si Jordan sa kabilang section, medyo na hurt ako lalo na ng malaman ko na officially sila na nga. Tinanggap ko naman kasi like ko pa lang naman siya.
Ewan ko kung anong sumapi sa isa kong kaibigan at sinabi sayo na gusto kita. Nagulat na lang ako ng naglagay ka ng malaking 'I Love You' sa notebook ko nung nagcheck ng notebook for assignment. Hinayaan ko lang kasi alam ko naman na may something na kayo ni Glyz. Pero naimbyerna pa din ako kasi ang laki ng pagkakalagay mo at nakakahiya na ipakita kay ma'am yun kaya pinunit ko na lang.