"Madalas kong ipabatid itong nadarama ngunit laging purnado"
Bumulong ako sa hangin na sana iyong dinggin
Itong masidhing damdamin na matagal ko ng inililihim
Nais kong mapukaw atensyon mong mamahalin
Kung kaya't gumawa ako ng paraan para ako'y iyong mapansinUmukit ako sa ilalim ng isang puno
Inukit ko nilalaman nitong aking puso
Nadaramang nadadarang kung kaya't nakakapaso
Kaso nga lang wala kang ideyang ikaw ang tinitibok nitoNagpabaon ako ng halik ng ika'y tumalikod
Nag I love you pa nga ako kaso ito'y nalunod
Nalunod ng ingay na mula sa iyong pusong hindi naman ako ang nilalaman kundi ibang taoNagsulat ako sa buhangin ng pangalan mo't pangalan ko
May hugis pana pa ngang nakaturo patungo sa direksyon mo
Kaso biglang umalon at binura nito mga titik na aking nabuo
Hindi mo man lang nabasa bago ito naglahoGiliw, ang daya ng tadhana kasi 'di pwedeng maging tayo
Madalas kong ipabatid itong nadarama ngunit laging purnado
Ginamit ko na lahat upang kahit papano sana'y malaman mo
Kaso laging palpak kaya 'di bale na lang siguro