Chapter 8: Back In The Past

1.6K 37 0
                                    

Pasensya na po sa sobrang habang hindi nag-update! :(( Here is Chapter 8, guys. :)

************************************************************************************************************

Stacey's P.O.V.

"'Cause it's you and me, and all other people with nothing to do, I can't take my eyes off you..." 

Whaaat??? Ay shete, nakatulugan ko yung pinapatugtog ko. Kinuha ko yung remote nung player at pinatay yung music. Tinignan ko yung orasan ko. 

5:48 a.m. Holy fudgecakes with blueberry pies! Ma-lalate na ako! May pasok na kami ngayong umaga at double Physics kami mamayang hapon. Oh no, please do not let my day start in the wrong side of the bed. 

Naligo na ako at nagbihis para hindi na ako ma-late. Alam niyo ba na inaabot ng 30-40 minutes ang pagsakay sa sasakyan mula dito hanggang sa school? Tapos maghahanap ka pa ng parking. Dyusko, naiiyak na ako. 

Tumakbo na ako palabas ng kwarto. Malapit na ako sa may hagdan ng bumukas yung pinto sa kaliwa ko at nabangga ko kung sino man yung palabas nung kwartong yun. 

"Ay, dyusko! Sorry! Sorry, di ko sinasadya! Sorry tala - " 

"Aray! Ano ba? Di ka tumitingin sa dinadaanan mo!" Pagtingin ko, si Mr. Masungit Buenaventura. Hay, umagang-umaga, panira ng araw. 

"Sorry na nga, di ba?" sabi ko sa kanya. 

"Tss. Next time tumingin ka kung ano yung babanggain mo! Buti sana kung pader nabangga mo eh..." Tinignan niya ako at di sinasadyang nag-eye contact kami. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko yung mga mata niya. Napansin kong namula siya pero bago ko pa siya tanungin, umalis na agad siya. 

Ano bang nangyayari? Dyusko, ayoko ng maulit pa... 

Sean's P.O.V. 

"Sir Sean, ano pong gusto niyo? Toast, bacon and eggs o pancakes?" tumingin ako kay Manang at nagsabing, "Pancakes na lang, Manang. Thank you." Nginitian niya ako bago siya bumalik sa kitchen para kunin yung pagkain ko. 

Maya-maya, dumating na si Stace. Pumunta siya dun sa may fruit bowl at kumuha na lang ng isang mansanas at peras. Sakto, bumalik na si Manang. Tinignan niya si Stace sabay sabing, "Ma'am Stacey, hindi po ba kayo kakain?" 

"Ay, Manang, hindi na po. Nagmamadali po ako ngayon eh." Nginitian niya si Manang. 

"Ay ganun po ba? Hinandaan ko pa naman po kayo ng honey pancakes. Sabi po kasi ni Ma'am Andrea paborito niyo yun" sagot ni Manang. "Ay, ganun po ba? Manang, sige na, kainin mo na lang. Kung gusto mo, i-share mo na lang din sa iba pang mga katulong." Nagulat si Manang. Bago pa siya makapagtanong, umalis na si Stacey. 

"Bye, Manang!" Narinig namin yung pagsara nung pinto at pag-andar ng sasakyan. Umalis na nga siya. 

"Anong meron kay Ma'am Stacey?" tanong ni Manang. Nag-kibit-balikat na lang ako at sinabing, "Ewan ko dun. Lakas ng mood swings." Natawa na lang si Manang at umalis na. Kinain ko na yung pancakes ko at inubos yung pineapple juice. 

Pagdating ko sa sala, naghihintay na si Randal sa may pinto. "Ihahatid ko na po kayo, Sir Sean." 

Natawa ako sa kanya. Si Randal ang isa sa mga pinakamalapit na katulong ko dito sa bahay. Simula pagkabata, siya na yung laging nandiyan. Naalala ko pa nung dati, sobrang busy si Dad, siya yung tumanggap ng role ng pagiging ama AT ina sa akin habang hindi pa maluwag yung schedule ni Dad. 

