Sabi nila, tuwing 11:11pm daw kailangan mo daw mag wish at matutupad daw ito kung uulitin ng labing-isang gabi, at matutupad ang wish sa huling araw. Maraming tao ang hindi naniniwala sa ganitong paniniwala. Ewan ko ba! hindi naman ako desperado sa ganyang paniniwala eh. Pero malay mo magkatotoo. Malay lang, pero sana nga!
Sinimulan ko yun dahil sa babaeng pinakamamahal ko. Naniniwala din kasi siya doon at siya pa mismo nagsabi sakin nun.
"Alex!"
Sigaw sakin in Max na nakajacket at nakapants habang ako ay nakaupo sa damuhan at naghihintay ng 11:11pm. Minsan kasi doon na ko natutulog. Sa likod lang kasi ng bahay namin yun.
"M-max ! andyan ka pala."
Sagot ko sa kanya habang unti unti akong tumatayo.
"Bakit ka nandito?"
Sabi niya habang papalapit siya sakin.
Tinabihan niya ako at tumingala sa langit habang nakangiti.
Etoh nanaman ang pagtibok ng puso ko, halos sumabog na dahil sa maganda niyang ngiti.
"Andaming stars ngayon noh. Natandaan mo yung sinabi ko sayo?"
Tanong niya
"Yung ano?"
"Halika , lakad lakad muna tayo *sabay akbay*"
Nagulat ako ng inakbayan niya ko. Ewan ko, para akong nasa heaven. Pinapawisan ako sa sobrang kilig kahit na sobrang lamig.
Si Max, ang real name niya si Maximilian. Unique noh? Si Max ang pinakamaganda sa buong campus namin. Ang swerte swerte ko nga eh dahil siya pa ang nakipagkaibigan sakin. Ang malungkot lang. Madalas, napapaaway siya. Kaya pala siya ang nakipagkaibigan sakin. Kasi maski isa, walang may gustong makipagkaibigan sa kanya. Maldita siya, pero sana ako ang maging dahilan ng pagkabago ng ugali niya. Sana, pero mukhang imposible.
Ok! back to reality.
"Ano na?" sabi ko
"Ikaw ah! Ginagawa mo ba yung sinabi ko sayo?"
"Hahaha ako?"
"Ay hindi hindi! yung multo sa tabi mo! Siyempre ikaw! *sabay kotong*"
"Ay ano ba yun? yung 11:11pm?, siyempre! Malay natin totoo talaga yun."
"Hahahaha! desperado ka talaga ah"
"Sa totoo lang ngayon gabi ang una ko itong gagawin."
Nakatingin lang siya sa mata ko. Sobrang tagal ng pagkatangin niya sakin at ang tagal din ng oras na sobrang tahimik. Tumingin siya bigla sa relo ko.
"UY !!! 11:10 na!!" sabi niya sakin.
"Okey .. 56..... 57.... 58....59.... 60....."
Nag wish ako. At nag wish din siya.
"First time ko to.....
Wish ko .... sana mas humigit pa ang pagiging magkaibigan namin ni Max. Yung tipong magkakagusto kami sa isa't isa ng walang ilangan. Sana hindi na din siya maging maldita. Naaawa na ako sa kanya. Ayun lang. "
"Max !! tapos ka na mag wish ?"
"Shhhhh...."
"Ay shooory fooo... "
Nakapikit siya at nakayuko. Tinitignan ko yung labi niya. Yung pilikmata niya. Hay nako HEAVEN nga naman oh.
"Please dumilat ka na.!" bulong ko.
When she open her eyes, waaah!! Parang kumikinang kinang sa ganda.
That night, umuwi na kaming dalawa sa bahay namin. To be honest, kapitbahay ko lang siya. Mga labing walong metro lang mula sa bahay namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/10507761-288-k656920.jpg)
BINABASA MO ANG
11:11pm (Make a wish for eleven days) Ongoing
Teen FictionThis is my new story mga wattpaders ^_^ Sana magustuhan niyo ^_^ Ongoing series parin po Please read and vote !