"Kuya Randal, di na kailangang 'Sir Sean' pa ang tawag mo sa akin. Alam mo namang malakas ka sa akin eh." Kinindatan ko siya kaya natawa siya at sumama ako sa kanya pasakay nung kotse ko. Sa totoo lang, marunong akong mag-drive. Tinatamad nga lang.

"Bakit hindi ka hinintay ni Ma'am Stacey?" tanong ni Kuya Randal.

"Ewan ko dun. Intense ang mood swings kamo nun!" sabi ko sa kanya. Eh talaga naman eh! Pano ba naman kasi, wala naman akong ginagawa nagagalit sa akin! Ah, nakakalito siya. Ay hindi, nakakalito ang mga babae.

Natatawang sabi ni Kuya Randal, "Kamusta naman ang buhay ninyo sa iisang pamamahay?"

"Ay grabe! Tinanong mo pa!"  Umiling ako. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko! Buti nga at hanggang ngayon hindi pa ako nababaliw eh!"

"Maghunos-dili ka, Sean. Baka may iba ka nang nararamdaman dyan, hindi mo lang inaamin" pabirong sabi ni Kuya Randal.

"Ako? May nararamdaman? Inis, oo!" Lumayo na lang ako ng tingin at tinignan ang mga nadadaanan naming mga bahay.

May nararandaman nga ba ako? Teka, ano bang pinag-iiisip ko? Hala, baka baliw na ako! Hindi to pwede!

"Sir, andito na po tayo!" Napatingin ako kay Kuya Randal at binuksan ko ang pinto ko.

"Thank you, Kuya Randy!" Kumaway ako bago naglakad papasok ng campus.

Ilang hakbang ng mapatigil ako ng lakad. A-anong ginagawa niya rito?!

Stacey's P.O.V.

Nakahanap ako agad ng parking space. Salamat sa Diyos! Nagmamadali akong nagbukas ng pinto at lumabas. Kaso nga lang, yung gitna nung quadrangle ay masyadong crowded ng mga babae. Hindi ko alam kung ano ang pinagkakaguluhan nila.

Lumapit ako at nakipag-siksikan papunta sa harap. Napatigil ako ng makita ko kung sino ang nasa gitna.

Si Peter... anong ginagawa niya dito?

"Stacey?" Napatinging ako dahil tinawag niya ang pangalan ko. Tuloy, pinagtitinginan na naman ako ng mga babae. Eh, kaya ayaw ko mag-aral dito eh!

"Uh, hi Pete" sabi ko, nahihiyang ngumiti. Pero hindi pa nakuntento ang mokong. Hinila ako sa gitna at ininspeksyon.

"Aba! Wala ka nang blackheads! At tignan mo, wala na rin yung pimple marks mo! Nag-level up na ang Stace ko ah!" Sabay niyakap niya ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, para lang akong timang na masyadong malaki ang mata para sa ulo.

"Peter! Anong ginagawa mo dito?!" Lumingon ako at nakita ko si Sean. Napakunot ako ng noo.

"Sean? Kilala mo si Peter?" tinanong ko siya. Hindi niya ako sinagot at hinila niya ako bigla sa tabi niya.

"Stay away from my fiance" sabi ni Sean.

"Aray! Bitiwan mo nga ako, Sean! Nasasaktan ako!" Binitiwan niya ako at pumunta sa gitna nilang dalawa.

"Ano bang meron? Bakit para kayong mga aso at pusa?" tanong ko uli sa kanya.

"Oo nga naman, Sean. Bakit di mo sabihin sa kanya ang totoo?" ngisi naman ni Peter.

Nagbuntong-hininga si Sean sabay tinging sa akin. "Half-brother ko si Peter. Kapatid ko siya sa mother's side."

... What?!

When the Nerd Meets the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon